Balat-Kayo

Lumabas ako ng gate ng opis at naglakad. Muntik ko nang makalahati ang eskuwelahang aking dati’y dinadaanan nang mapansin kong hindi pala naka sindi ang maliit na flash light na dala ko.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakarating sa main gate ng subdivision nang hindi man lang nanginig ang aking katawan sa takot.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.

Pumunta ako sa waiting shed na dati’y aking kinatatakutan, umupo, yumuko at naghintay ng masasakyan.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.

Sumakay ako sa unang dyip pauwe at dumukot ng pamasahe, may nadukot akong maliit na resibo ng 7/11.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.

Patuloy kong nirorolyo ang resibo nang hindi ko alam, hanggang sa makababa ako ng dyip.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.

Hindi ko pa naman nabili ang daan, subalit pakiramdam ko mag-isa ko lang ang tumatawid sa pedestrian.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.

Pagsakay sa pangalawang dyip, dumukot ng benteng pamasahe, inabot sa drayber at sinabing “Manong Para”.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.

Malapit na ako sa aking baba-baan ngunit nadatnan ko parin ang sarili kong nirorolyo parin ang resibo.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.

Bumaba ako sa dyip at pauwing naglakad. Sumunod sa utos ng aking mga paa’t nakatingin sa kawalan.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.

Patuloy ko lang na tinatahak ang daan, malapit na ako sa dapat puntahan nang di ko man lang namamalayan.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.

Nagising ako’t tinanong ang aking sarili, “bakit ko ba nirorolyo ang resibong ito?”. “Hindi ko alam ‘di ‘ko lang talaga mapigilan ang sarili ko”
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.

Tuluyang nahimasmasan at tinago sa bag ang resibong naging parang tobacco, kasama ng isang pink na papel na may nakasulat na “Pahingi ako ng 5 piso”.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.

Sumulat ako’t nilakip sa isang tela.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.

Pakiramdam ko hayskul student ulet ako.
Bakit? Dahil mapagpanggap ako.

Sadyang mapanggap ang mga salita, subalit tanging ang taong may pakiramdam lamang ang siyang tanging makakaunawa.
Bakit? Dahil ‘yan ang totoo.

[Hiling by Silent Sanctuary]
[Sinulat noong Ika-16 ng Hulyo taong 2010. Oras: 06:18 PM]

38 thoughts on “Balat-Kayo

  1. Sadyang mapanggap ang mga salita, subalit tanging ang taong may pakiramdam lamang ang siyang tanging makakaunawa.
    Bakit? Dahil ‘yan ang totoo.

    >>> tama ka. Madaling sabihin na ok ka lang pero ang totoo hindi

  2. Ako mapagpanggap ako.

    Pero.. alam ng mga tao na nagpapanggap ako. So walang sense ang pagpapanggap ko. At nagpapanggap den akong naintindihan ko ang post mo. Atlis nagpapanggap akong honest.

    Oha.

  3. THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

    THIS IS A CHAIN COMMENT. PLEASE PASS THIS TO 10 BLOGGERS OR BAD FARTS WILL COME.

  4. hindi ko ‘to alam.

    sibat na ko chevy!ingat na lang.

    huwag mong lolokohin sarili mo,pwede kang magpanggap sa ibang tao,hindi yun masama minsan.kailangan din yun.pero huwag sa sarili mo….hindi ka nya mapapatawad kahit kelan.

  5. naguluhan ako sa post mo eh. sorry, sadyang slow ako. kung ano man ang gusto mong ipahiwatig, alam ko may nakakaintindi sa’yo. smile lang ng smile.

    gusto ko din ang hiling ng silent. 🙂

  6. lalim ng post na ito. parang may pinagdadaanan. Lagi mong isipin di ka nag iisa. Lagi mo nga siya kasama kaso baka nababalewala mo na siya. LISTEN TO THE VOICE OF TRUTH…. GOD IS ALWAYS BESIDE US BUT SOMETIMES WE FORGET IT. add mo ako sa blogroll mo wala pa ako eh hehehe. GODBLESS… DITO LANG DIN KAMI…

  7. Pwede magsinungaling ang kilos at salita, maari tayong magkunwari sa ibang tao, pwede rin tayong magsinungaling sa ating sarili. But by the end of the day, hindi pa rin natin maitatanggi ang katutuhanan.

