Inay Ko Po!

Siyam na buwan mo akong dinala sa iyong sinapupunan. Matiyaga kang gumigising sa gabi para timplahan ako ng gatas at ipaghele para tumahan ang aking pag-iyak. Sa’yo ko unang natutunan kung pa’no isulat ang aking pangalan, kung pa’no linisan ang aking sarili nang mag-isa, kung pa’no hugasan ang puwet ko nang mag-isa, kung pa’no disiplinahin ang aking sarili lalo na sa paghawak ng pera, at higit sa lahat.. ikaw ang nagpakilala sa’kin sa ating Dakilang Lumikha. Bata pa lamang ay ipinamulat mo na sa’ken kung pa’no pahalagahan ang mga bagay dito sa mundo, maliit man o malaki. Bata pa lamang ay ipinaalam mo na sa’ken na hindi basta-basta ang mabuhay dito sa mundong ibabaw, na laging mayroon’g bukas na dapat paglaanan dahil hindi lamang tayo ngayon’g araw mabubuhay. Bata pa lamang nakita ko na kung pa’no ka tumawa at kung pa’no ka ka mag-evolve bilang isang halimaw. Sa totoo lang mas natatakot ako sa’yo kesa kay tatay kapag nagagalit ka. Mas malakas ka kasi pumalo kesa sakanya. Madalas mo’ng pamalo sa’ken yung leather na sinturon ko o di kaya’y yung abanikong sinturon ni tatay nuon. Naalala ko pa nung minsang pinalo mo ako ng sinturon, na’mali ka ng palo sa sobrang init ng ulo mo’t tinamaan ang aking likod. Bumakat yung sinturon sa bandang baywang ko, at nung napansin mo tinanong mo ako kung masakit ba. Ramdam ko sa pagtatatanong mo’ng iyon na para bang ikaw yung nasaktan at hindi ako. Aaminin ko pasaway naman talaga ako, madalas kong suwayin ang mga bilin at ipinaguutos mo.

Subalit sa kabila nun, ikaw parin ang naghahanda ng aking agahan at ng babaunin ko sa eskuwelahan, nagbibigay ng baon na aking tinitipid at naghahanda ng merienda kapag labasan ng hapon. Hanggang sa pagtanda ko’t nadagdagan na tayo dahil nagkaroon na ako ng mga kapatid, hindi ka parin nagbago. (hindi mo na nga lang ako pinapalo ngayon, gayun din si tatay hehe).Nawalan ng trabaho si tatay, namasukan ka bilang kasama sa canteen ni Auntie Mila para may mai-uulam tayo, nag-ikot ikot ka para mag-buy and sell ng kung anu-ano para may pambaon ako kinabukasan, at higit sa lahat tumanggap ka ng labahin para lamang mairaos ang pang araw-araw nating pangangailangan. Ang laki ng sakripisyo mo para lamang tayo mabuhay. Lahat kaya mo’ng gawin para sa pamilya natin. Kaya nga elibs na elibs ako sa’yo eh. Kaya ngayong ako naman ang nagtratrabaho (pero nagtratrabaho ka parin kahit may karamdaman), gusto kong makabawi sa mga ginawa mong sakripisyo. Gusto ko ako naman ang magsakripisyo para sa ating pamilya. Gusto kong suklian ang pag-aalaga, pag-gabay at ang pagmamahal mo samin. Hindi ka man naiintindihan ng iba, hindi ka dapat magpaliwanag dahil wala ka namang dapat ipaliwanag. Wala silang alam kung pa’no mo pilit na itinaguyod ang ating pamilya. Kahit lagi ko man itong sinasabe sa’yo, sasabihin ko parin ito ng paulit-ulit at ipagsisigawan MAHAL NA MAHAL KITA ‘MA!.

Para sa’kin walang pinipiling araw o buwan ang pagbibigay pugay natin para sa ating mga magulang. Kung gugustuhin lang natin, puwede namang araw-araw eh Mother’s Day o Father’s Day. Walang tamang oras at walang tamang panahon. Hangga’t may nakikita tayong pagkakataon, ipadama natin, ipakita natin na sila ay mahalaga. Huwag na nating hintayin pang dumating ang araw na pagsisihan natin ang mga araw na sinayang natin, at balikan ang mga araw na iyon bilang isang alaala na lamang.

Pa Sa Lahat Ng Mga Nanay Sa Buong Universe! HAPPY MOTHER’S DAY!

