Bumukas ang pinto kasabay ng isang matandang babae na nakasalamin na may nakasunod na binatang nakasuot ng salaming tuwing tirik ang araw lamang isinusuot at may bitbit na maletang kulay berde.
“Ito ang magiging kuwarto mo” , habang binubuksan ang pintuan ng unang kuwarto mula sa main door ng boarding house na pansamantalang tutuluyan ng binata.
“Ito si Charles, siya ang makakasama mo sa kuwarto”, tumambad sa kaniya ang isang malaking mama na nakasuot ng kulay asul na jersey at may pagkasupladito. Pagbukas pa lamang ng kuwarto ay umalingaw-ngaw na ang dominanteng amoy ng lalake sa loob ng kuwarto. Isang bagay na ayaw na ayaw ni Kristoff. Lalaki si Kristoff ngunit ayaw niya nang amoy ng lalaki sa loob ng kuwarto. Ayaw niya ang amoy ng pundang hindi nalabhan na animo’y hinimlayan ng ermitanyo nang matagal na panahon. Ang amoy ng telang akala mo’y isang dekadang pinawisan. Ang mangasim-ngasim na amoy mula sa pagkaka tanggal ng sapatos at kung anu-ano pa.
Hindi naman siya maarte, dahil lumaki sa isang mahirap na pamilya ang binata. Sadiya lamang na hindi sinasang-ayunan nang kaniyang pang amoy and mga ganuong klaseng bagay. Sa ganuong bagay lamang siya sa maselan. Iginala pa nang matanda ang binata sa loob at ipinakilala sa mga ibang nakatira din doon. Isang buong palapag ang inu-okupa ng pansamantalaga niyang titirhan. Para itong hinati sa gitna, ang kanang bahagi ay nahati sa tatlong kuwarto, dalawang inu-okupahan ng mga lalaki at ang pinakadulo naman ay sa mga babae. Samantalang ang kalahati sa kaliwa naman ay ginawang sala, hapagkainan, kusina at maliit na espasyo para sa palikuran.
A kinse ng Disyembre taong 2012 nang lumipat si Kristoff sa bahay na kaniyang titirhan. Nag-ayos siya ng kaniyang mga gamit. Isinabit ang bag, ipinosisyon ang basket na paglalagyan ng mga maruming damit at isinalansan ang mga damit sa ipinahiram na kahong plastik na may divider animo’y nagsisilbi nitong bawat palapag. Nakahiwalay ang damit panlakad mula sa pambahay, may kaniya-kaniyang kahon ang bawat damit base sa klasipikasyon nito. Mula sa mga panloob, shorts, mediyas at mga pantalon. Maging ang ginagamit niya sa kaniyang katawan na pang linis, pabango at kung ano pang mga anik-anik ay may sarili ring espasyo sa loob ng kahon. Pagkatapos mag-ayos ng mga damit ay naisipang magwalis ni Kristoff, nagpunas ng kaunti, nag-spray sa loob ng kuwarto gamit ang pinaglumaang pabango at inilagay ang sapatos sa ilalim ng kamang higaan. Masasabing maayos at may pagka-OC ang lalaking ito base sa mga kilos niya.
Hapon na ng magising si Krsitoff at sakto naman at wala itong pasok kinagabihan. Lumabas ito para maligo, mediyo pipikit-pikit pa ang mga mata. Dinampot niya ang tuwalyo at isinukbit sa kaniyang balikat, saka nagtungo sa may tukador sa itaas lababo para kunin ang kaniyang habonera. Bago tuluyang pumasok sa banyo, naisipan muna niyang magsipilyo bago maligo. Dinampot ang sipilyo, nilagyan ng toothpaste at habang abala ang kaniyang balikat at likod sa pagyugyog gawa ng pagsisipilyo.
“Pssssst!”, narinig iyon ni Kristoff
“Pssssst! Huy!”, narinig niyang muli iyon subalit hindi niya nilingon kung sino man ang mapangahas na naninitsit sa kaniya. Tuloy lang siya at nag e-enjoy habang ginagalugad ng kaniyang sipilyo ang bawat sulok ng ngipin niya’t gilagid.
“Hoy! Suplado!”, tinig ng isang babae subalit may kababaan ang tono nito. Nagbuga ng tubig si Kristoff, nagpunas ng bibig gamit ang tuwalya saka nilingon ang babae. Nakasilip ito sa may pinto ng kanilang kuwarto na tapat ng kusina. Nakalabas lamang ang ulo na nakasandal sa may dulo ng pinto, ilang bahagi ng balikat lamang nito ang nakalabas habang ang kanang kamay ay nakalapat sa may pintuan animo’y nakasuporta rito.
Tinignan lamang ni Kristoff ang babae, ngunit hindi niya ito nginitian. Bagkus tinignan lamang niya ito na para bang nagtatanong nang, “bakit?”.
“Bago ka rito?”, “Oo”, sagot ng binata. “Kelan ka pa lumipat?”, “Kahapon ng hapon”, sagot nito. “Aaaah..”, habang binababa-taas ang ulo na animo’y parang may iniisip. “Bakit?” tanong ng binata. “Wala naman, natanong ko lang, miminsan lang kasi ako makakita ng ibang tao dito eh..” sagot ng dalaga. “Aaah, ganun’ ba?”, balik nito.
“Ako nga pala si Jaanisha”, sabay abot ng kamay nito sa binata.Humakbang palapit ang dalaga sabay ini-abot ang kamay sa binata tanda ng pormal na pag-papakilala. Sa tantiya niya ay nasa labin-walo hanggang labin-siyam na taong gulang ito, ‘di katangkaran, maputi, balingkinitan ang pangangatawan at may pagka-cute.
Pigil na napatawa ang binata ng di sinasadiya sabay takip ng bibig gamit ang tuwalya habang nakatingin sa dalagang nasa harapan niya. Tinitigan siya ng dalaga at kumunot ang noo nito subalit naka-abot parin ang kamay sa binata.
