IN or OUT?

Ako si Chevybo/M/21/Pangasinan, hahaha. Parang nakikipag-chat lang. Pinalaki ng aking mga magulang ng me disiplina sa sarili at takot sa diyos (may kalokohan din, ssssshh.secret lang natin toh ha? ;p) Panganay sa tatlong magkakapatid. Me trabaho, nakikipag talastasan at nakikipag pataasan ng lebel ng kakulitan sa mga tumatawag na ibang lahi,siempre mula sa ibang lupalok ng daigdig. Walang normal na tulog, gising sa gabi at nakahimlay ang kaluluwa kapag dilat ang araw. Yan ang aking piniling propesyon. Pero hindi ako marunong mag ingles, pramis, basta makasagot lamang ako ng “Yes” at “Yeah” ok na!hahah.

Muntik ng hindi makapagblog dahil nuong isang taong gulang palang daw ako, kinumbulsyon ako dahil sa mataas na lagnat. nangitim, binuhusan ng malamig na tubig, dinala sa ospital, tinusok ng kung anu-ano, at siempre nakasurbayb. Pero hindi lang un, muntik-mutikan narin kaming lamunin ng lupa dahil dun sa malakas na lindol nu’ng taong 1990. Buti na lang medyo malakas ako kay “bro”, cute daw kase ako nuong baby pa.haha. Tampulan ako ng tukso nuon, dahil sa sungking ipin ko sa harapan at sa hindi normal na laki ng ulo ko (as in! parang may hydroceps! amp!). Sabe naman ng nanay ko, matalino daw ‘pag ganun, siya rin madalas magsabe saken na guwapo “daw” ako. Minsan tuloy naiisip ko, sakanya ko namana ang pagkasinungaling ko. hahaha. Pero, mahal na mahal ko yon. Kahit papiliin ako ng ibang nanay, siya at siya parin ang pipiliin ko. Siempre ganun din pagdating sa tatay ko. Sa mga kapatid ko naman, hmmmm. Sige na nga. hahaha. Pasimple kasi kung mang-hold up yung mga un eh. asar. tsk! Hindi ako uod pagdating sa mga libro, hindi gaya ng ibang blogger. pero me natapos na akong pocketbook! oha! Kanya-kanya lang namang trip yan eh, walang basagan ng trip!

Hindi man kame, kabilang sa mga pamilyang me marangyang pamumuhay, masaya kame kahit minsan nagsisigawan.(me pagkabingi kasi nanay ko) at nagkakatampuhan. Marami akong plano at pangarap para sa pamilya ko. Mahal ko sila, higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Dibale na’ko, basta meron sila. Yan ang motto ko. Mahilig akong makinig ng musika, mapa alternative rock payan, R&B, rap, classic love songs, classic rock o OPM basta trip ko. pakikinggan ko. Pero solid “tunog kalye” paren ako. Rakoon! yeah! Pero gaya nga ng sabe ni idol, kung mahal mo ang musika, mahalin mo ang lahat ng nasasakupan nito” isa ka talagang henyo! still#1! idol! Mahilig akong kumain, sino ba naman ang di kahihiligan ang pagkain. Basta me kanin, at ulam sige lamon! hahaha. Marunong din akong tumipa ng mga strings ng gitara, pero hindi pa ako nasali sa essay contest. oha! konek na konek, at ang-gulo ng structure ng mga paragraphs ko, wala sa ayos mga pinag sasabe ko. Kaya pinagpapasalamat ko sa dios hindi ganun kakapal ang pagmumukha ko para salihan ang gan’ung klaseng mga patimpalak. hahaha. Madaldal ako (halata naman), at makulit. as in makulit (oo na, cute ka na). asar din at mahilig sa jokes. Mas madali kasi ang ngumiti, upang maitago ang problema. Ok naman ako, kapag matino. Pero mas ok si tado sakin, gaano kaya kakapal ang grado ng salamin nun?(curious lang) hahaha. ayoko sa taong plastik, mapagmataas, mata-pobre o matang-mayaman. Basta ko-boi/ko-girl ka. pasok ka! Are you IN? or OUT?.

Ako na nangangapa, ikaw na maaring umagapay, tayo na nagsasalo sa mundong ‘to. Ako ‘to , Ikaw yan, eto Tayo.

Advertisement

32 thoughts on “IN or OUT?

      • Nagkakamali ka sa iyong tinuran, wala akong kaibigan mas lalong hindi ako mabuti.

        subalit ang aking kaluluwa at espiritu ay mananatiling tatatak sa iyong balintataw parekoi.

  1. Hindi ‘to maaari! Ako lang sa iyo Kulas! 😦

    Pero sigue dahil pinangiti ako ni Chubs para itago ang lungkot ko…

    Kayo at ako, tayo na! Ahaha. Ewan. Bangag.