Advertisement

May 3rd, 2010

Dear Auntie Bolet,

Kamusta ka na? Alam kong nasa mabuti ka nang kalagayan ngayon. Mapayapa, malayo sa ano mang gulo, tahimik at higit sa lahat malayo sa kahit na sino na maaring manakit sa’yo. Pang-pat ka sa sampung magkakapatid, pang-apat na panganay, Ate ni Tatay at iba pang mas nakakabata mo pang mga kapatid, higit sa lahat Auntie namen’g iyong mga pamangkin mo. Subalit sa kabila nang iyong posisyon, ikaw pa ang napapagalitan, ikaw pa ang nasesermonan at ikaw pa ang minsa’y hindi namin ginagalang. Aaminin ko hindi kita gusto nuon, naalala mo pa ba nung nasa grade three ako tapos dumaan ka sa likuran namin habang nagfla-flag ceremony kami. May dala-dala kang walis tingting na winawalis mo sa hangin habang nakatali ng tela ang iyong ulo na para bang isa ka sa miyembro ng Ampatuan Clan? Tinawag mo pa ako nu’n sa aking pangalan tapos sinabayn mo ng tawa. Nung pag-alis mo tinanong ako ng mga kaklase ko, “Sino yun, Auntie mo?” sabay kantyaw nila sa’ken. Natahimik ako, hindi ko alam ang sasabihin, tapos sabi ko “Hindi ko kilala..”. Oo, tama ka, nahihiya ako’ng aminin na Auntie kita noon, hindi ko alam pero kinaiinisan kita. Naalala mo pa ba nung sinipa kita sa paa dahil sinawsaw mo yung kamay mo sa isang batyang panligo ko. Inis na inis ako sa’yo nun. Hi’rap ko kasi’ng binomba yung tubig na yun tapos sasaw-saw mo lang yung kamay mo’t panghuhugas ng paa. Eh yung, pagtulak ko sa’yo isang araw habang sigaw ka ng sigaw na para bang may kaaway. Pilit kitang pinapapasok nun, pero sinigawan mo din ako, hindi ko naman alam kung anung demonyong pumasok sa utak ko’t itinulak kita. Dinig ko ang sakit ng pagtama ng iyong ilong sa isang kahoy na bahagi ng ating bahay, umiyak ka’t pumasok sa may silungan. Bumilis ang tibok ng puso ko nun, pero binalewala ko lang din. Nagulat na lamang ako nang makita kitang may pasa sa mukha’t namamaga ang ilong. Medyo nakonsensya ako nun, kinabahan hindi dahil sa nasaktan kita kundi dahil sa alam kong pagagalitan at papaluin ako ni Tatay kapag nalaman niya iyon. Napakasama ko sa’yo nuon, naalala mo pa ba nung nagpapagamot ka pa sa Baguio General Hospital, dun ka samen pansamantala nanuluyan dahil kami lang naman ang tanging kamag-anak mo’ng nandoon. Natutulog ka nang bigla kitang binasa gamit ang watergun ko. Halos tumulo ang laway ko sa katatawa habang minamasdan ko ang reaksyon sa iyong mukha. Ang dame ko’ng kalokohan na ginawa sa’yo nuon, pero hindi din ako ganuon kasama. Naalala mo pa ba nung isang gabing pilit kang pinapatahimik gamit ang magaan na kamay ng isa sa iyong mga kapatid na lalaki. Sa bawat pagkalabog ng mga dingding ay siya namang lakas ng pag-kabog ng aking dibdib at sa bawat iyak na aking maririnig ay siya namang aking taimtim na pag-hikbi. Hindi ko alam subalit kusa ang pagtulo ng ulan sa aking mga mata, nabasa ng luha ang aking unan at nanalangin na sana’y tumigil na siya.

Lumipas ang panahon, tumanda ka’t maging ako naman ay ganun din. Kasabay ng ating pagtanda ang pagbabago sa paligid at kasabay nuon ang pagbabago ng pakikitungo ko sa’yo. Lumawak ang aking pag-iisip, humaba ang aking pasensya at mas lalo kong naunawaan ang iyong kalagayan. Ako pa nga ang taga kuha mo ng inumin at minsa’y taga-abot ng pagkain habang ikaw ay nasa likod ng malamig mong kaharian. Nakakahabag kang pagmasdan habang mag-isa sa iyong silid, mula sa pagsikat ng araw, sa pagdilat ng buwan hanggang sa paglubog nito. Nandun ka’t nag-iisa, nandun ka’t mag-isang tumatawa, minsa’y umiiyak, kinakausap ang sarili, minsa’y may tinatawag na pangalan at muling tatawa. Madilim at tanging ang liwanag na galing sa iyong bintana ang siyang nagsisilbing ilaw mo sa magdamag. Masakit man sa amin, subalit yan lamang ang tanging alam namin na makakabuti sa’yo. Hindi ka naman laging may sumpong, minsan ok ka naman. Nandiyan ka lang sa tabi natutulog pero ang takaw mo alam mo yon? Sa’yo ko ata namana ang katakawan ko sa kanin eh. hehehe. Kung maari nga lang sana ganiyan ka na lang lage, pero hindi. Maging ang mga gamot na iyong iniinom at itinuturok sa’yo ay hindi mapigilan ang paglabas ng isa mo pang pagkatao. Habang tumatagal lalo’ng lumalala ang iyong sitwasyon. Mas mahaba na ngayon ang panahon ng iyong pag sumpong kesa nung dati. Mas tumigas ang iyong ulo, ang tanda-tanda mo na pero ang lakas-lakas parin ng tuhod mo para magpabalik-balik mula sa barangay natin hanggang sa mismong bayan ng Calasiao (Sabagay hindi na ako nagtataka nilakad mo nga mula Baguio hanggang Pangasinan). Naiinis na ang lahat sa’yo, ganun na din si Ina (ang lola). Subalit isang umaga, pagka-galing ko ng trabaho. Narinig ko ang maliliit na paghikbi ni Ina, umakyat ako’t nadatnan kitang nakahiga sa isang folding bed. Buto’t balat, walang lakas, nanghihina at animo’y parang may malubhang sakit na matagal nang nakaratay sa banig ng karamdaman. Ako man ay nagulat sa aking nakita, isang linggong mahigit na pala kitang hindi nakikita. Parang unti-unting pinupunit ang aking puso habang pinagmamasdan ko ang iyong kalagayan. Napahagul-gol na lamang ako sa sobrang pagkahabag sa aking nasaksihan. At tuluyan na ngang dinurog ang aking puso kanina nung sinabihan akong wala ka na. Pana’y pag-iyak, tahimik na pag-hikbi ang maririnig mo sa lugar. Sa bawat pagpatak ng luha’y mararamdaman mo ang pighati na dulot ng iyong pagkawala. Pigil ang aking luha habang minamasdan ko walang-buhay mo’ng katawan. Pinikit ang mga mata at taimtim na nanalangin. Inihingi ng tawad ang mga kasalanang aking nagawa sa iyo at hiniling ang iyong mapayapang paglisan sa mundong ibabaw.