“Dionisha?”, habang pinipigilan parin nito ang pagtawa dahil sa pagkamangha mula sa narinig. “Hindi! Jaanisha, Jaa-ni-sha”. “Aaah, ako nga pala si Kris–”, naputol ang pag-papakilala nito nang tangkang aabutin din nito ang kamay ng dalaga. “Hmmpf! Dibale na lang, ayokong makipag kilala at higit sa lahat makipag kaibigan sa isang bastos na kagaya mo! Tapos hahawakan mo pa ang kamay ko. Nyek! nyek! mo! Magka-allergy pa ako! Diyan ka na nga! Bastos!”.
Agad na binawi ng dalaga ang kaniyang kamay, tumalikod at naglakad pabalik ng kaniyang kuwarto na parang batang nagmamaktol. Natigilan ang binata, alam niyang hindi tama ang inasal niya lalo pa’t ito ang unang pagtatagpo ng dalawa. Hindi na nakapagsalita ang binata dahil bago pa may lumabas na salita sa bibig nito ay lumagapak na ang pintuan ng kuwarto ng dalga mula sa pagkakasara.Nagkibit-balikat na lamang si Kristoff at nagtunog na sa banyo upang maligo.
Umaga nang dumating si Kristoff sa kanilang building mula sa trabaho. Naka long-sleeve na polo itong may stripes na pula, naka tight na maong na kulay gray, naka suot ng itim na chucks at naka shades. Paakyat siya sa hagdanan ng building patungo sa ikalawang palapag nang maulinagan niya si Jaanisha na nag-sasampay habang humihimig ng isang kanta. “Hi! Dionisha!”, bati nito sa dalaga.
Babatiin din sana pabalik ng dalaga ang binata nang mapag-tanto niyang mali ang pagkaka-banggit ng kaniyang pangalan. “Che!”, sigaw nito. “Pa-shades shades pa hindi naman tirik ang araw”, dagdag pa nito. Narinig ito ni Kristoff, nagpatuloy lamang ito sa pag-lalakad at saka ngumiti.
Isang gabi nang lumabas si Kristoff sa kuwarto nito para kumuha ng tubig na maiinom sa kusina ay nadatnan niya duon si Jaanisha na nag-luluto. “Hmmmn, ambango naman niyan…”, tukso ng binata habang hawak-hawak ang baso ng tubig sa kamay nito’t paunti-unting tinutungga. Nag-gigisa ng bawang na hiniwa sa maliliit na piraso si Jaanisha at isinunod nito ang hiniwang sibuyas na nagpa-dagdag sa bango nito. “Hu—waaaw, hmmmmn, ang sarap naman naman niyan talaga!”, dagdag pa nito ngunit hindi parin siya pinansin ng dalaga. Saka sunod na inilagay ang hamon na hiniwa sa malilit na piraso. Tuloy parin sa paglagok ang binata habang nakatingin sa ginigisa ng dalaga.
Isusunod na sanang ilagay ni Jaanisha ang kaning lamig na nilamas, nang biglang. “Ooops! ooops! oooops!”, biglang sigaw ni Kristoff. “Oh, ano nanaman?! wala ka talagang magawa ano?! Mam-buwi-buwisit ka nanaman ba?”, asik nito sa binata. “Sungit mo namaaaaaan,,,” sa malambing nitong boses. “Gusto ko lang sanang tumulong, kasi parang mali yung ginagawa mo…” dagdag pa nito. Dadag-dagan pa sana nito sinabi nang biglang putulin ni Jaanisha ang kaniyang pananalita. “Tumahimik ka nga! Alam ko ginagawa ko!! Hmpf! Buwisit!”, pasungit na baling nito sa binata sabay irap dito.
“Sayang, tutulungan pa naman sana kita. Ikaw din…..”, panunuya nito sa dalaga habang nilalapag ang basong pinag-inuman sa lababo Tatalikod na sana ito, subalit. “Sige nga! Sabihin mo nga sa akin kung anong maling ginagawa ko?! Oh, itong sandok!”, panunubok ni Jaanisha kay Kristoff. Napangiti ito subalit mediyo alangan ang binata na abutin ang sandok dahil alam niya sa kaniyang sarili na hindi siya marunong pagdating sa kusina. Ganuon din naman ang dalaga kaya niya sinubok ang binata. Subalit hindi magpapatalo ang binata at kinuha ang sandok mula sa pagkakahawak ng dalaga.
“Akina’, tiyaka, siyansi ang tawag dito hindi sandok. ‘tamo dito pa lang mali ka na.”, sabi nito. “Yeah, whatever…. Sige na! gawin mo nang ‘tama!’ yung ‘maling’ ginagawa ko!. Bilis nagugutom na ang mga alaga ko!”, pasungit paring baling nito sa binata.
“Nakita mo yang mga bawang? Dapat bago mo ilagay ang kanin eh, kulay gold yan or dapat mediyo brown na ang kulay niya”, nagtaas ng kilay ang dalaga subalit mediyo namangha sa sinabi ng binata. Pag-aakalang alam nito ang kaniyang ginagawa. Subalit patuloy parin na nakakunot ang noo nito, habang pinapanuod ang ginagawa ng binata at nakapa-ekis ang dalawang braso sa dibdib nitot’ naka-ipit sa magkabilang kili-kili ang dalawang mga kamay.
Maingat at patuloy sa pag-giya ang siyansi sa ibabaw ng kawali animo’y nagsasayaw sa ndayog ng musikang nanggagaling sa binata. “Ayaaaan, ayus! Paabot nga nung kanin” utos ng binata kay Jaanisha. “Oh!”, pagalit na sabi nito. Isinalin ng binata ang kanin sa kawali at patuloy na hinalo-halo na para bang naghahalo ng semento saka binudburan ng kaunting asin.