    • weeeee, love isosceles ito. hahaha. kung tama ngang ako ang dahilan ng iyong pag-ngiti. ipagdadasal ko na sana makahanap ka ulit ng isa pang dahilan, para mawala na nang tuluyan ang lungkot na iyong nararamdaman.

      balik ulet! 😀

    • Hahaha, Nuno…pag nasa bahay mo ako, tayong dalawa lamang ang magkapiling, walang pwedeng makisali.

      Infurnez, nahihirapan na ako kung sino talaga ang makakasama ko sa Jakulandia.

      • Kulas, that’s more I like it! Haha… Andami mo kasi love. Pero masaya, one big happy family in Jakulandia. Hehe…

        Tapos na nag aking lumbay… Mahal nyo kasi ako. Kaya… babalik na ako sa mundo ng buladasperyo!

        Chubs, pinapasabi ni Pseudonym… pinangiti mo talaga siya. salamat sa sa dasal. haha!

      • unfaithful si Lolo talaga.., kala ko rin kami lang..yoko na sau Lo.., pinapadugo mo lang lagi utak ko!

      • Psshhhhhhhhh, bakit kapag nasa bahay mo ba ako, mayron akong ibang iniibig? Hindi ba’t ikaw lamang ang sentro ng aking puso, ng aking pagsuyo?

        Mahal kita Lee Mi.

        Hahaha. Sorry Cheboi, isa akong maharot na J. Kulisap

    • waw, maraming salamat sa pag welcam sa’ken!
      at maraming salamat din sa pag-iiwan ng bakas.
      “matutunton din kita” — nahawa lang, hahaha

      God Bless u too!

    • ganun ba, parehas pala nating handang isuko ang lahat para sa pamilya! naks!
      sige, kahit mag patumbling-tumbling pa ako dito. basta’t kasama ko kayong itinuring ko nang aking mga kaibigan! Maraming salamat!

      asahan ko ang muli mong pagbisita, propesora! 😉

  2. welcome sa mundo ng blogging. iready mo na ang iyong wanportshitofpeper at may quiz tayo about blogging. husayan mo. write minus wrong. hakhak!

    taga pangasinan ka pala. ambagel ka! hakhak!

    • haha, ou isa akong pangasinense. at malakas ang kutob ko na yan lang ang alam mong salita namin noh? hahaha. taga-baguio ka diba? bagtit ka met ah! wahahaha

      salamat sa pagbisita!

      agsubli ka manang ah? ;p

      • aha! at minamaliit mo ako ah. tsk tsk tsk. nakakaintindi rin kaya ako ng panggalatok. marunong din ako ng dialect na yan bukod sa ilokano. akala mo ah. bleh!

      • aba! aba! at nanghahamon ka ah… hahaha. sige pa, itranslate mo pa rayay ibabagak dia ay ed tagalog., ahaha, balang mo ah. ag kala umbabawi balet ta, agko anta’y man ilokano. hahahah.

        Balbaleg ya salamat ed sika ta abisitam ak lamet! 😉

  3. @J.Cool – ganuon ba, kahit wala kang itinuturing na kaibigan, kaibigan parin ang tingin ko sa’yo. siempre, ikaw ang unang karanasan ko eh. naks! at, Ou, mananaitli kang tatak sa aking balintataw hanggang sa ito’y tuluyan ng mamuti! Maraming salamat kaibigan! 😀

    @Nun0 – O’nga, wanbighapipamili! heheh, ang tanong kasama ba si Chubs/Cheboi dun? Ou, lab na kita kahit ngayon palang kita nakilala. heheh

    Paabot din kay pareng Pseudonym na “walang anuman”, ou, sinama ko siya sa dasal ko kanina bago ako natulog. 😉

    @ lee mi – wak mo naman masyado parusahan si kaibigan’g J.Cool pagdating niyo sa bahay niyo. sadista ka ba? o siya ang masukista? hahaha. salamat sa pag daan! 😉

    @J.Coll (ulet) – isa ka palang salawahan! pero lab parin kita! hehehe

  4. aba! aba! at nanghahamon ka ah… hahaha. sige pa, itranslate mo pa rayay ibabagak dia ay ed tagalog., ahaha, balang mo ah. ag kala umbabawi balet ta, agko anta’y man ilokano. hahahah.

    Balbaleg ya salamat ed sika ta abisitam ak lamet!

    ——

    ayos! namiss ko ang pangalatok!

    sige nga itranslate mo nga mga sinasabi ko dito sa tagalog. ahahaha. akala mo ha. wala ng bawian nga lang kasi hindi ko alam mag-ilokano. hahahah

    maraming salamat sayo dahil binisita mo na naman ako.

    AYOS BA?

    • waaaaaah, binalot na papel! bilib ak lad sika “lasi”! hahaha. ELYb na ELYb na talaga ako sa’yo! hahaha. taga iner ka ah? ja ka met ed pangasinan siren? hulaan ko’y pana-aralan mo, jad UP? hahaha.

      ayos! na ayos!

