Kanina habang nasa lunch break ako (lunch pero 11pm yun haha), at nakikinig ng music sa selepon. Ugali ko nang magpatugtog ng mga kanta mula sa aking cellphone sa tuwing kakain, at kanina nga’y napag-tripan kong patugtugin ang mga kantang.. ang singer/artist ay mga babae lamang. Nag-play ang kantang “What If God Was One of Us” ni Alanis Morissette (isa sa pinaka paborito kong singer na babae ;)). Sabay sa pag-headbang ang ulo ko sa intro ng kanta, at sinasabayan ang “Yeah, yeah, God is great” sabay subo ng kanin na sinabawan ng kape dahil ang ulam ko’y boneless na bangus (siempre bangus capital of the ‘pinas). Habang pinakikinggan ko ang kanta, tumatak sa isipan ko ang isang parte ng lirico nito, ang “What would you ask if you had just one question? ”. Tapos napa-isip ako, pa’no nga kung isang mortal na gaya natin ang Dios, gaya ng mga tao’ng nasasalubong natin sa may overpass at mga nakakasabay sa pagtawid sa pedestrian lane. Pa’no kung isa siya sa mga taong nakasalamuha at naka-daupang palad na natin. Pa’no kung may isang tanong ka, na maaring itanong sa kan’ya. Ano ang itatanong mo? Tatanungin mo ba siya kung totoo bang malas ang magwalis ng bahay kapag gabi? Kung mananalo ba si Noynoy sa 2010 election? Kung bakit nakalabas ang brief ng mga superheroes? Kung magkaka-anak ka ba ng tatlong sunod na lalaki at babaeng bunso dahil suwerte daw yun? Kung makakapasa ka ba board exam? Kung bakit kelangan pang tubuan ng tigyawat sa loob ng ilong? (ang sakit kasi! Amp!) at higit sa lahat kung totoo bang bading si Nostradamus at chorva lamang ang prediction niyang magugunaw na ang planet earth sa darating na 2012? Maraming katanungan, at tanging ang ating Dios Ama lamang ang makakasagot nian. Ikaw? “What would you ask God, if you had just one question?” Subukan’g magtanung, maki osyoso at malaman ang kasagutan ni lord. Malay mo, sabe nga ni Glowb “Making great things possible”, lakas mo sa globe... 😀
Base! haha. Siempre ako unang magtatanong: Lord, bakit walang pagkakontento ang tao sa mundong ‘to? (ipokrito’ng sinungaling ako kung sasabihin kong kontento na ako sa buhay ko, gusto ko lang malaman ang kasagutan). txtbk asap. tc! muwah!
Lord bakit hindi pantay ang itlog este buhay ng iyong mga anak?
tanong ito ng isang idol ko, pero tanong ko na rin kasi gusto ko talaga malaman.. kung totoo bang wala ng pototoy ang mga lalaki kapag kaluluwa na sila? tingin mo tol ano sagot??
di na ako magtatanong kay God.. alam ko namang matagal nya pa ibibigay ang sagot..=)
ikaw na lang ang tatanungin ko..ahmm..ehh, tuli ka na ba? kesa si Lolo pa magtanong samyo nyan.. ako na lang!l
haha. dami mo naman Bok, ba’t matatanung yan pa. hehe. kung literal na “tuli” eh “Oo, tuli na ako”. pero kung me iba kang ibig sabihin. linawin mo’t sasagutin ko. hehehe. bakit pag si J.Cool ang nagtanung. anu mangyayari? 😉
Ingat ka lage Bok! Gdobless!
mabuti naman kung ganun.. si Lolo kase lagi nyang tanong sa mga gustong manligaw sa mga apo nya kung tuli na ba.. eh okay ka naman pala..ahaha.. pag nabasa to ni Lo.. lagot ako..=)
hmmm, ganun ba yun Bok?! buti na lamang pala’at tuli na ako! yey! (me balak?) hahaha 😀 Lagot din ako? waaaaaaaaah
nasaan na si chevy?
dito na ako Kuya! hehehe
Ingat!
musta na, mr. call center boy? hehehehe 😉
eto dating gawi, uupo sa harap ng monitor at papatayin ang oras. kaw ba? Ingat lage at Godbless! Maraming salamat sa muling pagdaan!
tatanong ko, bakit hindi nalang si chevy ? haha un kasunod akin nalang un . hahaha !
yun nga rin tanong ko eh, bakit hindi na lang ako?!! Bakit si Noynoy pa, haist! =p
Ingat ka lage at GOdbless!
Balik ka ulit!
wer na u ? haha
Ano ang pinagkaiba ng pawikan sa pagong? 🙂
Ayon sa akign bubwit.. Naipapasok ng mga pagong ang kanilang ulo at mga galamay papasok sa kanilang shell samantalang hindi ito kayang gawin ng pawikan. Mas mabilis namang lumangoy ang mga pawikan kaysa sa mga pagong.
haha..edi wow 🙂