Lumabas ako ng gate ng opis at naglakad. Muntik ko nang makalahati ang eskuwelahang aking dati’y dinadaanan nang mapansin kong hindi pala naka sindi ang maliit na flash light na dala ko.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakarating sa main gate ng subdivision nang hindi man lang nanginig ang aking katawan sa takot.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.
Pumunta ako sa waiting shed na dati’y aking kinatatakutan, umupo, yumuko at naghintay ng masasakyan.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.
Sumakay ako sa unang dyip pauwe at dumukot ng pamasahe, may nadukot akong maliit na resibo ng 7/11.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.
Patuloy kong nirorolyo ang resibo nang hindi ko alam, hanggang sa makababa ako ng dyip.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.
Hindi ko pa naman nabili ang daan, subalit pakiramdam ko mag-isa ko lang ang tumatawid sa pedestrian.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.
Pagsakay sa pangalawang dyip, dumukot ng benteng pamasahe, inabot sa drayber at sinabing “Manong Para”.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.
Malapit na ako sa aking baba-baan ngunit nadatnan ko parin ang sarili kong nirorolyo parin ang resibo.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.
Bumaba ako sa dyip at pauwing naglakad. Sumunod sa utos ng aking mga paa’t nakatingin sa kawalan.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.
Patuloy ko lang na tinatahak ang daan, malapit na ako sa dapat puntahan nang di ko man lang namamalayan.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.
Nagising ako’t tinanong ang aking sarili, “bakit ko ba nirorolyo ang resibong ito?”. “Hindi ko alam ‘di ‘ko lang talaga mapigilan ang sarili ko”
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.
Tuluyang nahimasmasan at tinago sa bag ang resibong naging parang tobacco, kasama ng isang pink na papel na may nakasulat na “Pahingi ako ng 5 piso”.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.
Sumulat ako’t nilakip sa isang tela.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.
Pakiramdam ko hayskul student ulet ako.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.
Sadyang mapanggap ang mga salita, subalit tanging ang taong may pakiramdam lamang ang siyang tanging makakaunawa.
Bakit? Dahil ‘yan ang totoo.
[Hiling by Silent Sanctuary]
[Sinulat noong Ika-16 ng Hulyo taong 2010. Oras: 06:18 PM]