Mahigit limang minuto naring patuloy na hina-halo ng binata ang kanin sa ibabaw ng kawali na nag-ngingintab sa mantika at may mga bahagi itong nagkukulay brown. Naamuy ni Jaanisha ang halimuyak ng sinangag. Tumunog ang tiyan nito sa gutom, at hindi iyon napalagpas ng tainga ng binata at ito’y napangiti. Pinatay ni Kristoff ang kalan. “Ayaaan, sa wakas na tapos na rin. Whew, pinagpawisan kili-kili ko dun ah. Me’ tumulo pa nga ata diyan sa kanin eh. Hahaha”, nagawa pa nitong magbiro kahit hindi niya alam kung maganda ba ang lasa ng kinalabasan ng niluto nito.
“Tabi!”, sabi ng dalaga at napagilid ang binata ngunit hindi kalayuan sa dalaga. Dumampot ng kutsara ang dalaga saka sumandok ng kaunti. “Ano..? okay ba yung ‘Lauriat ala King Kristoff ko?”, pagmamayabang na tanong ng binata kahit sa likod ng isip niya ay may nagsasabing “sana masarap, sana masarap”. Nakatitig lamang ang binata sa dalaga, inaabangan ang magiging reaksiyon sa mukha nito na para bang hinihimay ng kaniyang dila ang bawat butil ng kaning nasa loob ng kaniyang bibig.
“Hmmmmn,” pambibitin ng dalaga habang halos mapanga-nga ang binata sa paghihintay ng sasabihin nito. “Hindi na masama, para sa isang tulad mo na puro pambuwi-buwisit lang ang alam.”, aniya na halatang ayaw ipahalata na nasarapan siya sa kinalabasan ng pag e-eksperimento ng binata. ‘Yes!’, sa isip-isip ng binata. “Welkam…”, bulaslas nito habang nag-pupunas ng pawis sa noo.
Kumuha ng dalawang pinggan ang dalaga at inilapag sa mesa. Nilagyan ng sinangag na mukhang lauriat at niyaya ang binatang kumain. “Halika na, sabayan mo na akong kumain”, paanyaya nito ngunit wala paring lambing sa mga boses nito. “Okay lang, busog pa ako”, sagot nito.”Halika na, huwag ka nang maarte, tiyaka hindi ko rin naman mauubos ‘yan mag-isa”, sagot nito. “Hmm, eh parang ayaw mo naman talaga akong yayain eh. Halatang napipilitan ka lang. Bigay mo na lang dun sa mga kasama mo”, kunwari’y nagtatampo subalit ang totoo’y nanunuya ito.
“Ang arte mo! Halika na nga dito sabi eh!”, pagalit na baling ni Jaanisha. “Oh, tamo! Nag tra-transform ka nanaman. Paano ako lalapit, tinatakot mo ako. Kulang na lang eh, tumubo yang mga pangil mo”, panunuya nito sa dalaga. Animo’y natatakot pero halata naman sa mukha ang nakakalokong ngiti nito. Naningkit ang mga mata ni Jaanisha at patuloy lamang itong naka-titig sa binata. “Oh, ayan ka nanaman eh. Ayusin mo kasi yung paanyaya mo sa’kin. Para naman kasing ayaw mo talaga akong makasalo sa pagka’in eh..”, dagdag pa nito.
“Eh, ano ba kasing paanyaya ang gusto mo serrr?!”, pasungit na sagot nito. “Gusto ko, yung mediyo me lambing naman ng kaunti. Kahit pilit, okay lang…”, nakangiting balik nito sa dalaga akala mo’y maaong tupa sa pangungumbinsi nito. “Mukha mo!, manigas ka diyan sa gutom! Basta ako kakain ako at gutom na gutom na ako! Hmpf!”, tumalikod na ang dalaga at humarap sa pagkain. Aktong susubo na sana ito, “Aaahhhh…shhhhh, ang sakit ng kanang braso ko, ayshhhhh…tsk!”, pag paparinig ni Kristoff kay Jaanisha nang makita niyang nakanga-nga na ito para isubo ang kanin sa bibig niya. Habang hawak-hawak nito ang itaas na bahagi ng kaniyan gbraso malapit sa balikat at iniikot patalikod na para bang kakatapos lang maghalo ng semento sa construction.
Nilapag ni Jaanisha ang kutsarang may kanin sa pinggan niya at napabuntong hininga bago tuluyang nilingon ang binata. “Ano ba kasi?! Nagugutom na ako…umupo ka na kasi dito sa tabi ko, kainis naman eh! Ano ba gusto mong gawin ko para saluhan mo na ako sa pagkain?”, inis nang dalaga sa lalakign kaharap. Kunwari’y ayaw tumingin ng binata sa nakakunot noong dalagang nakaharap sakaniya at kunwari’y nag iisip habang nakanguso. Bahagyang tumingin ito sa dalaga na natitig parin sakaniya. “Sige, u-upo ako para kumain kung gagandahan mo ang paanyaya mo sa akin….”, sabi nito na parang batang sinusuyo at inaalok ng candy. Hindi umimik ang dalaga at patuloy paring natitig sa kaniya at ramdam mo ang inis sa mga mata nito. “Sige na kasi….. sumakit kaya talaga ang kanang braso ko, kakahalo ng kanin na yan.. feeling ko nga eh, na dag-dagan na ang triceps ko….four-ceps na”, kunwari’y sumimangot. Napapigil ng tawa si Jaanisha sa hitsurang iyon ni Kristoff. “Oh siya, sige na, halika na po dito, kamahalan at tayo’y kakain na……”, malambing na sabi nito.
“Ayan…. Kaya mo naman pala eh…akshuli, kanina pa talaga ako nagugutom..hehehe”, nakangiting sabi nito. “Hmpf! Mukha mo!”, mahinang sabi ng dalaga. Tinignan lang siya ni Kristoff tiyaka nginitian. Mabilis na sumubo ang dalaga dahil sa gutom nito. Nagtataka siya na parang ang tahimik ng katabi niya. Isusubo na sana niya ang pangatolong kutsara ng kanin habang nginuguya ang pangalawa nang mapatingin siya sa binata. Nakapikit ito at nakayuko. Taimtim itong nagdarasal, pasasalamat para sa pagkaing nasa harapan niya.