Wala na si Auntie Bolet, wala nang magtatakbo ng mga tsinelas namin. Wala nang uubos ng inimbak naming tubig dahil panlalaba mo lamang nang madaling araw. Wala nang magkakalampag ng kung anu-ano habang natutulog kami. Hindi na namin maririnig ang malakas mong boses na para bang nangangampanya ka kahit hindi naman panahon ng eleksiyon. Hindi na namin maririnig ang iyong pagtawa at ang mga pinapauso mo’ng mga bagong salita. Hindi na namin maririning ang mga composed songs mo, ang iyong paghimig na may damdamin. Hindi na namin makikita ang mala-Ampatuan mong get up. Hindi na namin makikita ang buhok mo na hindi pantay-pantay ang gupit dahil feeling mo parlorista ka. Hindi na namin makikita ang ulo mong namumula sa mertayolate dahil ginagawa mo itong conditioner. At higit sa lahat hindi na namin makikita ang pag-ngiti mo na pulos gilagid ang nakalabas. Minsan mo’ng pinakunot ang aming mga nuo subalit ikaw din naman ang dahilan ng minsan naming pag-ngiti. Malaya ka na ngayon, malaya ka nang maglakad sa malayo at malaya ka narin sa kalupitan na maaring ihatid ng mundo. Masakit man ang iyong pagkawala, subalit nag-iwan ka naman sa’min ng isang aral. Isang aral na hindi namin malilimutan. Isang aral na daldalhin namin hanggang sa muli nating pagkikita. Mammiss ka namen. Mahal ka namen.

Maong ya biyahe! Hanggang sa muli! Paalam….

Ang iyong pamangkin,
Chevy Cubo
CUBO FAMILY

Lesson Learned: Walang bagay sa mundong ‘to na permanente, lahat may hangganan. May mga tao sa paligid natin na maaring maghatid sa atin ng sakit, subalit ang bawat kamalian ay may kapatawaran. Matuto tayong magpatawad, matuto tayong yumuko at kusang magpakumbaba. Matuto tayong pahalagahan ang kung anung meron tayo sa ngayon. Dahil hindi mo na maibabalik ang mga nangyari kaninang alas otso ng umaga kung alas kuwatro na ng hapon nagyon.

Violeta Cunanan Cubo

September 10, 1953 – May 3, 2010

Por Terti

Sasapit na naman ang alas kuwatro y media ng umaga, uuwe na naman ako. Magpapaalam sa mga kasamahan, titiyakin’g na-embalsamo ng mabuti ang ginamit na kompyuter bago umalis, ilalapat ang hintuturo sa biometrics, sasabihan ka ng “Thank You!” hudyat para lisanin mo na ang lugar. Bubuksan ni Master Recow ang gate at hahakbang palabas. Araw-araw na routine ng aking pagiging empleyado mula Martes hanggang Sabado ng madaling araw. Madilim pa ang kalangitan at ang buong paligid sa mga oras na iyon. Masisilayan mo pa ang mga malalanding bituin na naghaharutan sa kalangitan kapag tumingala ka, at ang minsan’g pamboboso ng buwan mula sa kung saan. Lakas loob na tatahakin ang madilim na daan palabas ng subdivision. Katuwang ang munti ko’ng flashlight na kulay violet, nagpatuloy ako sa paglalakad.

Malapit sa aking pinag-tratrabahuan ang isang eskuwelahan na aking madadaanan palabas sa lugar. Mapapansin ang kalumaan ng eskuwelahan’g ito sa disenyo palang. Likas na sa ating mga Pinoy ang kaisipan na sa mga lugar na gaya nyan, ospital man yan, munisipyo, bahay, dormitoryo o simbahan ay may mga gumagalang mga esperito lalo na kapag ang lugar na iyon ay naging parte na ng ating kasaysayan. Ang kaisipan’g iyon ang nagbigay ng gasolina para umandar ang malikot kong pag-iisip. Kung anu-ano na ang pumapasok sa aking isipan, “Pa’no kung biglang may magpakita sa’ken”, “Pa’no kung sundan ako ni Lilay (batang nalunod sa resort na pinuntahan namin nung nakaraan kasama ang aking mga katrabaho 😦 ), “Pa’no kung sabayan ako ng lumulutang na ataol”. Ang daming “Pa’no”, hindi ko pa nakakalahati ang eskuwelahan ay naprapraning na ako. Sa bawat madadaanang bintana ay para bang may mga matang nakatitig sa’kin, sa bawat malalagpasan’g pintuan ay para bang may nag-aantay sa aking pagdaan at sa bawat paghakbang ay para bang may sumusunod mula sa aking likuran. Sinabayan ng malakas na hangin ang pakiramdam ko’ng iyon. Tumayo ang aking mga balahibo, binalot ng takot ang buo kong katawan, biglang bumilis at lumakas ang kabog ng puso ko.

Kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin ang pag-pagaspas ng sanga ng mga puno, ang pag-kaluskos ng mga natuyong dahon sa sementadong daan at ang tunog na nililikha nito sa paggulong na animo’y may yapak na sumasabay sa aking paghakbang. Gusto ko sanang lingunin kung meron nga talaga, subalit pinipigilan ng kaisipan na. “Pa’no kung meron nga? Anong gagawin ko?” Tatakbo palayo at sisigaw ng Waaaaaaaaaaaaaaaah! Mumu! Siyempre hindi ko gagawin yun, pa’no kung may makakita sa’ken. Dyahe naman yun. Hindi ako lumingon, patuloy parin ako sa paglalakad, pero sa pagkakataon’g iyon mabilis at malalaki na aking mga hakbang. Sa aking pagmamadali muntik ko nang hindi mapansin ang speed hump na nakaamba sa aking daraanan. Bumagal ang paglalakad at kasaba’y nito’y may pumagaspas sa kung saan. Napalingon ako’t nagulantang ang aking kabuoan sa aking nakita! Halos mahimatay ako sa sobrang takot nung mga oras na ‘yon nang mapagtanto kong poster pala ni Binay yung nakita ko. Nakabarong ba naman ng puti tapos nakangiti sa’ken. Lintek na yan, muntik na’kong tumarima ng takbo’t mamatay sa sobrang nerbiyos. Sa di kalayuan natanaw ko na ang main gate palabas ng subdivision, nakita ko na rin si manong guard na umi-ihi sa isang bakanteng lote at kasabay noon ang pagkawala ng takot na gumimbal sa akin ng mga oras na iyon.

Likas talaga akong matatakutin nuon pa, napagtatawanan, napagtritripan dahil diyan. Pero ok lang, umaasa parin ako’ng darating din “siguro” ang araw na malalagpasan ko ‘to. Ayan, isang pahina nanaman ng aking pagkatao ang naibuklat ko sa pamamagitan ng pagsusulat. 4:27AM (Phil Time) nanaman. Uuwe na ako, anung klaseng katatakutan nanaman kaya ang aking sasagupain. 😉

P.S. Ate Salbe at Vaj, tama ba yung pag gawa ko ng paragraphs?

