“PSB” ka ba?

Nadiskubre kuh ang pagbloblog, sa malawak na mundo ng worldwartwo este worldwideweb ;). Nuong unang panahon ay naririnig-rinig ko na ang salitang “blog”. Subalit hindi ko pa alam, o di kaya’y sabihin na nating hindi pa mulat ang aking mata sa kagandahan ng mundong ‘to. Sa madaling salita, nuon isa akong “putok sa buho”, dahil wala akong masasabing pinag mulan ko. Pero ngayon, ahemm, nabago na iyon. Nagumpisa ng mapatambay ako sa bahay ng isang nars, hanggang sa mapadpad sa kagubatan at nakilala ang isang taga-bundok na ang isang bahagi ng pagkatao ay nasa disyerto. Nakipagsayawan sa mga maliliit subalit cute na mga nilikha ng diyos, isang “cool” at isang “alitaptap” na manggugubat. Nakilala ang isang nilalang na hango ang pangalan sa isang unggoy na timang . Yumuko at humanga sa hari ng mga “du” at di naglaon bumalik sa pangasinan at nakipag daupang palad sa isang kababayian. Nakipag showdown sa isang miyembro ng jabbawockeez na nakakubli ang katauhan sa likod ng kaniyang maskara. Nakipagsapakan kay bok, at kanina lamang ay nagbigay pugay kay lolo! muntik ko nang makalimutan ang isang inhenyera, na tulad ko, pangarap din ay ang tumaba.

Ang sarap ng pakiramdam, na malaman mo at ipag sigawan sa buong mundo na “hindi ako putok sa buho”.. Hindi gaya dati na lagi na lang akong, nakikisilip sa bahay-kubo ng iba at hindi man lang makapag-iwan ng bakas ng aking pinag mulan. pero ngaun, Hoy! mga tol! HINDI AKO PUTOK SA BUHO!, may pinag mulan ako.

Ikaw, “putok sa buho ka ba?” Ibahagi ang iyong pinagmulan at kung papaano ka nag simula. at ipagsigawaan sa madlang pipol na “HINDI AKO PUTOK SA BUHO, may pinagmulan ako”

Advertisement

22 thoughts on ““PSB” ka ba?

  1. ‘Tol, ikinagagalak kitang makilala. Sa mundong ating kinabibilangan ngayon marami ang nagsulputang kabute. Mangilam-ngilan lang ang tunay na may linamnam, gayunpaman bahagi pa rin sila ng kabuuan. Wala ata koneksyon tinitipa ko.

    Ang ngiti ko’y abot langit. Hindi ko alam kung ang taga-bundok na tinutukoy mo ay ako.

    May isa na naman akong dahilan upang mabuhay. I love you na pare! 😀

    • Ikinagagalak din kitang makilala pare. oo, tama ka. ikaw nga ang tinutukoy ko na “taga-bundok”. Nabasa ko kase ang entry mo na kalam, hindi ka pa duma.com nun. Ang lufet, kahit ilang beses kong basahin, hindi ako nagsasawa. hehe. ganu’n ako kaadik!

      Sana nga’t ako nga ang naging dahilan ng iyong pag-ngiti.

      Madami pang, dadag-dag na tao at dahilan para ipagpatuloy mo ang mabuhay at,

      I love you too pare! 😀

      *with matsing kilig tudabowns!* 😉

      • Huwaw! Ang ganda ng gising ko ah…
        Naimbag nga aldaw kinyam Chubs… 😀

        Magsusulat na talaga uli ako… haha.

        I love you pare! 😀

        *napapawiwi ako sa kilig… ahaha!*

  2. Welkam pare.., parang mga kapitbahay ko lahat ang mga nabanggit mo ah.. kung ganun nasa isang bilog tayo ng mga kaibigan d2 sa mundong ating kinabibilangan. welkam…=)

    • Maraming salamat sa pag-welkam! ou, nga. ako kasi si boi-click. nag bla blog-hop kahit wala namang sariling bahay. maraming salamat sa pagbisita!