Napatigil sa pag-nguya si Jaanisha na para bang namangha sa hitsura ng lalaking nakapikit na nasa tabi niya. ‘Di niya sukat akalain na ang isang alaskador, antipatiko at ubod ng yabang na tulad niya ay marunong din palang magdasal.
Nagbukas ang mga mata ni Krsitoff. Nanatiling nakatitigparin sakaniya si Jaanisha. Nilingon ni Kristoff si Jaanisha nang mapansin niyang nakatitig dito ang dalaga. Ibinaling ni Jaanisha ang tingin sa kinakain saka sumubo. “Marunong ka rin palang magdasal,” usal nito habang ngumunguya. “Oo naman no, igaya mo naman ako sa’yo…”, pang aasar nito sabay subo sa unang kanin. Umirap ang dalaga, mukhang nag-kamali ata ito sa akala.
Madaling araw ng maalimpungatan si Jaanisha. Lumabas ito para kumuha ng maiinom na tubig. Mediyo pipikit-pikit pa ito nang lumabas ng kuwarto at hihikab-hikab pa habang nagpupungas ng mata. Naglakad ito papunta sa lababo kung saan nakapatong ang gallon na lalagyan ng tubig. Kumuha ng baso, inikot ang pihitan ng gripo, saka isinara.
Tuluyan nang nagbukas ang mga mata nito para tunggain ang tubig mula sa baso nang mapasinghap siya sa gulat dahil may taong naka-upo na nakaputi sa tabi niya. Binatukan niya ang lalaking walang kamuwang-muwang na naka-upo at nakasuot ng earphone habang naka-pikit.
“Aray, kuh!”, tinanggal agad ni Kristoff ang earphone sa tenga niya at nilingon kung sino man ang pangahas na nambatok sa kaniya.
“Bakit mo ginawa, yon?!”, naka-kunot noong tanong nito sa dalaga.
“Magsalita ka naman kasi, papatayin mo ako sa nerbiyos eh!”, asik ng dalaga.
“Tapos naka-puti ka pa!!”, dagdag pa nito.
“Tae neto’, malay ko bang andiyan ka?! Nanahimik ang tao dito eh….”, naka-kunot parin ang noo nito habang hinihimas ang batok. Dahil halos tumama ang mukha niya sa lamesa sa lakas nang pag-kakasapok ng dalaga.
“Sorry, nagulat ako eh…”, biglang huminahon ang boses nito. Maaring napagtanto nito ang pagkakamali niya. Nilapag ni Jaanisha ang basong may tubig sa mesa at naupo malapit kay Kristoff.
“Ano ba kasing ginagawa mo dito ng medaling araw? Diba may pasok ka?”, tanong ng dalaga.
“Maaga kaming pina-uwi sa trabaho”, sagot nito habang binabalik ang earphone sa tainga niya.
“Bakit?”, na halos buka nang bibig lamang ang maiintindihan mo dahil panay musika na ang naririnig ng binta.
“Hah?!”, tanong binata na napalakas na pala ang boses.
“Sabi ko…, Baaa-keeeeeet..?!” na inilapit ang bibig sa tainga ng binata saka tinaggal ang earphone sa kaliwang tainga nito.
Napataas ang kaliwang balikat ni Kristoff sa lakas ng boses ni Jaanisha na tumama sa kaliwang tainga nito at napa-pikit animo’y parang kini-kiliti.
“Aysha!!!”, napaigtad si Kristoff sabay lagay ng hintuturo niya sa kaliwang tainga animo’y nililinisan sa pagkatuliling nito.
Hagikgik si Jaanisha sa reaksiyon ng mukha ni Kristoff. Parang batang tuwang-tuwa sa pinapanuod na pelikula, kulang na lang ay tumulo ang laway na nito sa kakatawa. Nag-iba ang reaksiyon ng mukha ni Kristoff na para bang sumeryoso. “Teka…., nagmumog ka nab a?”, sabay punas sa kaliwang tainga nito at saka inamoy. “Hmpf!, ano ba yan! Amuy kahapon pa! tsk! Nag sipilyo ka ba?”, sa pagkakataong ito si Kristoff naman ang babawi. Napasimagot bigla si Jaanisha. “Mukha mo!, kahit hindi ako mag sipilyo ng isang taon! Mas mabango parin ang hininga ko sa’yo! Hmpf! Diyan ka nga! Buwisit! , antipatiko!” tatayo na sana siya ng biglang hawakan ni Kristoff ang braso niya.
“Tignan mo ‘to, pagkatapos akong istorbohin at sigawan, iiwan ako dito mag-isa. Dito ka muna, samahan mo muna ako…please..?”, pangungumbinsi nito. Ba’t ko naman sasamahan ang lalaking ito. Sa isip-isip niya. Mamaya kung ano pang gawin sa’kin nitong manyak na’to. Nakahawak pa sa kamay ko.Saka niya tinignan ang binata mula sa pagkakatingin nito sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya.
“Kamay mo!”, asik nito.
“Ay! Sorry….”, pangiting sabi nito. “Ba’t ba ang sungit-sungit mo sa’ken?”, tanong ng binata. “Eh, pa’no, kasungit-sungit ka naman talaga!”, hindi parin nagbabago ang mood nito. “Ano ba kasing ginagawa mo dito at medaling araw eh dito ka pa nag sa-sound trip?”, tanong nito sa binata. “Eh, ayoko dun sa loob kuwarto eh. Mainit tiyaka kulob ang amoy”, sabi nito.