Tupa ng Bayan

BABALA: Ang mga susunod na pahayag ay hindi angkop sa mata ng mambabasa. Patnubay ng sarili at mala-Rungrado May First Stadium na pang-unawa ang kailangan.

Sigurado ka talaga gusto mo itong basahin? Wala ka namang mapupulot na ideya dito sa pagsusulat kapag binasa mo ‘to eh. Me pagkakataon ka pa para umatras.

Sige dahil mapilit ka…..

Tupang inang araw to! Gutom ako eh, alam mo yon?!! GUTOM ako! Tupang ina, pero hindi ko alam. Gan’to kasi ako kapag gutom eh. Basta, hindi ako ganun! Hindi ko din alam kung bakit mabilis uminit ang ulo ko kapag gutom. Ayoko ‘to eh, ayoko ‘tong masamang paguugali kong ito. Kanina habang nakaupo ako sa couch, at hinihintay ang oras. Tapos ko ng kainin yung Skyflakes at tapos ko na ding inumin yung kape ko. Pinagsusuntok ko yung sandalan ng upuan (ok lang malambot naman) sa sobrang init ng ulo ko. Lunch break ko yun eh, tapos wala akong makain! Tupang inang pagkakataon yan! Kawawang upuan, sakan’ya ko naibunton ang sama ng loob ko sa hindi pag-kaen ng kanin. Kaya ikaw kung wala ka rin lang sasabihin’g matino tumahimik ka na lang. Tupang ina umayos ka! Maninit ang ulo ko! Hindi ako nakakain ng kanin ngayon’g gabi, may kanin naman kaso walang ulam! Alam mo ‘yon! Ok lang sana kung wala akong pambili eh, kahit masakit sa loob ko tatanggapin ko na lang yung pagkakataon. Pero tupang ina talaga, hindi eh. Wala man lamang akong mabili kahit na de-kalawang na de’lata sa tindahan ni Ate Alma. Ang sakit sakit eh. ang saklap! ang sakit sa nerbs! Alam mo yon?!! Hindi kasi ako nakauwe sa’men kaninang uamaga, sa kadahilanang hindi madaanan ang kalsada dito sa Dagupan dahil sa lintik na Gilon-Gilon street dance competition na yan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kase may tupang inang festival dito sa’men. Pero hello! Ok lang sana kung wala silang napeperwisyong mga tao eh. Haist! Tapos ito namang mga tupang inang mga pulitiko, sinamantala ang pagkakataon. Lahat na lang ng tarpaulin para sa schedules of events ng Bangus Fest! eh kelangan meron’g mga pagmumukha nila. “Bangus Festival” po ito at hindi Politicians Festival! Hindi na sila nakuntento sa pagkakalat ng mga mukha nila sa lahat ng sulok ng kalsada’t mga poste ng kuryente. Ang kakapal ng mukha! Da nerbs! Tapos sasabayan pa ng maiingay at baduy na mga campaign jingles nila. Tupang ina naman oh! Buti lang sana kung tunog Parokya o Eheads ang bagsakan ng mga kanta nila eh. pero hindi eh! Tupang ina! Halos lahat ng campaign jingles nila kinuha ang tono sa mga kanta ni Williboi. tupang ina talaga! Kabilaan pa ang motorcade nila, motorcade on da lep motorcade on the rayt, badtrip! Buti sana kung isang sasakyan lang eh. Convoy na nga ng mga magagarang sasakayan na hindi ko alam kung pa’no sila nagkaroon ng ganun, may mga motor pangkalawakan pang nasa unahan. Tupang inang yan, ano nangyari edi mas malupet na trapik. Na sasabay sa nakakapasong init ng panahon na nakakapang init ng ulo! Sheet!Busheet!Pack Sheet! Tupang inang yan! Mamemerwisyo na nga sila kapag naka-upo na sa kaniya-kaniyang puwesto, hanggang pangangadindato perwisyo paren! Tupang ina naman talaga OO! Pero teka nga, dapat nakatuon ‘tong entry ko na ‘to sa gutom na nararamdaman ko. Bakit napunta sa mga pulitiko ‘tong pinagsasabe ko? Tupang ina naman hanggang dito sa pagblo-blog mamemerwisyo pa sila. Tupang inang yan! Siguro dahil sa namatay lahat ang mga neurons sa utak ko dahil sa gutom na nararamdaman ko. Tupang ina ang sakit ng ulo ko. Tupang ina naman talaga oh. FTW! (4dawin) pack the wall, deym! Pasensya na kayo ha, wala talaga akong alam na maari kong pagbuntunan eh. Gusto ko lang talagang ilabas itong nararamdaman ko. Ang sakit sakit eh, ang sakit sa loob! Hindi ko matanggap! Hindi ako nakakain ng kanin ngayon. Gutom ako, huhuhuh. :(. Tupang ina’ng kanin kasi yan eh walang ulam, tupang ina talaga. Hindi sana bumubulong itong sikmura ko’t nagrarambulan yung mga alaga ko. Pagkatapos ng constipation, starvation naman ngayon. Naku naman, juice ku lord…bakit gan’to? Namiss ko tuloy kagad nanay ko, “Ma, kelangan ko ang luto mo. :(” Dibale konting pagtitiis na lang, nasa bahay na ako. Pero tupang ina talaga eh, gutom ako eh. Tupang ina. Tama na nga, sa mga bumasa, bumabasa at babasa pa lang. Maraming salamat. Ako pa din to, ang tupang inang si Cheyvbo na nakilala niyo. Maraming salamat ulet! Pagpalain nawa at wak sana kayong gutumin ng maykapal.

P.S. Tupang ina! Gutom talaga ako! tsk!