      “sana’y maulit muli!” 😀

      Gary kaw ba yan? hahahah

      • sige uliting natin lagi.. ano nga ung uulitin parang ang dami na nun ah..=)

        parang 7months pa lang yata ako d2 pero parang dito na ko lumaki sa blogaging.. at home kase basta may respect sa mga dinadalaw na bahay kahit minsan magkakaiba tau ng pananaw

  3. Nang buksan ko ang Facebook akawnt ko sa mga bloggers at readers ko ako’y labis na nahihiya na sila pa ang nahihiya na magkomento sa bahay-kubo ko samantalang kung mapapansin, wala namang pader at bakod ‘yon para hindi makapag-iwan ng bakas, pwede pa ngang ipanhik ang sinelas na putikan. Pwede pang manginain kapag may pagkain sa hapag…in short lahat kayo mahal ko, mas masustansya ang inyong ibinabahagi sa anumang artikulo na mayron ako kung kayat ang nangyayari forum at hindi na blog ang porma ng aking kuta.

    Tip: Pwede mong lagyan ng link ang lahat ng mga nabanggit mo para ma-iclick nila kaagad kung ang layunin mo ay ipromote ang kuta ng mga nabanggit mo.

    Wala kang mararating kung hindi ka lalakad.

    Ang blogging para sa akin ay isang medisina kung kaya’t kapag nawala ito, babalik ang aking sakit, mas lalala ang aking pagkabaliw.

  4. WOW!ako ba ang mang-gugubat na alitaptap na nabanggit mo… asus!lumaki bigla ang puso ko, kasama na ang atay…..hahahaha

    welcome ang lahat sa blogosperyo, isa rin ako sa mga nangagapa nuong una, hanggang sa lahat pinaghalo na…haha, basta kaw na bahalang umintindi, isa akong luka-luka…haha

    • kayang intindihin ng loko-loko kong utak yan, hehehe. maraming salamat sa pag welcome propesora! haha. hmmm, anu nga ba itatawag ko sa’yo. maya na ‘ko mag-iisp, dumudugo na utak ko sa mga pangyayari eh. hahaha.

      tama, ikaw nga ung tinutukoy kong alitaptap na manggugubat, ehe, at may link pa yan. i-sinuggest ni kaibigan’g J.Cool. galing nga eh.

      maraming salamat sa pagbisita! sana’y makadalaw ka ulet! 😉

  5. @taga-bundok – ako ba ang dahilan ng magandang gising mo tol (assuming), hahaha. Naimbag nga rabi-i met sika tol! sana nga, gusto ko ng makabasa ng bago’ng “kalam” hehehe.

    I love you too pare!

    *pare, puwede pa-hug* – banggitin gamit ang malalim at mababang boses. ehe! 😉

    @lee mi – ou, ulit-ulitin hanggang sa maulit ng maulit ng maulit, at sa bandang huli panibagong ulit nanaman! hehehe. ang lufet! dal’wang link kagad! lakas talaga. hehehe 😉

    @J.Cool – nalagyan ko na ng link ang bawat pangalan kaibigan,at! may naidagdag pa, 😀 medyo natagalan nga lang ako (nag-trial and error pa kasi, hindi marunong ng HTML, haha) pero sulit na sulit naman. hindi ko yun naisip kagad.isang magandang paraan din yon para ipaabot ang aking pasasalamat sa mga taong nag impluwensya sa’king mag-drugs este mag-blog. hehehe.

    maraming salamat sa pagbibigay ng payo. dahil diyan, may premyo ka sa’ken. isang malambot at mamasa-masang “kiss” hahah. muuwaaaahh! ayeeeh!

      • Hindi ko alam, pero ibang klase ang pagnanasa ko sau kaibigan, hahaha! Libre naman dito (ssshhhhh) hehehe. Kaya sige, blog lang ng blog. 😉

  6. pare, sa sobrang kabisihan ko sa kable at turnilyo ngayon lang ulet nakadalaw sa bahay mo syempre, karir muna, hahaha!

    dadalasan ko na lang ang pag bisita makabawi man lang sa mganda mong komento mga katas ng tuliro kong mundo..

    😆

    • Oks lang pre, tama yan! career-rin mo na yan! Godbles sa career pre! dadalasan ko din ang pagbisita sa bahay mo,hangga’t kaya. Maraming salamat sa pagbisita! 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s