“Arte namaaan, parang ‘di lalaki”, pang aasar ni Jaanisha sa binata. Hindi umimik si Kristoff. Sa isip-isip tuloy ni Jaanisha eh binabae talaga ito. “Eh, ikaw ba’t gising ka pa?”, balik na tanong nito sa dalaga. “Naalimpungatan ako eh, eh.. nakaramdam ako ng uhaw kaya lumabas ako para kumuha ng tubig”, sagot nito. “Nauhaw ka, kaya mo ako binatukan ng pagka-lakas-lakas ganon’?!”, sumbat nito sa dalaga. “Eh, tinakot mo ko eh. Malay ko bang andiyan ka pala. Buti nga hindi ka nakaharap kung hindi baka inatake na ko sa puso. Hahaha!”, pang-aasar nito.
“Ang ganda mo teh ah?!”, asar na sabi ni Kristoff. “Teka nga, maiba ako. Ba’t ba ang sungit-sungit mo pala saken?”, tanong nito sa dalaga. Napasimangot bigla ang dalaga dahil sa tanong na iyon ng binata. “Oh, tignan mo ‘to… nagtatanong ako ng maayus eh. Huwag mong sabihing susungitan mo nanaman ako?”, manghang tanong nito sa dalaga.
“Ewan ko sa’yo!”, na para bang nag-ibang anyo nanaman ang dalaga sa paningin ni Kristoff. Hanggang ngayon ay hindi parin alam ni Kristoff ang dahilan kung bakit sobra na lang kung magsungit sa kaniya si Jaanisha buhat nung una nilang pagkikita. “Hindi mo talaga alam kung bakit?!”, asik nito. “Hindi…. kaya nga ako nagtatanong eh. Nagtataka lang kasi ako na para bang sa tuwing nakikita mo ako eh kumukulo ang dugo mo..”, tanong nito.
“Hindi ‘parang’, talagang kumukulo ang dugo ko sa’yo”, na para bang nanggigil habang sinasabi ito. Nagkibit-balikat ang binata. “Gusto mo talagang malaman?”, tanong ng dalaga. “Ikaw, sasabihin mo ba?”, balik nito. “Naalala mo ba yung unang pagkikita natin ditto sa bahay?”, tanong ni Jaanisha kay Kristoff.
Napakunot noo ang binata at ang mga mata’y nakatingala na para bang inaalala ang una nilang pagkikita. Sakai to biglang pigil na natawa nung bumalik sa kaniyang isipan ang una nilang pagkikita. “’tamo na! hmpf!”, sabi ng dalaga. “ Diyan ka na nga!”, tatayo n asana ito ng pigilin siya ni Kristoff. “Teka muna, sandal…. sorry, sorry”, may naalala lang kasi ako nung gabing ‘yun.” Sabi nito habang pinipigil ang tawa. “Sorry na…..hindi mo pa nga sinasagot ang tanong ko eh…”, panunuyo nito.
“Che!”, asik ng dalaga.
“Ano ba kasi yun…?”, pagpapatuloy ng binata.
“Bakit ba ang sungit-sungit mo sa’ken Dionisha?”, dag-dag nito. Sabay,…
“Pak!”, “Aray ku!”, sinapo ni Kristoff ang kaliwang pisngi nito.
“Bakit? mo ginawa yun?!”, nakakunot noong tanong nito sa dalaga.
“Hindi Dionisha ang pangalan ko! Jaanisha!”
“Ano?”
“Jaaa-ni-shaaaa”
“Spell..”
“J….A….eh—“
“Teka, bakit ko ba ini-spell ang pangalan ko..”, nang mapansin nitong nakangiti ang binatang nakatingin sa kaniya na para bang manghang-mangha habang seryoso nitong ini-spell ang kaniyang pangalan.
“Hihihi”, “Alam ko na pangalan mo, Jaanisha. Tinanong ko kasi yung roommate mong si Krystel kung may problema ka ba. Tapos nakuwento ko yung unang pagkikita natin. Hagalpak siya sa kakatawa pagkatapos marinig yung kuwento ko. Tapos sinabi nga niya, na madalas ka raw asarin sa pangalang Dionisha, at baka ‘yun daw ang dahilan kung bakit mo ako sinungitan at patuloy na sinusungitan buaht nang una nating pagkikita”, pagpapaliwanag nito.
“Sayang, cute ka pa naman sana…”, bulong nito sa sarili..
“Ano?!”
“Wala, cute ka sana kako kaso bingi ka..” sagot ng binata sa dalaga na pinipigilan ang ngiti dahil sa narinig.
Nagka-kuwentuhan ang dalawa. Nakipag-palitan ng kuwento sa isa’t-isa. Mula sa personal na buhay at kung anu-anong aspeto nang pagiging tao. Nagtatawanan sila na para bang minsa’y hindi sila naging parang aso at pusa kung mag turingan. Meron pang minsang napa-papalo si Jaanisha sa binata dahil sa mga pabirong banat nito at sa mga lokong komento niya sa mga kasama nila sa bahay lalo na sa may-ari ng boarding house na tintirhan nila na si Tita Fely.
Ang kuwentuhan ay nauwi sa asaran, tawanan, buhay pag-ibig , hanggang sa masigawan tapos tawanan ulit. Dito nalaman ni Kristoff na beinte-dos anyos na pala si Jaanisha at nagtratrabaho sa isang kagawaran sa gobyerno. Nagtapos na iskolar sa Unibersidad ng Pilipinas na siya namang ikinamangha ng binata. Nalaman din niya na kakahiwalay lang pala nila ng boyfriend nito at napansin niya ang pagkalungkot habang kinukuwento niya ang kaniyang nakaraan. Pala-kuwento si Jaanisha at tuwang-tuwa si Kristoff habang pinagmamasdan niya itong nagkukuwento, mula sa kumpas ng mga kamay, reaksiyon ng mukha aakalain mo talagang andun ka dahil sa sobrang detalyado magkuwento ng dalaga.
Napansin ni Jaanisha na nakatitig lang sakaniya ang binata na para bang natutulala.
“Huy!”
“Inaantok ka na ata eh”, tanong nito.
“Ah, hindi natutuwa lang ako sa mga kuwento mo. Tandang-tanda mo kasi bawat detalye eh”, sagot ni Kristoff..