Bigat

Ang bigat ng nararamdan ko, gusto kong tiisin pero hindi ko na kaya. Gusto kong sumigaw sa sakit, subalit pinipigilan ng kaisipang baka kung anung isipin ng iba. Gusto kong sabihin sa kanila, subalit nahihiya sa maaring marinig na tugon mula sa iba. Tugon na maaring dumurog sa puso ko ng tuluyan, tugon na maaring magpabigat ng nararamdaman at tugon na maaring maglugmok mula sa’king kinalalagyan. Natanong ko na lamang sa aking sarili… “Ganuon ba kabigat ang nagawa kong kasalanan para maramdaman ko ang isang bagay tulad nito” Napapabulong na lang ako sa aking sarili, napapailing na lamang at animo’y gustong sumuntok sa kung saan maibsan man lang ng sakit ng aking kamao ang bigat na nararamdaman. Umupo ako sa isang sulok kung saan walang makakakita sa’ken, kung saan tanging anino ko lamang ang aking masisilayan at kung saan tanging tinig at paghikbi ko lamang ang aking maririnig. Kasabay ng hinagpis ang pagtagak-tak ng aking pawis sa aking kinarorooan at ang pagnanasang sa pagkakataong iyo’y mabawasan man lang ang bigat na nararamdaman. Subalit nagkamali ako, napayuko sa sobrang sakit, tikom ang kamao’ng nilalabanan ang nararamdaman at tinanong ang Dios Ama, “Dios ko bakit gan’to? Bakit ako? Bakit kelangan’g ako pa?” Pumatak ang luha mula sa aking mga mata, umaasang kasabay ng pagdaloy nito’y maiibsan ang bigat na nararamdaman, makakahinga ng maluwag at gagaan ang pakiramdam. Sa pagkakataong ito’y nabawasan ng kaunti ang bigat na na nagsisilbing parusa sa akin. Tumayo, pilit na inayos ang sarili, pinunasan ang mga bakas ng pagdurusa na para bang walang nangyari. Parang hinawi ng kung anung hangin ang mga nangyari kani-kanina lamang. Heto ako’t mukhang maayos nanaman, nakikihalubilo, nakikipagtawanan at binibigay ang ngiti sa aking mga kasamahan. Animo’y di alintana ang bigat ng pagdurusa, di alintana ang sakit na halos umubos ng aking luha. Sana’y gan’to lagi, sana’y wala ng oras na puno ng pighati at sana’y kayang takpan ng ngiti ang mga sakit at hapdi. Subalit hindi, gaya ng pagkaubos ng dahon ng Cherry sa panahon ng taglagas at ang pag-uwi ng mga estyudante kapag oras na ng labasan. Maging sila man ay mag-sisialisan at uuwe sa kani-kanilang mga tahanan. Dahil may kaniya-kaniya silang buhay na dapat ipagpatuloy at bawat isa sakanila’y may kaniya-kaniyang responsibildad na dapat harapin. At gaya ng karayom sa malawak na damuhan, maiiwan kang nag-iisa’t babalutin ng kapighatian. Muling makakaramdam ng sakit at dadalawin ng pagdurusa. Ganyan ang pakiramdam kapag constipated ka. Kaya kumain lamang ng tama at naayon sa katawan. Uminom ng maraming tubig at kumain ng mga pagkain’g rich in fiber. Kaya ako mamaya kakainin ko ulet yung natitirang isang skyflakes na binili ko kay Ate Alma. Para mabawasan ang ang sakit, pagdurusa at hinagpis na nadarama. Maraming salamat sa pagbabasa. ehe.

Typoe

Ba’t wala akong maisulat na poste ngayon? hmmm, ewan ko din. hahaha. Basta ang alam ko me mga pumapasok na ideya sa utak ko pero hindi ko naman maumpisahan para mailathala. Sa katunayan me draft nga ako ngayon. eh kaso di ko naman matapos tapos sa katunayan ulet dapat noong nakaraang sabado ko pa iyon naiposte dito haist. nga naman. bakit ganto. sige tipa lang ng tipa. dirediretoso. ma typo man o wala. basta ma typo man.. basta typo hahaha. tingin nio inaatake na ba ako ng katamaram? tingin ko din, basta tipa lang ng tipa hahaha. pero ga’t maari ayookonng atakiihin ng karamaran eh. haist. ayan me mga napapansin na akong mga typos. tama ba plural ng typo? hahaha. anu bayan. walang maisulat na matino. pag iisipan ko muna kung ipo post ko ba ito oh hini. oh hindi! mali yung word na “hindi” ko saglet pause ko muna i kowt ko lang yung word na “hindi” ayan dalwa na tuloy ang i-kokowt ko saglet lang ha? paybminits! napag isip isip ko lang ano nga ba ang meron sa paybminits? saan ko na nga ba nabasa yung post tungkol sa paybminits?hmmm. basta siguro yung makakabasa nito siguro kung meron man. eh alam nia kung anino este kung sino ang nagsulat nun. napgisip isip ko din, anu nga ba talga ang meron sa word na paybminits? parang natanong ko na ata yan… hahaha. sorry naman bangag lang. pakiramdam ko mahaba haba itong poste na ito. pero ano ba ang meron sa paybminits? (ito talga itutuloy ko na). nuong bata din kasi ako, gaya nung blogger na yon. mahilig kong sabihin ang “saglet lang, paybminits!” kowt ko ulet ha? tenkyu! actuayll ayan mali pa tuloy . actually dapat yan eh, kelangan pa bang i-kowt yan? alam nio na yan eh. actually yan! hahaha. ito na talaga. actaually nako naman! jaske kang daliri ka. nagmamadali kase eh. typo ‘let! haist! tio ito dapat yan eh. saglet madelete lang. paybminits ulet. mukhang hindi na paybminits to ngaony. este ngayon anu ba daliri ka! me pinapatawagan kasi yung sup ko eh, saglet lang ha, magbabalik. sandali time check muna it’s 2:52AM. o sige, magbabalik ulet.

