Pagbati

Ilang taon na ba ang lumipas? Buwan, linggo, mga araw. Hindi ko na mabilang.  Maraming mga bagong karanasan, mga taong nag-daan. Nasaan na kaya sila? Pasko, maraming mga bata ang nag-aabang nang pagsapit nito. Maging ako man naranasan ko rin isabit ang mediyas ng Tatay ko dahil inaabangan ko ang pagdaan ng karwahe ni Santa Claus para lagyan ito ng mga tsokolate’t laruan. Oo, ginawa ko ‘yun nung kabataan ko, ginawa ko yun bago pa mauso ang sagot na ‘too many to mention’  sa slam-book. Sa tuwing sasapit ang kapaskuhan, parang ang gaan lamang nang lahat. Makikita mong abala ang mga tao subalit makikita mo naman ang kasiglahan sa bawat kilos nila’t reaksiyon sa mukha na kakikitaan mo nang pananabik. Pasko, hindi mo alintana ang nag daan’g unos sa kapalit nitong ngiti ang mga luha’t pighati bigla na lamang napapawi. Kahit panandalian lamang. Pasko.

Gusto kong ipaabot ang aking pag-bati ng Maligayang Pasko sa lahat nang makakbasa nito at pati na rin sa hindi. Sa aking mga kaibigan, maraming salamat at lagi kayong nandiyan. Sa aking mga pamilya, sa Nanay at Tatay ko maraming salamat sa pagmamahal. Sa aking mga naging katrabaho, namimiss ko kayo kahit hindi niyo ramdam. Sa mga naka-daupang palad, nakasalubong, kumaway, tumapik, kumindat, sumisit-sit, tinawag ang pangalan ko, sa mga pilit akong kinikilala at ganun din ako sa kanila. Sa mga x,y,z , nakaharutan – virtual man o personal, sa mga naka ututang dila, nakipag tawanan, nakipagdal dalan nang mga walang kuwentang bagay sa akin, nakadutdutan sa telepeno, tumawa sa mga jokes kong gasgas , nagpatawa sa akin, sinakyan ang trip ko at mga sinakyang trip. Sa mga nakabanggaan ng bote, baso, kutsara at pinggan. Sa mga naging, boss, tinawag at tumawag ng boss, thank you.

Sa mga nataasan ko ng kilay, nataasan ng boses na tumaas din ang kilay sa’ken. Naka tampuhan, naka-away, naka suntukan (tingin ko wala naman), nagpa sama’ ng loob ko dahil napasama’ ko ang loob nila. Sa aking mga nasaktan, napa-iyak ko kung meron man (umiyak din ako kala niyo). Sa mga nag share ng utot at eksperiyensya makakabuti man o hindi sa pananaw at kalusugan Sa mga taong inakala na nakalimot na ako, patawad. Sa inyong lahat, Maraming Salamat at Patawad kung may mga pag-kukulang man ako sa inyo o kung may  nagawaan man ako nang hindi maganda, patawad.

Kung ano man ang ating mga pinag saluhan, ginusto man o sadiyang hindi maiiwasan. Lahat nang iyon, tumatak sa akin at kalianman ay hindi ko malilimutan. (lalo na sa mga nasa blog-gulong ko, namiss ko kayo, pramis). Mananatili kayong parte ko, kahit hindi man ako maging ganuon sa inyo. Ang bawat hibla nang karanasang iyon ang siyang bumuo sa akin. Kung ano man ako ngayon, o kung meron man, ay bunga ng mga yapak ng nakaraan, at parte kayo nun. Maraming Salamat! =)

Advertisement

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s