“Siyempre ako pa! nag memory plus yata to!”, pagmamayabang ng dalaga
“Oh, ikaw naman, masakit na panga ko kakakuwento eh. Teka, mula kanina pa tayo nag kukuwentuhan, tumilaok na’ng manok lahat-lahat hindi ko parin alam ang pangalan mo”, dagdag nito.
“Ako nga pala si Igor”, sabay seryosong iniabot ang kamay sa dalaga bilang pormal na pagpapakilala ng sarili habang nakangiti.
Nagpipigil ng tawa pagkarinig ng sinabing iyon ng binata. Hindi na siya nag pigil pa at tuluyan ng sinapo ang tiyan at hugalpak sa kakatawa.
“Hooooyy!!!”, mula sa malaking boses ng lalaki kasabay ng malakas na dabog mula sa dingding ng kalapit na kuwarto na nasa gitna. Marahil ay nagising sa malakas na tawa ng dalaga.
“Ssssshhhhhhhh”, sabay lagay ng hintuturo sa bibig ni Kristoff hudyat para patahimikin ang dalaga. Patuloy parin sa pagtawa si Jaanisha, namumula na ang mukha nito at halos mahulog na siya kinauupuan dahil sa kakatawa. “Ang panget ng pangalan mo…hahaha”, patuloy parin sa pagtawa si Jaanisha animo’y di maka get over sa narinig.
“Sssssshhhhh, huwag ka maingay….. Halika dun na lang natin sa labas ituloy yung kuwentuhan nating dalawa..”, sa mahina nitong boses.
Tumayo na si Kristoff at niyayaya na niyang sumama sa kaniya si Jaanisha dahil baka sa susunod eh labasin na sila ng mama na nagising nila. Hindi parin tumatayo si Jaanisha at patuloy parin sa pagtawa, sapo parin niya ang tiyan niya at halos hirap na sa paghinga. Pinipigilan niyang tumawa pero hindi niya magawa. Mula pagtayo hanggang sa marating nila ang labasan at umupo sa upuan na naka set up sa hallway ng building nila eh patuloy parin sa pagtawa si Jaanisha.
“Aha…hahahah, hah, “, sabay hinga ng malalim tapos tawa ulit.
“Hihihi, hahahaha, Igor talaga ang pangalan mo? Hahaha”, hindi parin ito makapaniwala at para bang manghang mangha parin sa narinig kanina pa.
“Tumigil ka na nga…”, sa mahinang boses sabay pinanlakihan ng mata si Jaanisha
“He,.. hihihi… ang panget kasi talaga ng pangalan mo.. Igor!”, saka humagalpak ulit ng tawa.
“Ssssshhhhh, ang ingay mo”, mahina parin ang boses nito. Tinakpan ni Jaanisha ang bibig niya subalit tuloy parin sa kakatawa. Walang magawa si Kristoff para patigilin ito kaya nakitawa na lang din ito kahit hindi niya alam ang dahilan kugn bakit ito tumatawa. Napuno ng tawanan ang paligid. Pasalamat na lamang sila at mukhang mahina ang dating sa loob ng bahay ng mga kapitbahay ang ingay na nagmumula sa labas kaya hindi sila nasigawan.
Parang baliw na nagtatawanan ang dalawa. Magtitinginan sabay tatawa, tapos tatahimik, magtitinginan, tapos tatawa ulit. May pagkakataon pa ngang sa sobrang tawa eh napautot si Krisotff na pinagsimulaan nanaman ng matinding tawanan.
Hindi lamang ‘yun ang una’t huling pagkakataon na nagkasama, nagka kuwentuhan at nagkatawanan ang dalawa. Sa ikli ng panahon ng pagkaka-kilala nila eh para bang palagay na agad ang loob nila sa isa’t isa. Meron pa ngang minsa’y natutukso sila dahil sa sobrang malapit sila sa isa’t isa. Malinaw kay Kristoff na gusto niya si Jaanisha. Subalit ang dalaga naman ay mediyo naguguluhan sa ikinikilos ng binata patungkol sa kaniya’t apektado nun ang kaniyang damdamin. Napapansin niya ang pagiging malambing ng binata sa kaniya subalit hindi pa niya alam kung handa na ba niyang talikuran ang kaniyang nakaraan at tanggapin ang nararamdaman ng binata para sa kaniya. Alam niyang hindi pa nagtatapat ang binata subalit may pakiramdam din siya na, doon din ang patutunguhan nun at kailangan niyang ihanda ang kaniyang sarili kung sakali man na dumating ang araw na iyon.
Isang gabi nagkaroon ng kasiyahan sa bahay na tinitirhan nila. May kantahan at meron din naming inuman. Magkalapit ang upuan nila Kristoff at Jaanisha sa harap ng hapag –kainan kung saan nakapatong ang mga pagkain at inumin sa harapan nila. Habang nagkaka-siyahan ang lahat at masayang nagtatawanan at nagkukuwentuhan. Tahimik naman na nag-ussap ang dalawa at ipinatong ni Kristoff ang ulo niya sa kanang balikat ni Jaanisha. Ikinagulat iyon ng dalaga subalit hinyaan na lamang niya. Marahil ay dala na rin ng kalasingan kaya ganun ang ikinikilos ng binata.
“Teka nga, umamin nga kayon dalawa. Kayo ba o hindi?”, tanong ni Tatay Bong na siyang katiwala sa bahay na tinitirhan nila. Napalapit na rin si Tatay Bong sa mga nakatira duon dahil siya ang takbuhan lagi sa tuwing nagkaka-problema sa bahay.
“Huh? Naku! Hindi po..”, biglang sagot ni Jaanisha.
“Eh, kasi ang sweet-sweet niyo sa isa’t isa. Tingnan mo nakapatong pa yung ulo niya sa balikat mo. Eh,…. Aakalain ko talagang kayo nga”, dagdag ni Tatay Bong.
