‘Di na gaya ng dati…

Sabi sa archive, ‘5 years go’ na daw mula nuong unang poste ko dito sa wordpress. Hindi ko naman sinasabing isa akong manunulat o isa sa mga naging ugat sa pag-usbong ng mundong blogosperyo. Isa lamang din akong gamu-gamo, lumot, damung ligaw na buma-blog hop sa iba’t-ibang kuta ng mga tinatawag nilang ‘bloggers’, astig pakinggan diba? Eh, inggetero ako. Ayun, gumawa rin ako ng sarili kong ‘blog’.

Isa na rin akong self-proclaimed ‘blogger’. Artistahin ang dating, ‘blogger’, pero ang totoo gusgusin parin. Nagsimula sa blanko, hindi Rico, takte limang taon na ang lumipas korni parin mga banat ko. Mabalik tayo sa ‘blanko’, walang kulay, walang buhay, walang istorya – in short – walang kuwenta. Iyon ang hitsura ng blog ko ng mga ilang oras pagkatapos kong maka-buo ng account dito sa wordpress. Hindi ko alam ang gagawin, blumag-hop ulit, naki-gaya, kumopya ng design ng iba, bagsak ng widget dito – drag duon, hanggang sa nakabuo ako ng matatawag kong ;bahay-cubo’.

Unti-unting nagkaroon ng kulay ang munti kong kuta, hindi sa palamuti o magagarang design dahil wala naman akong alam sa heych-tee-em-el nuon. Nadagdagan kasi ako nang mga kaibigan, hindi man sa mundong ginagalawan ko, pero sa mundong alam kong ‘totoo’. Hanggang sa natuto akong gumawa nang disenteng latha, hindi masakit sa mata, gawa nang tuluy-tuloy na pagsusulat dahil hindi pa kami ganun ka-close ng salitang ‘talata’. Sinubukan ko ring sumabay sa akda nang iba, pala-liman ng salita, palawakan ng pang-unawa at sariling interpretasyon sa mga bagay-bagay o pangyayari sa lipunan. Pero hindi ko kinaya, may mga naka-puna sa aking latha, pumuri na nagbigay ng ngiti sa akin kahit pansumandali. Akala ko kasi kaya ko, marunong lang pala pero hindi ko talentado.

Hanggang sa unti-unting natuyot ang pagkatas ng utak ko. Kahit gaano ko pa finger-in ang ilong ko, hindi nalilibugan ang mga brain cells ko. Duon ko nakilala si ‘hiatus’, sabi nila, pahinga lang daw muna, ang totoo, rason ko lang ‘yon dahil hindi ko na kayang sabayan ang mundong dati’y in-enjoy ko. Sa kabila nuon, ‘yung mga taong dito ko nakilala, sila yung nagbigay ng suporta. Kaya ko siguro pinili ang mundong ito, hindi lamang dahil ‘cool’ pakinggang na meron ka nito, kundi dahil, malapit sa katotohanan ang istorya ng bawat isa kahit na minsan ay puno nang misteryo.

Hindi ko alam kung para saan ang lathang ito, gusto ko lamang gunitain ang mga sandaling kaya pang tumipa ng tuluy-tuloy ang mga daliri ko. Buntong hininga man ang naging panapos ko, isa lang ang masasabi ko, ‘Namiss ko kayo’.

Dahil hindi na gaya nang dati…

Advertisement

5 thoughts on “‘Di na gaya ng dati…

  1. Miss ko na rin yung dati pero wala na tayo dun. Wala na tayo sa panahong tayo ang nagkakagulo tuwing nagkakasama sa isang post. Nakakamiss. Pero nandito na tayo. lahat nagbabago. Kahit ako nagbago. marami pa sana akong gustong sabihin pero parang iniwan na siguro ako ng bawat thoughts at idea at sipag para tumipa, Ewan. Miss na kita, minsan din sobra.

  2. Dahil hindi na gaya ng dati…mahal na ang bigas, mahal na pamasahe, pati gasolina, hindi na uso ang textmate kasi may fb chat na..marami..marami na ang nagbago, ang importante, bawat yugto ng pagbabago naranasan mo. Namimiss ka rin malamang ng mga taong naging parte ng dating ikaw at sigurado ako…mamimiss ka rin ng mga taong parte ng ikaw ngayon. Ngiti ngiti lang 🙂

  3. Dahil hindi na gaya ng dati…mahal na ang bigas ngayon, mahal na pamasahe, pati gasolina, hindi na uso ang textmate kasi may fb chat na..marami..marami na ang nagbago, ang importante, bawat yugto ng pagbabago naranasan mo. Namimiss ka rin malamang ng mga taong naging parte ng dating ikaw at sigurado ako…mamimiss ka rin ng mga taong parte ng ikaw ngayon. Ngiti ngiti lang 🙂

  4. Hmmm… malalim ang pinaghuhugutan… at naniniwala ako na lahat ay binabago ng panahon… lahat ay di gaya ng dati kung titingnan mo ngayon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s