  8. At hihiling sa mga bituin
    Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin
    Hihiling kahit dumilim
    Ang aking daan na tatahakin
    Patungo sa iyo, patungo sa iyo—- emo mode muna.

    wala kong masabi, iintindihin ko nalang.

  9. Padaan Chevs. Yang magpanggap kinalimutan ko na yata yan. Simple lang ang buhay ko at sabi pa ng iba ‘Life is short’. nagpapakatotoo ako sa araw-araw. Gusto ko dalhin yung tunay kong identity. Walang maskara. Ingat lagi Chevs & God Bless!

  10. anong meron? parang ang slow ko mejo dinugo ko dito heheheh… minsan nagbabalat kayo tayo para maitago ang tunay na nararamdaman natin pero ang masakit jan, sarili natin mismo ang niloloko natin

  11. Akin pare, antoy itsura.. No say pangipapanengneng tayo ya maliket tayo anggan andi so labay mun ipasabi, lalod sika, duga labat tan, ag tayo labay ya ipanengneng ed saray totoon walay importansyad sikatayo pian ag ira nakapuyan na liknaan. No agka la makapeket ya maong pare pm mo ak labat, say ym ko ayay e-mail ya usar ko. Nu maminsan maabig so walay napangibabagaan na liknaan. Sarag mo tan, anak na lasi! Ambelat so sasakbaten ko natan pare, duay bulan ak met lan maniitaw-itaw balet ayep ak pare, agak paingorngor ed problema. Komon untan ka met. Imis!

  12. nakakatawa kc may mga gantong moments din ako dis past few days pro hnd ako nagpapanggap.
    un tlg ang nararamdaman ko..WALA. wla akong maramdaman. pinapaging manhid ba ako ng kasalukuyan kong kinasasadlakan? ewan.

    kaylangan ko na yata ng boypren. malungkot mag-isa.
    buset ka. pinapa EMO mo ko. 😆

  13. Maaaring ang mga kalyeng saksi sa lungkot na mayroon ka ngayon ay naging saksi din sa sampung taong nilagi ko sa Dagupan. Maaaring nakadikit pa rin hanggang ngayon sa mga lumang poste ng kuryente at bungad ng mga gusali ang mga mura, hinagpis, at galak na pinakawalan ko noon. Maaaring nagliliwaliw pa rin sa hanging puno ng usok ng Dagupan ang mga pangarap na sinubukan kong buuin noon. Ang dami kong tinapon na buntung-hininga at panghihinayang sa kulay tsokolateng ilog ng Pantal sa tuwing tumatawid ang sinasakyan kong downtown jeepney sa tulay ng Quintos, at maaaring nag-ambag ang mga ito sa kasalukuyang kulay ng ilog.

    Hindi ko inangkin ang mga lungkot noon, gaya ng hindi ko inangkin ang mga tuwang kumalantari sa akin. Naging kabiyak ko ang mga kalye ng Dagupan sa pagpasan ng bawat pagsubok sa mga panahong ako ay pumapasok pa sa eskuwela. Hindi palaging malungkot ang mga ilaw ng poste. Hindi naman palaging mausok ang A. B. Fernandez Avenue. Hindi umaagos ang tubig sa ilog ng Pantal dahil walang mapagpilian kundi dahil may gusto itong patunguhan. Masarap ang pigar-pigar sa Galvan. Minsan makunat ang buhay pero madalas malambot at masarap.