ang pagbabalik, time check muna tayo it’s 3:05AM oha! nagkaproblema kasi yung system na gamit namen. kaya ito. balik sa pagtatype san na nga ba tayo ulet? haha. sag’let readback lang ako. ay napag isip-isp ko wak nalang. tutal sa pagsusulat neto di naman ako nag-iisip eh. pero kung iisipin niyo. napag isip-isip ko na ‘di pala ako nag iisip. puwede bang mapagisipan ko yon? hahaha. enako. anggulo. bumagal bigla ang pagtatype ko. ayoko na ng typo. kakahiya.(weh, nagpost ka nga ng gnto tapos mahihiya ka. ayan me typo ka ulet. hahaha.) saglet lagyan ko lang ng open and close parenthesis. ayun. nalagyan na. ano pa bang sasabihin ko. wala na talaga ako maisip. akala ko pa naman mahaba itong itatype ko. pero napag isip isp ko din. hindi pa tapos yung pinapagawa sa’ken nung sup ko. hahaha. halos lahat ata kami dito inaantok, hahaha. try ko nga magbasa ng nakatingin sa kung saan, tingnan ko kung magkaroon ako ng mali. hahaha. tapo si checheck ko ito na. pero medyo magbagal yung pagtatype ko eh. pano kaya pag puro typo ito. me maintindihan kaya kayo? hahah. malamang wala kasi ako nga dhindi ko maintindihan yung sarili ko eh. oha! tatlong typo lang. at nagtype ako ng sisktitu words with 3 errors. (kasama yung mga tuldok at kuwit dun sa sikstitu). at tingin ko tinype ko yun ng higit sa ilang minuto lang. oha! yabang. hahaha. teka, kung babasahin mo ba ito magiging makabuluhan ang buhay mo? malamang sa malamang ay hindi. malaking hindi! pero kahit papaano magpag isip isip mo man lang na hindi ka nag iisa dito sa mundong ibabaw, dalawa tayo. oha! di ka nag iisa. ika nga nila “kapwa ko mahal ko” hindi ko na ipinag paalam. nilagyan ko na ng dobol kowt yung phrase na yon. tingin nio ba mahaba na itong isinusulat ko. at ilang minuto at segundo na din ba ang nasasayang niyo sa pagbabasa nitong posteng ito. aba’t tingnan mo nga naman 686 na pala itong words na isinusulat ko. aba’y akalain mo yon>?! haist, typo nanaman. o siya! mukhang napapahaba na itong pag dadal dal ko. ko. wala narin namang sa tingin ko lang kahit wala naman akong makita eh papasok na matino dito sa utak ko. haist, parang hindi lang daliri ko natatypo ah, pati ata dila ko. madalas akong mautal eh. teka, maari bang matypo ang dila? hahaha. basta eh wala akong maisip na tamang salita eh. bakit ba. bakit nga ba? bakit ak onag tatype ng gantong klaseng post. ano kaya iisipin niyo tungkol sa’ken kapag nabasa niyo ito? iisipin niyo ba na nababaliw ako? sasabihin niyo kaya na “naku si chevybo! nababaliw na kasi walang post na bago”. kung ganon nga, siguro nga, na ganung nga na sigura nga ulet nababaliw na ako. ano ba ‘to. wala na akong maisip na matino. umaandar pa itong ka-kornihan ko. haist. juice ko lord. bakit gan’to? titigil na ba ako sa pag tataype dito? o dadagdagan ko pa ang mga typo ko? enako. tama bang ilathala,ipaskil o i-post ang gan’tong klaseng lathalain? bahala na kayong umitindi. sa mga malawak ang pang-unawa at pasensyong binasa itong poste ko ng walang halong pag-aalinlanganin hanggang sa huling patak. maraming salamat sa’iyo! i labyu na sobra! at sa mga comment, koment lang kayo kahit na ano, tutal malapit naman na sa wan tawsand itong words na naisulat ko. “mamippinsan su bawi!” hahahah. sige, osha, adios, ciao.

the end.

Better Late Than Absent!

Kamakailan lamang dumalo ako sa isang handaan ng matalik kong kaibigan na si JP, graduation nia kasi. Matapos ang 6 na taong binuno sa elementarya, 4 na taong panglalakwatsa nuong hay skul at isa pang 4 na taong pinaglupasayan at pinag sunugan ng kilay nitong college. Sa wakas! Isa siya sa mga matatawag na “the graduates” ng taong 2010! kaya naisipan kong gumawa ng poste tungkol sa mga kaibigan, dating kaklase, naging kaaway?, sa mga nangikil, tinalo ako sa teks, and to all the gals aylab bapor! Para senyo ‘to! Muwah! Hahaha

Para kay John Paul Bandong – pre, sa wakas RN wannabe ka na! Haha. maraming salamat dahil kahit may trabaho ako lagi mo paren akong nililibre, salamat sa pagpapautang mo sa’ken at sa paglimut sa mga iba kong utang sa’yo, (iba ka talaga idol! Hahah) at higit sa lahat salamat sa isang buong litsong broiler na ipinakain at ipinamulutan natin kasama ang laging bukas na inumin “dabar” at sa ipinainum mong 7yr old fundador brandy na nagpasakit ng ulo ko, hayup ka!

Para kay Dan Justine Dioquino – toys! Binabati kita, panibagong yapak para sa panibagong yugto ng iyong buhay, at para sa “panibagong buhay” (u nu wot ay min. ehe).salamat sa pagtitiyaga mong magturo ng gitara sa’ken, salamat sa mahabang pasensya na kahit ginagawa na naming beerhouse at reastaurant ang bahay nio eh nakangiti ka paren. Ay labyu tol!

Para kina Master Joseph Quides at Executive Richard Bandong– pasensya na’t ako’y di na masyadung nakakadalaw senyo sa kolehiyo, dibale tingin ko naman extended kontrata nio sa college. Sinama ko lang mga pangalan nio dito para hindi nio isiping hindi ko kayo namimiss naks! (miss ko na kayo pre!) Maraming salamat sa pinagsamahan natin nuong college. Magkikita paren naman tayo, di man sa mundong ibabaw sigurado sa kabilang buhay! Hahaha

Para kay Vhine – tol! Career muna bago ang kagagahan ah?!. Labyu ading! Pagbutihin ang paghahanap ng trabaho! Lagi lang nandito si kuya para makinig ng mala-engotmo mong istorya. Hahaha

Para kay Lalaine – tol! narin ang itatawag ko sa’yo kahit alam kong short naman talaga, hahaha. Pagpasensyahan mo na’ko nung isang umaga ng taong ‘to, bangag lang, kulang sa tulog kaya kung anu-anong pumapasok sa utak! (ayuko nang idetalye pa, it harts yu nu??!) Godbless sa career!