“Naku, hindi, hindi ho talaga, Hindi Tatay Bong, magkaibigan lang ho talaga kami.”, sagot ng dalaga na umi-iling iling pa habang nagsasalita. Habang tinutukso naman siya ng iba nilang kasama sa bahay.
Narinig ni Kristoff ang pag-uusap ng dalawa subalit pinanatili nitong ang pag-kakapikit ng kaniyang mga mata animo’y natutulog.
“Good night!”
“Good nigh!”
“Night!”
“Ingat!”
“Sige, oh matulog na ha?”, pagpapaalam ni Tatay Bong bago tuluyang umakyat sa ikatlog palapag ng gusali kung saan siya nakatira.
Natapos na ang kasiyahan at tuluyan nang nag paalam ang mga kasama nila sa inuman. Naiwan sina Jaanisha at Kristoff at sila ang nagligpit ng mga ginamit na pinggan at natirang pagkain. Natapos silang nagligpit. Pumasok ng kuwarto si Jaanisha at ganun din si Kristoff. Naisipan ni Kristoff na maligo kaya dinampot niya ang kaniyang tuwalyang pamunas at pumasok sa banyo.
Binuksan ni Kristoff ang gripo at patuloy na pinagmasdan ang tubig na nagmumula dito na dumadaloy patungo sa malaking timbang nasa harapan. Natutulala siya habang patuloy na bumabalik sa kaniyang isipan ang pag-uusapan nila Tatay Bong at Jaanisha kanina habang sila’y nag-iinuman.
“Aaaarghhh! Hindi! Hindi! Hindi puwedeng kami, haaaay…”, napabuntong hininga siya habang tahimik na kinakausap ang sarili.
“Tsk! Haaaaaaaaaaay! Pa’no kaya?”, malinaw kay Kristoff ang tumitinding pagka-gusto niya kay Jaanisha. Subalit alangan siyang magtapat nang nararamdaman dito. Lalo pa’t nagkakaroon na siya ng pagkakataon para makalapit ditto ng hindi siya sinusungitan ng dalaga na nakikipag kuwentuhan at nakikipag tawanan pa sa kaniya, ayaw niyang masira ‘yun.
“Aysha!, bahala na! tsk!”, nagbuhos na ng tubig ang binata gamit ang tabo sa timba. Natapos itong maligo at nang ito’y lumabas nakita niya ang dalaga na naka-upo sa harapan ng lamesa at nakaharap sa kaniyang laptop.
“Oh, gising ka pa?”, tanong ng binata.
“May paglalamayan akong report eh”, sagot ni Jaanisha.
“Ikaw ba’t gising ka pa?”, balik na tanong nito.
“Natulog ako sa banyo, nakitang nakatapis eh, nagtatanong pa. Isip-isip din pag may time”, pamimilosopo nito.
“Mukha mo! Ewan ko sa’yo! Magbihis ka na nga, yang tiyan mo ang laki! Kadiri ! yuck!” , at tuluyan na itong humarap muli sa kaniyang kompyuter. Dumaan si Kristoff sa likuran nito at inundayan ng sapak ang dalaga.
“Huwag mo nang ituloy, nakikita kita ditto sa screen reflection”, pagbabanta nito.
Napakamot na lamang ng likod si Kristoff at kung anong naisipan niya’y binatukan niya ng mahina si Jaanisha saka mabilis na tumakbo sa kaniyang kuwarto.
“Arrggggggh!!!! Bastos ka talaga!!! Humanda ka sa’ken mamaya!”, galit na binantaan ang binata habang ang binata nama’y pigil ang tawa pagka pasok sa kuwarto.
Natapos magbihis ang binata at binuksan ng bahagya ang pintuan ng kaniyang kuwarto. Inilabas ang ulo at sumilip sa may sala. Wala na ang laptop sa lamesa at nakapatay na rin ang ilaw.
Biglang.. “Pok!”
“Aww!”, may pumalo ng walis tambo sa ulo nito at saka siya piningot sa tainga palabas ng kuwarto.
“Aray! ara-ara-ara….”, hindi mabigkas ng maayus ni Kristoff ang salitang aray habang pahilang pinipingot ang kaniyang tainga. Nagbukas ang ilaw at tulyan nang binitawan ng pangahas ang kaniyang tainga.
“Dionisia?, este Jaanisha? awww…..”, binawi kaagad ni Kristoff ang sinabi nang makita niyang inuundayan nanaman siya ng palo ng dalaga. Hinihimas himas ng binata ang kanang tainga niya na namumula dahil sa pagkaka-pingot ng dalaga.
“Aray, kuhhh….”, pasimangot na sabi ni Kristoff.
“Buti nga sa’yo. Hmpf! Diyan ka na nga!”, pinatay na ni Jaanisha ang ilaw na nasa dingding malapit sa pinto ng kuwarto niya. Binuksan ang pintuan ng kuwarto ngunit bago pa ito tuluyang makapasok sa kuwarto eh pinigil siya ni Kristoff.
“Jaanisha….”, sambit nito sa mahinang boses habang hawak-hawak nito ang kanang kamay ng dalaga. Hindi nagsalita ang dalaga at naghihintay lamang ng susunod na sasabihin ng binata. Subalit ramdam nito ang matinding kabog sa kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit niya ito nararamdaman. Basta ang alam niya’y hindi siya maka kilos at malinaw sa kaniyang isipan ang kagustuhan niyang marinig ang susunod na sasabihin ng binata.
“May sasabihin sana ako sa’yo…”, lumapit ito ng kaunti sa dalaga at naramdaman ni Jaanisha ang mainit na hininga ng binata sa kaniyang balikat. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ng dalaga at mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso nito mula sa pagkakalapit nila. Subalit pinanitili nito ang kaniyang posisyon at hindi parin nilingon ang binata.
