Ang Pagpatak ng Kamalayang Malaya

Luha ay ang lumalabas na likido mula sa glandula ng luha. Dumadaloy itong pababa habang nasa ibabaw ng mata o buliga (buong mata), na nagdurulot ng pamamasa ng mata, at dumadaloy din sa talukap ng mata. Ayon kay Kumpareng Wiki ang naturang depinisyon na iyan. Subalit yan nga ba talaga ang tunay na depinisyon ng salitang “luha”? Maaring sa literal oo, pero hindi ba’t emosyon ang dahilan kung bakit tayo lumuluha? Emosyon na nagpapabago-bago na gaya ng panahon…

Maging ang pag-luha ay may kaniya-kaniya ding klasipikasyon. May luhang tinatawag nilang mababaw lamang, meron din naman yung luhang may malalim na pinanggagalingan. Merong galing sa labis na kagalakan at meron din namang dulot ng hinagpis at kapighatian. Maraming kaganapan din sa ating buhay ang maaring maging sanhi nito, break-up ng magsyota, pagkadapa dahil sa katangahan, pagkanakaw ng di pa nanababayarang cellphone, pagkasipa sa trabaho, pagkapanalo sa sweepstakes o dikaya nama’y pagka-wala ng mahal sa buhay. Bawat detalye, kurba at pangyayari ay may kontribusyon kung bakit tayo lumuluha.

May kaniya-kaniya mang klasipikasyon, dahilan at pinanghuhugutan ang ating pag-luha. Iisa lamang ang ibig sabihin nito, ang pag-luha ay karapatan ng bawat nilalang. Karapatan natin ito buhat ng tayo ay isilang sa mundo. Walang makaka-agaw, walang sino man ang maaring pumigil. Malaya tayong ilabas ang ating emosyon, kalungkutan man yan o kasiyahan. Malaya tayong ilabas ang ating mga saloobin na nagpapabigat ng ating nararamdaman. Malaya tayo, gaya ng mga ibon sa papawirin, gaya ng mga isda sa karagatan at gaya ng pagtakbo ng usa sa kakahuyan.

Luha man ay may sariling kamalayan at kalayaan.
Pagluhang may kamalayan, malayang pagluha,
banayad na aagos at mag-nining ning ng kusa.

Beinte Uno

Biruin mo yun, dalawampu’t isang taon na pala ang lumipas, dalawampu’t isang taong pagiging tao at dalawampu’t isang taong pamamalagi dito sa mundo. Sa tuwing sumasapit ang araw ng aking kapanganakan, parang wala lang, ordinaryong araw lamang para sa akin. Nakakatanggap ng mga mensahe, pabati mula sa mga malalapit na kaibigan at mga mahal sa buhay. Dahil ordirnaryong araw lamang para sa akin ang aking kaarawan. Hindi na ako nag-aabala pang paghandaan ito, kung anung meron sa araw na iyon, yun. Kung wala naman, ayos na rin basta’t nairaos ang buong maghapon.

Kagabi nagkaroon ng kaunting salo-salo dito sa opis. Kaarawan din kasi nang isa kong katrabaho na si NBSB(tampok siya sa aking posteng MU Online Philippines nuong nakaraang Abril 2010). Dahil a-nuwebe ng Hunyo ang araw ng kaniyang kapanganakan at ako nama’y a-diyes. Naisipan kong sabay na lamang naming ganapin ang pagseselebra ng aming kaarawan. Sulit na ang dalang pagkain matipid pa. Hahaha. Kung kaya namang lakarin ang isang lugar, ba’t kailangan pang mag-arkila ng tricycle. Ganun akong klase ng nilalang ng Diyos, praktikal ikanga.

Nakatanggap ako ng mga pabati mula sa aking mga katrabaho, akala ko parang ordinaryong araw lang din. Pero higit pa dun ang aking inaasahan, pinaghandaan din pala nang aking mga katrabahong babae ang aming kaunting pinagsaluhan kagabi.Gumawa sila ng graham at yung isang “green thing” daw tawag dun. Kulay green ito na mala-gelatin na may sahog at may grated cheese sa ibabaw. Pandagdag sa dala naming pancit palabok, rollcake na coated wit caramel at ilang 1.5L na Coke. Gumawa din sila ng iba’t-ibang kulay ng balloon(me partisipasyon din ako dun, isa din ako sa mga naglagay ng hangin sa loob ng balloon) at meron pang pahabang balloon silang ginawa na animo’y manunuod ng laban ng Lakers at Celtics. Go Celtics! Kaya yan, “No we never give up!” ika nga ni Paul Pierce.

Naging maayos, masaya at nakakabusog naman ang aming pinagsaluhan kagabi. Kinaumagahan tuloy parin ang pag-ulan ng mga pabati, meron pa ngang nagsulat ng “Happy Birthday” sa isang papel na idinikit sa salaming nagsisilbing pagitan ng bawat module dito sa opis. Transparent kasi yung salamin kaya nabasa ko yung mensahe. Nakakataba ng puso. 😀 Pauwe na ako nang nakatanggap ako ng tawag mula sa aking matalik na kaibigan na si John Paul at binati ako, nakareceived din ako ng text message mula kay Sanggang Dikit at sa iba ko pang mga kaibigan. Pero walang tatalao sa note na iniwan ni Tatay sa ibabaw ng tibi namen yun ang nagpa-extraordinaryo ng araw na ito! Akshuli, ako original nun, iniwanan ko rin kasi si Tatay ng note nung birthday niya tapos kunwari nagtulug-tulugan ako. Walang originality tsk! Hehehe. Binati rin ako ni kumag(bunso kong kapatid).

Bago matulog nagdasal ako sag’lit at nagpasalamat sa panibagong taon na ibinigay sa akin ng Dakilang Lumikha, humingi ng gabay at kapatawaran, humiling na rin para sakin at para sa aking pamilya. Mula pagka-gising kaninang hapon hanggang kaninang mag aalas-diyes ng gabi me narereive parin akong mga text messages para bumati. Yung pinsan kong babae na si Ate Candy, tumawag, nakausap ko rin sina Ate Ikhay at Ate Claws. Yung ibang mga kaibigan namin ipinaabot yung pabati kay Sanggang Dikit at merong mga hindi ko inaasahang babati sa’kin na bumati. “expect the unexpected” ika nga. At me humabol pa kaninang mga bandang alas onse habang naka break ako, dibale pasok parin naman yun. Hehehe..

Ang kaarawan ay hindi nakukuha sa dami ng bisita’t bonggang handaan. Bagkus, ang malaman mong marami ang nagmamahal at hindi nakakalimo’t… higit pa ito sa pakiramdam ng may litson sa iyong harapan at hamon sa hapag-kainan.

Sa lahat ng bumati at babati pa lamang! Maraming Salamat! Aylabyu all!

Para sa lahat ng may kaarawan ngayon’g buwan ng Hunyo! Happy Birthday to us! Rakenroll! \m/