Para kay Ismael Ibuan – maeL! Maraming salamat sa pagtulong mo saken para maayos yung “so called” system ko bago ako grumadweyt, anggaling mo! Ikaw lang ang tanging kakilala ko na may 10horse power ang bawat neurons sa utak! Binabati kita, di man ta’yo ganuon katagal na nagkasama’t nakilala ng mabuti ang isa’t – isa. para saken bespren na kita! Godbless sa tatahaking daan!

Para kay Rambo Abad – tol, miss ko na redhorse bond natin, hahaha. Nawala man ang mga ala-ala ng ating inuman dahil sa pagkawala ng cybershot na phone mo, na napalitan ng cybertshet! okey paren naman sa olrayt! Dahil sulit na sulit ang bawat pagkakataon, ang bawat sandali, ang mga yakap at halik? Hahaha. Kahit tayo lang minsan ang magkasama, at hindi kasama si maeL (dahil di naman siya nainum, ewan ko lang ngayon) eh masaya paren! Galingan mo! Itaas ang bandila ng taga-bundok! Hahaha

Paray kay Nickson Dale – pre, naalala mo pa ba yung kaadikan nating gagawa ng cover ng isang kanta? Ikaw ang singer at ako ang iyong gitarista. Actually, nasa phone ko pa yung cover natin ng “Halo” hahaha. Akala mo concert, peel na peel bawat lirico at pagtaas ng nota! Miss ko na yun tol! Godbless sa tatahaking daan!

Para kay Mc Justine Sison – pre, pasensya ka na hindi ako nakapunta nung gabi ng selebrasyon ng iyong pagtatapos. Nasa gitna kasi ako ng major crisis nun, alam mo na, tawag ng pangangailangan. Hahaha. Dibale di kaman muling grumadweyt, marami pa namang pagkakataon para sa inuman! RN wannabe ka na rin! Yey! Kunin kitang nars, antayin mo yung hospital na papatayo ko ha? 😉

Para kay Paye Jessica – paye! pa shot ka naman, sa unang suweldo mo libre mo ko ha? Hahaha. Mag ipon ka ng pang pa-retoke mo. Napaghahalata sa braso mo, na dati kang lalake, hahaha. Jahbless paye! Muwah!

Para kay CathewRN wannabe ka na rin, godbless!

Para kay Edna – kaw rin? Sige, godbless RN wannabe ka na. Sorry na din :(, alam mo na yun. hehe

Para kay Joyce Bauzon – ito pa isa, godbless! RN wannabe ka na rin, kamusta daw pala sabe ni sanggang dikit! Sabe sa’yo kras ka nun eh. hahaha. Sayang, kung alam ko lang na me balak kang mag-boypren, niligawan kita. Haist. Hahaha

Para sa bespren-pinsan kong si Ara P. Garcia – pandot! Oha, with middle initial yung sa’yo vungga! Siempre di ko pa naman nakakalimutan na mula nung elementarya hanggang grumadweyt tayo ng hay skul, eh ikaw ang secretary ko. ‘Susulat mo yung pinapakopya ni titser, sabay take-home naman ako ng kuwaderno mo. (minsan notbuk ko na sinusulatan mo) Hahah. Kahit October’ian ka pa sasama na kita, hahaha. Oks lang yan labs naman kita. Kunwari gragraduate ka na, “To my beloved cousin, happy gradwisyon! I wish u all the height in this wolrd” Wahahah. 😉

Para kina Loraine, Mia (Pokwang) at Girlie – pati ba naman kayo “sasama sa puwede pa kami portion?”. Sige na nga, godbless! RN wannabe na kayong tatlo. Hahaha. Kahit sasaglit pa lang tayong nagkakakilala, itinuring ko na kayong kaibigan, kaya sasama ko kayo. Siguro naman hindi niyo nakakalimutan kung sino ang may linya nito: “uy, uy, gumagalaw… gumagalaw” (sinasabi niya yan habang niyuyug-yog niya yung kawayan na hawakan) hahaha! Tsk!

Para kay long lost friend ko na si John Rey Ticman – tol! Magbago ka na! Hahaha. Labyu tol, miss ko na kalokohan bonding natin! Isa ka rin, godbless isa ka na ring RN wannabe.

Para kay Junnel – na ‘di ko ‘lam kung tama ang pag spell ko ng pers neym niya. “Magbago ka na rin”

Para kina Bianca, Nicole, Jampong at Glainez – shyet, nakalimutan ko yung tunay na pangalan ni Jampong, hahaha. Dibale. Para senyong apat! (siempre kasama si Glainez). Binabati ko kayo, godbless sa career at miss ko na kayo (kasi wala na akong nananakawan ng halik sa tuwing uuwe kayo) hahaha.

Para kay Hazel ng eSLU – dahil nagtext kanina (04/19/2010 ng hapon) at dahil sabe ni Vhine eh “eh si Hazel sinama mo?” at dahil sa dahil na rin nakita kita sa harap ng NEPO mall minsan’g papunta ako sa trabaho. HAPPY GRADWISYON!

Para kay Kayedee – para samen isa kang tunay na gradweyt! hahaha. at baka sakaling mag sign on ka eh. kaya.. para sa’yo kayedee HAPPY GRADWISYON! naren 😉 yey!

