Katorse

Kumatok ako sa pinto namin at sinalubong ako ng kapatid kong lalaki. Galing ako ng trabaho, nadatnan ko si Nanay na naghahanda ng agahan, si Tatay naman naliligo. Gaya ng nakagawian, pagpasok sa bahay, nag-bless muna ako’t dumiretso sa kuwarto para magpalit ng damit. Umupo ako’t nilipat ang channel ng T.V., naghanap ng magandang mapapanood. Kinalabit ako ng kapatid ko,

Utol: Kuya,..

Ako: Oh…?

Utol: Me itatanong sana ako…

Ako: Mmmm, ano yon?

Utol: Pa’no ba manligaw?

Ako: Ahh..? (sabay ngisi)

Nakangiti kong nilingon ang aking kapatid. Bigla ko na lamang naisip na, ang bilis ng panahon at binata na ngayon ang kapatid ko. Bigla ko ring naalala yung mga oras na ako yung nagtitimpla ng gatas niya, nag-papaypay habang tinatapok-tapok ang puwet para makatulog at yung mga panahong nilalakad ko yung daan pauwi galing eskuwela nuong Grade 3 para makabili nang harinang ginawang tsokolate na may iba’t-ibang korte’t disenyo, me maipasalubong lang sa kaniya…

Utol: Hui… Kuya!

Ako: Oh..??

Utol: Ano na..?

Ako: Ano??

Utol: Yung tinatanong ko…

Ako: Ah.., yun ba?? Hehehe..

Ako: Bakit, may pera ka na bang pang date at pambili ng bulaklak?!

Utol: Wala,.. pero andiyan ka naman eh..di ba? (sabay ngisi)

Ako: Ulul! ako pa pag-proproblemahin mo, ako nga walang pang-date eh! (sabay tawa)

Utol: Joke lang…. me ipon naman ako eh, sige na… turuan mo na ako kung paano..

Utol: Pa’no mo ba niligawan yung naging girlfriend mo nung high skul?

Ako: Teka,.. sino ba yan??! (kunot nuo)

Utol: Kaklase ko…

Ako: Oh, yun naman pala eh, edi sabihin mo… ganun lang!

Utol:
Eh, hindi ko nga alam kung pa’no eh, nahihiya ako eh.. (sabay ngisi)

Ako: Problema ba yun, edi idaan mo sa sulat..

Utol: O’nga no.. sige-sige… galing mo talaga! (hehehe) Salamat Kuya!

Ako: Samahan mo na rin ng rosas, yun ay kung may pambili ka.. ‘wag kang mang-hihingi sa’ken ah. sisipain kita!

Utol: Hahaha. Ang kuripot mo talaga, wala kang kasing-tigas! (sabay tawa)

Ako:
Ulul!

Mama: O’ siya, siya.. tama na yan. Nakahanda nang pagkain, kumain na tayo’t anong oras na. Mahuhuli na kame..

Mama: Jonas…

Utol: Po?

Mama: Tawagin mo na ang Tatay mo’t dalawa mo pang kapatid, sabihin mo kakain na.

Utol: Opo…

Lumiwanag ang paligid, nakakasilaw, biglang naglaho ang kanina lang’y abalang pamilya ko. Nakita ko na lamang ang aking sariling nakatayo, mag-isang ino-okupa ang malawak na espasyo ng isang lugar na di ko malaman kung saan. Pakiramdam ko’y nasa loob ako ng isang silid na kinulayan ng puti ang bawat dingding, at pinuno ng mga ilaw na puti ang kisame.May nakita akong maliit na puting paru-paro, nagpaikut-ikot sa akin at dumapo sa aking paanan. Kukunin ko na siya nang napansin kong naghuhulugan na parang piraso ng puzzle ang puting sahig na aking tinatapakan. Tumakbo ako papalayo at naiwan ang paru-paro. Inabutan ako ng pag-guho ng sahig at nahulog. Ibinukas ko ang aking mga mata, madilim at mabilis ang tibok ng aking puso. Tumayo ako’t sin’witch ang ilaw, nakita ko sila Tatay, Kumag (bunso) at si Mama na mahimbing na natutulog. Panaginip lang pala ang lahat..

Kung nabubuhay ka pa siguro hanggang ngayon Tol, madalas din siguro tayong mag-away gaya nang ginagawa namin ng kakambal mo. Ano kaya hitsura mo ngayon? Mas guwapo ka kaya kesa sa’ken? Pero malabo yun, ako panganay, kaya ako lang ang mas guwapo. Hahaha. Itatanong mo din kaya sa’ken yung tanong mo sa itaas? Itatanong mo din kaya kung pilot na black ba ang magandang panulat sa lab letter? Kung sterling ba ang gagamitin mo, kung “hallmark” ba ang card na pag-lalakipan mo nito, kung saan ka makakatipid kapag nag-aya ka ng date, kung red, white, pink o violet ba ang magandang kulay ng rosas na ibigay at kung pa’no ba humalik nang hindi nahahalatang pers taym mo. Kung nabubuhay ka siguro ngayon, hindi kita nami-miss nang ganito. Miss na kita ‘tol!

Kristoffer Jonas Cubo
July 11, 1996 – March 3, 1999

Para sa kakambal mo na si Christian Joshua Cubo Abad, mag-aral ka nang mabuti diyan sa Isabela at huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Auntie May. Pasensya ka na kung madalas kitang pag-sabihan tigas kasi ulo mo eh. In Jesus Name! Aylabyu tol!

Belated Happy Birthday sa inyong Dalawa! Labyu Tols! (plural eh =p)

[Sinulat noong Ika-9 ng Hulyo taong 2010]

13 thoughts on “Katorse

    • Naks naman! Hindi ako mabait ate, Pinoy lang. Hehehe. Pero Maraming Salamat sa komento, na-appreciate ko sobra. Ingat ka lage at Godbless!

      Maraming Salamat sa pagbisita. Balik kang muli! 😉

  1. wow…wala akong masabi sa nabasa ko…nakakatouch nga sya…

    me halong lungkot pero siguradong masaya si Jonas dahil ikaw ang kapatid nya……

  2. ahhh bat ganun ? bday ko pa sya nawala 😦
    nalulungkot ako . wala ko masabi . d ko man alam pakiramdam ng nawalan ng kapatid pero kaya mu yan, bigay mo nalang sa mga natitira mu pang kapatid un sana part na para kay Jonas ..

    smile chevy^^

  3. nakakatouch naman. 😦 nakakalungkot. nabilib ako sayo kasi nakaya mo yun. astig. ako, feeling ko hindi ko kakayanin yung ganyang karanasan.

    happy birthday sa kapatid mo.

  4. Nice.

    Dama ko yung lungkot pare. *tapik

    alam mo na yun, tol. Kilala mo ko alam mo na mensahe ko.

    Arayay unyan momento dapat pakasilen toy panangaro tayo ed saray totoon intilak dad sikatayo. Awa? =)

  5. every moment count.
    we need to express our love to our family and friends while we are with them.

    galing mo bespren.lawak ng imagination mo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s