Hindi ko na maalala kung kelan ko huling naramdaman ang pakiramdam na ganadong-g anado akong magsulat. Excited ba? Nag uumapaw sa ideya, hindi mapakali ang mga daliri na para bang kating-kati sa pagtipa. Kailan na nga ba ang huli? Kahit balikan ko ang kalendaryo, mukhang hindi ako nakapag iwan nang ‘memo’ sa parteng ‘yun ng buhay ko.
Sinubukan kong magbalik-tanaw, binalikan kung paano ako natutong maglakad dito sa mundo ng blogosperyo. Kung papaano ako inalalayan nang mga taong una kong naging karanasan. Kung papaano ko unti-unting minahal ang konsepto ng paglalahad ng iyong saloobin gamit ang pagsusulat. Binalikan ang unang poste, mula sa mainit na pagtanggap nang mga aking naging kaibigan hanggang sa mga makukulit at minsa’y mahaharot na palitan nang komento. Biglang may nag –flash sa isipan ko, “Anyare?”. Napabuntong-hininga ako, tapos natanong ko ang aking sarli, “Ou nga, anyare?”.
Sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sagot sa katanungang iyan. “Nasaan na nga aba?” Andiyan lang naman. “Eh ba’t parang wala?”, hindi ko rin alam. Sinubukan ko naman, sinubukan kong bumalik. Subalit ang ideyang kanina lamang ipinunla, kahit di pa naman nasisikatan ng araw ay nangamatay na. Su’bok parin, balik-tanaw, click dito-click doon, dalaw ditto-dalaw doon. Para akong nakasakay sa time machine habang binabalikan ko yung dati, hanggang sa naramdaman ko na lang na may gumuguhit na palang ngiti na unti-unti nang nag mamarka sa aking mga pisngi.
Bigla kong naisip, “Ou nga, ang dami rin palang naka apekto, kung bakit hindi naman kasama sa plano eh parang naka-hiatus mode ako”. Nandiyan ang trabaho, lablayp na kung minsan parang rubik’s cube na may pagka-komplikado, emosyon at kaniya-kaniyang sirkumstanisyang ating kinakaharap sa pang araw-araw. Hanggang sa napagtanto ko, sa aking paghinto. Patuloy parin ang kalakaran sa mundong ito, minsan ka mang tumatak sa kanila. Darating ang panahon kung saan matatabunan ka rin ng yapak ng iba.