Dahan-dahang ipinaharap ng binata ang dalaga sa kaniya. Napasandal ito sa dingding na malapit sa pintuan ng kaniyang kuwarto. Nakayuko ang ulo nito na para bang ayaw tingalain ang lalaking nasa harapan habang ang katawan ay nagkukubli sa dilim dahil sa pagkakapatay ng ilaw. Nananitiling nakatitig si Kristoff kay Jaanisha habang ang kaliwang kamay nito’y nakadantay sa dingding kung saan nakasandal ang likod ng dalaga.
“Gusto kita Jaanisha, in fact, mahal na nga yata kita…”, sa mahina ngunit malambing nitong boses na para bang sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito’y kasabay ng kaniyang pag-hinga.
Mas lalong lumalim ang paghinga ni Jaanisha at ganun din ang binata at napasinghap ito ng haplusin ng binata ang kaniyang pisngi gamit ang kanang kamay ni Kristoff. Pinababa niya ang kaniyang kamay hanggang baba at marahan na iniangat ito.
Nagkatitigan sila, walang anumang tinig ang lumalabas mula sa dalawa at tanging paghinga at malakas na kabog ng dibdib ang iyong maririnig. Subalit ang kanilang mga mata’y nangugusap na para bang may hatid itong mensahe na sila lamang ang nakaka intindi.
“Sorry, hindi ko rin alam kung bakit ko nararamdaman ‘to. Basta ang alam ko, Masaya ako kapag kasama kita, hinahanap kita sa tuwing darating ako ng bahay galing trabaho kahit alam ko naming di kita madadatnan. Inaantay kita sa pagkain tuwing tanghali kasi alam ko uuwi ka nun kahit antok na antok na ako”, pagpapaliwanag nito sa mahina subalit malambing na boses.
“Sorry, hindi ko rin alam kung bakit ako nasa harapan mo ngayon. Ang tanging alam ko lang ay parang sasabog ang dibdib ko ngayong gabi kung hindi ko masasabi sa’yo ang nararamdaman ko. Hindi ko sinasadiyang guluhin ang isipan mo o sirain ang kung ano mang magandang samahan ang meron tayo sa ngayon. Sorry…”, na para bang nalulungkot habang pinapahayag ang kaniyang damdamin sa dalaga. Marahil, maging siya ay naguguluhan din kung bakit siya biglang nagtapat ng nararamdaman ditto.
Pinagmasdan lamang ni Jaanisha ang mukha ni Kristoff na siyang tanging inaabot ng liwanag mula sa nakabukas na pintuan ng kaniyang silid. Muli sanang magsasalita ang binata. Subalit bago pa man ito makapag salita ay nasakop na ng dalaga ang kaniyang mga labi dahilan para maputol ang dapat sana’y kaniyang sasabihin. Nagulat ang binata sa ginawa ng dalaga. Para bang nabato-balani ito’t hindi nakagalaw mula sa pagkakatayo. Nanatiling nakatukod ang kaliwang kamay nito sa dingding samantalang ang dalaga nama’y nakahawak sa magkabilang balikat ng binata habang nakatukod ang mga paa upang maabot ang mga labi nito.
“Mahal din kita….”
Nagkahiwalay mula sa pag-kakahinang ang labi ng dalawa. Kusang kumawala si Jaanisha mula sa paghalik sa binata. Subalit nanatiling magkalapit ang kanilang mukha. Nakatulala parin binata at di makapaniwala sa mga nangyayari. Natauhan ito’t, napapatitig sa nakangiting mukha ng anghel sa kaniyang harapan.
“Mahal kita…”, pag-uulit ng dalaga. Subalit bago pa man ito muling makapagsalita. Ang binata naman ang umangkin sa kaniyang mapupulang mga labi. Sa pagkakataong ito, ang dalaga naman ang nagulat sa ginawa ni Kristoff. Subalit di nagtagal eh gumanti narin ito ng halik. Mabagal, ngunit mainit ang palitan ng halik ng dalawa na para bang magkasintahang matagal na hindi nagkita at punung-puno ng kasabikan sa isa’t-isa.
Natapos ang gabing iyon. Mas lalong nakilala nila Kristoff at Jaanisha ang isa’t isa. Sabay silang nagdarasal sa tuwing kakain at kasamang ipinagdarasal ang mga kaibigan at pamilya ng bawat isa. Gumawa ng mga plano sa hinaharap, pang sandali man o pangmatagalan at nangakong hindi magpapatalo sa kanilang pride para ipaglaban ang kung anong dapat. Magkasama na rin silang dumadalo sa lugar kung saan pinupugay ang panginoon tuwing araw ng Linggo. Nagkaroon sila ng kaniya-kaniyang grupo na kinabibilangan. Mas dumami ang mga kaibigan at higit sa lahat mas lalong tumibay ang paniniwala nila sa kanilang pagmamahalan dahil nilagay nila ang Diyos sa sentro ng relasyon nila.
Naging isang parang panaginip ang love story ng dalawa na biglang nagkatotoo. Hindi dumadaan ang araw na hindi nila nasasabi kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. May mga pagkakataon parin na para silang aso at pusa pero hindi nila pinapalagpas ang isang buong araw at magbabati rin sila. Simpleng “sorry na” at “I love you” ang kahinaan nila sa isa’t isa. Ang simpleng “bati na tayo, mimiss na kita” ay parang zonrox na nakakapagpatanggal ng mantsa.
Hindi man perpekto ang relasyon nila gaya nang di ko makuha-kuhang paglalaba. May mga gusot na kailangang plantsahin, mga pekas na kailangang kuskusin at mga bahong kailangang sabunin. Magkakamali at magkakamali sila. Subalit sa bawat pagkamamali ay may aral na natututunan, sa bawat pagtatampo ay may mga bagay silang napagtatanto at sa bawat pag iyak ay ang walang hanggang pag ngiti. Gaya nang mga bituin sa langit na minsa’y natatakpan ng ulap. Patuloy parin itong mag nining ning na sa iba’y hindi mo mahahanap.
~Wakas
pang balentayms ‘to. sakto ko nabasa. pakilig eh. ang mga ayaw pahalatang damdaming mahaharot…