Isang Oras

Isang oras ang nalalabi bago matapos ang kabuoan ng araw ng trabaho ko. Isang oras na nais kong ilaan para sa kuta kong napag daanan na ng panahon at ngayon inaamag na. Isang oras na nais ko samantalahin hangga’t may pag kakataon pa. Isang oras na nais kong iaalay sa mga taong aking nakasalamuha sa virtual na mundong ito. Hindi ko man naka daupang palad ang ni isa sa inyo, minsan naman kayong nag iwan nang yapak sa akin na siya paring  binabalik balikan ko.

Isang oras…. isang oras na hindi maaring makuha ng lahat. Isang oras na sa marami ay hindi sapat. Subalit isang oras ang aking pagkaka siyahin para para mapunan ang aking kagustuhang salat. Kagustuhang makapag sulat, maiapahayag at maipamahagi. Kagustuhang sabihin sa inyo na ang lugar na ito at kayo ay namumukod tangi. Kagustuhang ilabas ang lahat nang aking saloobin. Kagustuhang sa isang oras ko na lamang pagkakasiyahin.

Hindi pa man lumilipas, pero pakiramdam ko ang bilis nang takbo ng oras. Hindi pa man lumilipas subalit tuyot na ang aking isipan kahit wala pa akong naipapamalas. Hindi pa man lumilipas, ngayo’y nag-da dalawang isip nang magpatuloy sa kaisipang ang aking daliri sa pagdura ay tuluyan nang nagasgas. Hindi pa man lumilipas at pakiramdam ko ang isang oras na meron ako’y inunahan na ako sa pagkaripas.

Isang oras, ngayo’y nalalapit na sa pagtatapos at hanggang ngayo’y pilit paring pinipiga ang utak upang sa katas makipag tuos. Sana’y maunawaan mo nang lubos kahit na ang istratehiya ay laos at sa sapat na diwa ay kapos, magpapatuloy ako’t ‘di magpapapigil kahit na ang aking pagbagsak sa aking puso ay tagos.

Maaaring iyong napuna, sa bawat nilaktawang mga salita. Ang talatang sa mahaba nag simula, tila ngayo’y nauupos nang kandila. Hindi ko maitatago na sa pagkaubos ng “isang oras” ko at sa pagpapatuloy ng mga daliri ko, lumalabas ang pagkabaluktot ng posteng ‘to.

Nasaan na nga ba? Nais ko lamang ay muling makapag sulat, subalit maging utak ko ay namalat na ngayo’y sa mensahe ay salat. Hiling ko sana ay muling mabigyan ng buhay, kahit na katiting kung meron man sa aki’y nananalaytay. Ipupusta ko ang aking pangarap na bahay basta’t huwag lamang ang aking pinakamamahal na Nanay.

Alam ko, at hindi mo na kailangan pang sabihin pa, “i know right” ika nga nang iba. Basta’t ang nais ko lamang ay tumipa, kahit na hindi angkop sa pagsisimula, na ang posteng ito ay lagyan ko nang kuwela.

Namiss kita, ou ikaw, hindi mo na kailangan pang magturo pa nang iba, ligaw na damo ka man o gamu-gamo pa. Basta’t marunong kang magbasa, tikom man o naka-nganga. Subukan mo ring tumipa, malay mo pagkatapos nito, magka “isang oras” pa.

Isang oras.

4 thoughts on “Isang Oras

  1. Natutuwa naman ako sa iyong….isang oras Chevs. Parang dama ko rin iyang isang oras….palagi kong balak magkwento at magsulat ng buhay-buhay ko sa kasalukuyan kaya lang ayun…ayaw dumutdut ang aking mga daliri…hamo isama ko muli sa aking new year’s resolution ang muling pagsusulat.

    Dito na ako sumulat Chevs para sigurado mong mababasa…at block pala ang aking blog sa inyo …hehe. Pero sa totoo ay na-touched ako sa iyong pag-alala sa akin. Kasi napakatagal ng tahimik ang aking blog mula sa mga dating kaibigan sa virtual nating mundo. Tunak na miss ko rin ang mga dating madalas dumadalaw at nagpaparamdam. Naalala ko din madalas si Taribong na siyang madalas nating kasama sa ating mundong ito dati. Muli maraming salamat.

    Samantalahin ko na rin ang pagbati sa iyo ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!!

    Now may the God of hope fill you with all joy and peace in believing, that you may abound in hope, in the power of the Holy Spirit.
    –Romans 15:13

    God Bless you always!

    Superlolo

    • Hi “Lo!” Maraming salamat sa iyong appreciation sa aking pag alala sa inyo. Sa totoo lang na touched din sako, sa katunayan kapag kayo ang nagkokomento ramdam ko talaga eh, my puso, may laman at alam mo sa sarili mong totoo ang pahayag sa bawat salita.

      Ako rin, namiss ko nang sobra itong mundong ‘to, well dahil sa inyong mga nakasalamuha ko, hindi man tayo nagkaroon ng pagkakataon na magka daupang palad eh, ipinaramdam ninyong mabuti kayong kaibigan para sa akin. Maraming Salamat. Ou nga, ako rin, gusto ko mag sulat ulit. Habang ini isa isa ko ang mga listahan mula sa blog gulong ko, na realised ko na, halos lahat ay napagdaanan na nang panahon kung ibabase mula sa huling poste. Namiss ko ang kasiglahan nang mundong ito, na saglit nating pinag saluhan ang mga palitan ng komentong makukulit, at minsan nama’y nakakapg paiyak. Haaayyy.. Kailan kayang muli Lo no?

      Ou, si Kuya Tarbs, iba rin mag komento yun, hindi ko alam kung nabasa niyo yung poste kong “Green Lantern” na ala ko sa kaniya, buhat nang malaman ko ang kaniyang pag lisan, nabanggit niya kayo ni Ate Salbe nung nag kita kita kayo, na touched naman ako at na tampok ako sa inyon usapan.

      Ang haba nang komento ko, hahaha. Sasamantalahin ko na rin ito kahit nabati ko na kayo, Maligayang Pasko , Manigo at Nawa’y maging ligtas ang pag seselebra natin nang Bagong Taon!

      GODBLESS you too Lo and your family!

      Chevy

Mag-iwan ng tugon sa chevybo Pindutin ito para bawiin ang tugon.