      • wahahaha. alam mo bang gustong gusto ko ang salitang “lasi” ang cute cute kasi. hakhak! meron bahay sila mama dyan sa pangasinan doon sa lingayen yung malapit sa dagat. hakhak! kaastig dun ah. ang ganda ganda na ng park. promise! indi ako sa up. dahil wala namang engineering sa up baguio. ahahaha.
        sorry nemen. gusto ko talagang magrespond din sana ng pangalatok kaso hindi ko alam kung paano magpangalatok. bale medyo slayt lang ang alam ko. makatalus ak lang.

        apir!

      • aku naman ang gustong-gusto kong word namen eh, yung word na “siren” hahah. ganun ba, hmmm, sa eslu ka porshore na’to! umu-o ka na! wahaha. pagpilitan?. 😉 sa lingayen me isang malawak na track and field dun diba? at tungkol naman dun sa dagat, dun daw dumaon sina Mc Arthur? kaya madaming tangke’t mga jertplane sa park… hahaha.

        tsk tsk tsk , sayang makatalos ka labat manaya’y pangasinense. kato manaya wala’y aliwa’d sama’y impantranslate mo’d sama’y akaunan comment ko. hahaha. iner kayo ed lingayen ey?

        isa pa yan, “ey” hahaha

        😀

  5. oo na sige na sa eslu na kahit hindi. pinipilit mo eh. di joke lang. doon nga. hakhak! oo may track and field nga doon ata yun malapit sa narciso, ewan ko. hahaha. basta ang enjoy na enjoy kong puntahan dun eh yung mga tangke dahil madalas naglalaro ako dun. at ang saya magpicture taking. ang sarap pa magjogging doon, may music. ang bongga talaga. kaasar! bale saan ka ba sa pangasinan? hakhak!

    oo bale listener lang kasi talaga ako. natuto lang dahil minsan ‘yan ang dayalek nila mama kapag nakikipag-usap sa mga kapatid niya. bale tagalog kasi talaga ginagamit namin. ayun! hakhak!
    doon sa may new street. basta malapit lang siya sa may park eh. nilalakad lang. hakhak!

    ay yang “ey” na yan napaghahalataan talagang pangalatok ka. hahaha!

    • hahah, gragradweyt ngayon’g Sabado yung kaibigan ko jan, MasComm kinunin nia. hahaha. dun nga ata mismo yun eh sa Narciso, hahaha. Ou, yung mga tangke na kinakalawang, pero mas dabest dun yung kanyon na aakyatin mo pa, kaso hindi ata puwedeng akyatin yun eh. hahahah . sa bayan ng calasiao po kami “puto capital of pang” naks! hahaha

      ahhh, ganun ba. kaya pala. eh taga san ka talaga? kung di ka taga pangasinan. nga pala, me tanong ako. kanino mo pina translate yung pinapatranslate ko sa’yo na salitang pangasinense? wahahah. hula ko me kakuntsabaka nun nuh? hahaha

      ou, pati nga mga bakasyunista dito samen eh, nahahawa na rin jan sa “ey” na yan. ang banat kasi pag me tanung “bakit EY?” hahaha.

      • pwede kaya akyatin yun. ang dami ko ngang pciture dun eh. hahaha!

        bale basta nasa baguio ako ngayon. yun na yun.

        wala akong kakuntsaba. naiintindihan ko lang talaga. promise. peksman. mamatay ka man.

      • Aray ko naman, puwedeng si batman nalang ang matsugi bakit ako pa? hahahah

        Ganun ba? tupang ina! sayang, minsan kasing nagpunta kame dun. di ako naka-akyat napa “huhu” na lang tuloy ako. hahaha.

        Sige, batang GSM ka na din? kase nandiyan ka sa Bagyaw? hahahah

        😉

  6. pwede mo pa naman balikan. yun nga lang dapat sana walang nagbabantay! hahaha! ang alam ko pwede namang akyatin eh. sila papa nga inkayat-akyat niya!

    ano yung GSM? anong relation ng GSM sa bagyaw? hakhak!

    • hahaha. ganun. la naman akong babalikan dun eh, unless fiesta niyo at mangingimbita ka. hahahah! 😉

      GSM(Gin) hindi ba’t yun ang inumin nila sa Baguio?(bagyaw). heheheh. Hindi ka pa ba nainom nun?

      Ingat lage & Godlbess!

      • hindi ako mang-iimbita kasi ako mismo hindi rin pumunta dun. hakhak. malayo eh, walang pamasahe unless bibigyan mo ko ng pamasahe *kindat*

        ay yun ang hindi ko alam. hindi naman ako umiinom. kahit beer wala. aym a gud gerl! hik hik hik!

        ingat kuya chevs at wag ka na mag-inarte. asussss!

        godbless!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s