Para sa mga taong di ko nabanggit – pasensya na kayo, sakit na ulo ko eh… dibale di naman ako sigurado kung gagradweyt ba talaga kayo. Hahaha. Joke lang. Wala na kasing gustong pumasok na detalye, pangalan, at ka-ewanan dito sa mala payatas kung utak. Dibale, para senyong lahat. I LOVE YOU ALL! MUWAAAAAH! 😉

Para senyong lahat!CONGRATULATIONS! sa wakas, natapos na rin ang paghihirap ng inyong mga magulang! dahil sa malalaking kickback at mga sobra-sobrang pag-hingi allowance sa tuwing me field trip ang inyong skul. hahaha. sa inyo, HAPPY GRADWISYON!

ayan, natapos din sa wakas ang pagkahaba – habang post na ito. Pasensya na’t ‘di ko kayo matext sa kadahilanang ang ilan senyo’y ‘di ko alam ang mga numero, at ang pinakamabigat na dahilan ay “wala akong load” hahaha. pagpasensyahan na, nagtitipid kasi. pamilyado eh. Dibale atleast gumawa ako ng poste para senyo. “It’s the Thought that Counts” ika nga, at para sa mga hindi naman pinalad. Better lak neks sem! Nyahahaha!

Bon Voyage! 😀

P.S. – ang pagkakasunod-sunod ng mga pangalan ay kung sino ang naunang pangalan na pumasok sa utak ko, walang bahid ng rayuma o anu man’g peboritism! hahaha.

Nga pala, daming nars. Narsmanang. kaw na bahala sa kanila. hahaha.

“Puga”

Salitang gamit ng mga kakosa natin ko na gustong makalaya sa likod ng malamig na rehas na bakal, umeskapo, tumakas, mag-unahan sa pagtakbo, makipag habulan sa mga nag-ngangalit na bala, at makipagpatintero kay kamatayan. Ganyan ka-desperado ang ilan nating mga kapatid matamasa lamang ang hinahangad nilang “kalayaan”. Subalit ano nga ba ang maidudulot nitong pagbabago sa kanilang buhay? Makatakas man sila, kriminal parin naman ang tingin sa kanila ng madla. Ako, minsan gusto kong pumuga, takasan ang naglalakihang mata ng mga mapanghusga’ng halimaw ng lipunan. Lumipad sa kawalan, makipag-awitan kasama ng mga ibon, makipag-sayawan kay hanging amihan, saluduhan si haring araw at humiga sa ulap habang kumakain ng cotton kendi. Gusto kong pumunta sa lugar kung saan, meron ako’ng boses. Kung saan maari ako’ng sumigaw nang walang makakarinig sa’kin. Kung saan maari kong iiyak ang sama ng loob at hinanakit sa mundo ng walang nakakakita, at kasabay ng pag-agos ng luha ang pagkawala naman ng pighati’ng nagpapabigat ng nararamdaman. Hindi ko alam, pero ito ang aking gustong puntahan, ito ang aking nararamdaman. Sana may lugar na ganyan. Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ang tinig ng isang mama, at nagsabing ,“Pagtakas na lamang ba ang nakikita mong paraan?”. Tugon ko naman, “Minsan ang pagtakas ang isa sa pinakamainam na paraan para makalimutan ang problema”. Napabuntong hininga siya at sinabing, “Sige, kung ‘yan ang ikapapanatag ng luob mo, hindi kita pipigilan. Basta’t lagi mo lamang tatandaan, na meron ka laging lugar na babalikan kung sakaling maligaw ka sa tatahakin mong daan.” Bigla na lamang bumuhos ang aking luha ng ‘di ko namamalayan, at napagtanto ko sa’king sarili na hindi sa lahat ng pagkakataon pagtakas ang solusyon. Bagkus, isa lamang itong kasangkapan upang mapagtanto natin sa ating mga sarili na ang pagharap sa hamon ng buhay ang siyang tanging paraan para malagpasan ang bawat pagsubok. Maaring bumagsak tayo, lumagapak at masaktan, subalit kelangan nating bumangon at ipagpatuloy ang buhay. Kung sakaling matikman mong muli ang pasakit na hatid ng mundo, bumangon kang muli, sabe nga nia “Wala kang mararating kung hindi ka lalakad.” Ika nga nila, “the show must go on!” dahil hindi titigil ang pagtiktok ng orasan dahil sa ating pagkadapa, dahil hindi lamang ikaw ang nakatitikim ng kalupitan ng mundo. Isipin mo na lamang na mapalad ka’t meron kang pamilya’ng uuwian at mga kaibigan’g matatakbuhan sa oras ng kagipitan. Subukan mong pagmasdan ang krus ng pasakit na pasan ng iba’t masasabi mo sa sarili mong, “napakasuwerte ko pala”.Dahil sa bawat paghakbang mo’y may umaagapay at sa bawat pagbagsak mo’y mayroong kamay na handang umalalay. Ikaw? Kung may pagkakataon ka para takasan ang problema, tatakas ka pa ba?

“Bahay-Cubo”

Nagsimula sa pagiging blanko, hanggang sa naging payak at ngayo’y may laman na. Ang sarap isipin at pagmasdan ng iyong bahay kung alam mong ito’y meron ng laman. Hindi naipundar na gamit, magagarang disenyo o iba’t-ibang makukulay na palamuti ang tinutukoy ko, kundi ang mga tao’ng bumubuo at nagsisilbing haligi ng bawat parte ng bahay ko. Ou, ang mga tao’ng tinutukoy ko ay “kayo”, “ikaw” na kasalukuyang bumabasa at sa mga taong bibisita pa lamang upang magbigay ng panibagong dahilan para ipagpatuloy ang buhay. Hindi ko alam, pero hindi ko maipaliwanag ang kagalakan’g aking nadarama ngayon. Pagbukas ko ng pinto ng aking bahay nakita ko ang iba’t-ibang bisita’t samu’t-saring komento nila. Maaring mababaw para sa iba, subalit ito ang aking nararamda. Sabe nga nia, “hindi ka hahatulan ng mundo sa nasa loob mo, at kung mangyari yun, sow wat?.=), basta totoo tau lagi..” ou nga, walang pake’lamanan. Ayaw ko ng patagalin pa ‘to, baka mawala pa ang cloud9 na aking nararamdaman. Gusto ko lang ipaabot ang aking lubos na “pasasalamat sa inyo”, madrama man o OA kung matatawag pero parang gusto kong umiyak sa tuwa kanina. Haaaayyy. Sarap! 😀 God bless u all! 😉