    Ang mga pagsubok ay para lang tama ng alak sa mga bars ng Arellano, bukas wala na yan.

    Minsan nasasanay ang pakiramdam natin sa iisang ikot ng buhay, gaya ng iisang direksyon ng ikot ng mga sasakyan mula Perez hanggang Arellano papuntang A. B. Fernandez Av. at pabalik. At minsan parang nakakasawa. Pero puwede ka naman bumaba ng sasakyan, maglakad at salungatin ang ikot at daloy. Kamalayan at kusa lang.

    Hawak natin ang manibela ng buhay. Maraming detour. Puwedeng maglakad. Puwedeng sumabit. Kung paninindigan kong makatuwiran ang magmura, mumurahin ko ang kalungkutan. Putangina niya. Kapag kinuwelyuhan ka ng kalungkutan sikmuraan mo.

    Minsan naging parte ng buhay ko ang lungsod ng Dagupan. Napansin ba niya? Hindi. O siguro.

    Minsan dinadaanan tayo ng kalungkutan. Papansinin mo ba? Oo siguro. Pero huwag patagalin. Para na ng jeep at sumakay. May pupuntahan pa tayo.

  14. Maaaring ang mga kalyeng saksi sa lungkot na mayroon ka ngayon ay naging saksi din sa sampung taong nilagi ko sa Dagupan. Maaaring nakadikit pa rin hanggang ngayon sa mga lumang poste ng kuryente at bungad ng mga gusali ang mga mura, hinagpis, at galak na pinakawalan ko noon. Maaaring nagliliwaliw pa rin sa hanging puno ng usok ng Dagupan ang mga pangarap na sinubukan kong buuin noon. Ang dami kong tinapon na buntung-hininga at panghihinayang sa kulay tsokolateng ilog ng Pantal sa tuwing tumatawid ang sinasakyan kong downtown jeepney sa tulay ng Quintos, at maaaring nag-ambag ang mga ito sa kasalukuyang kulay ng ilog.

    Hindi ko inangkin ang mga lungkot noon, gaya ng hindi ko inangkin ang mga tuwang kumalantari sa akin. Naging kabiyak ko ang mga kalye ng Dagupan sa pagpasan ng bawat pagsubok sa mga panahong ako ay pumapasok pa sa eskuwela. Hindi palaging malungkot ang mga ilaw ng poste. Hindi naman palaging mausok ang A. B. Fernandez Avenue. Hindi umaagos ang tubig sa ilog ng Pantal dahil walang mapagpilian kundi dahil may gusto itong patunguhan. Masarap ang pigar-pigar sa Galvan. Minsan makunat ang buhay pero madalas malambot at masarap.

    Ang mga pagsubok ay para lang tama ng alak sa mga bars ng Arellano, bukas wala na yan.

    Minsan nasasanay ang pakiramdam natin sa iisang ikot ng buhay, gaya ng iisang direksyon ng ikot ng mga sasakyan mula Perez hanggang Arellano papuntang A. B. Fernandez Av. at pabalik. At minsan parang nakakasawa. Pero puwede ka naman bumaba ng sasakyan, maglakad at salungatin ang ikot at daloy. Kamalayan at kusa lang.

    Hawak natin ang manibela ng buhay. Maraming detour. Puwedeng maglakad. Puwedeng sumabit. Kung paninindigan kong makatuwiran ang magmura, mumurahin ko ang kalungkutan. Putangina niya. Kapag kinuwelyuhan ka ng kalungkutan sikmuraan mo.

    Minsan naging parte ng buhay ko ang lungsod ng Dagupan. Napansin ba niya? Hindi. O siguro.

    Minsan dinadaanan tayo ng kalungkutan. Papansinin mo ba? Oo siguro. Pero huwag patagalin. Para na ng jeep at sumakay. May pupuntahan pa tayo.

    THIS IS AN ORIGINAL BY YIN. STOP GLUTTONY.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s