Hindi ko siya ganuon kakilala, ni hindi ko nga alam kung ano ang tunay na pangalan niya, edad, sukat, bigat, kung naka PHD ba siya o kung purong pinoy ba ang dugong dumadaloy sa mga ugat niya. Basta isa lang ang alam ko, siya si ‘Kuya Tarbs’.
HIndi ko naisip na gagawa ako ng latha para sa isang taong dito ko lamang sa blogosperyo nakilala. Dahil ang alam ko tanging pamilya ko lamang at mga personal na kaibigan ang maaring humimlay sa bawat pahina ng tahanang ‘to. Pero nagkamali ako, hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko, gusto kong magsulat. Wala man sa tamang istraktura ang lathang ito. Basta gusto kong magsulat.
Isang mensahe, isang mensahe ang nagpabago ng takbo ng umaga ko ngayong araw ng Sabado ika-24 ng Nobyembre. Isang mensahe na nagpabuntong hininga sa akin at nag pa agos ng tubig ng kalungkutan mula sa hinlalaki ng paa kong may ingrown na dumaan sa mga tigyawat sa aking mukha hanggang sa anit kong dati’y hindi sanay sa gatsby wax.
Sa tuwing maririnig ko ang bansag sa kaniya. Hindi ko alam pero tatlong salita lamang ang pumapasok sa aking isipan. Berde, opisina at barong. Berde ay marahil sa avatar niya. Opisina at barong naman dahil sa isang posteng tungkol sa kababalaghan na nabasa ko mula sa bahay niya, na minsang nasa opisina siya at naglalakad palabas ng building na kaniyang pinapasukan. Tumindig ang kaniyang balahibo ng mapansin niya ang isang lalaking nakabarong at napatawa na lamang siya nang malaman niyang ‘yun pala ay ang kaniyang repleksiyon.
Napapangiti parin ako sa tuwing maalala ko ‘yon. Ako man ay matatakutin din sa multo. Mabilis pa kay Usain Bolt kung tumakbo ang imahinasyon sa aking isipan sa tuwing sasapit na sa akin ang takot sa mga multo. Pero hindi ko naisip na totohanin mo yung pagsusuot ng barong sa repleksiyon mo at sinamahan mo pa ng papapatindig ng mga balahibo ko. Wala naman talaga akong balak magsulat ngayon eh o mag post ng mga latha ko. Balak ko matulog ngayon dahil may pasok pa ako mamayang gabi. Hindi rin naman ganun kalayo ang computer shop mula sa tinitirhan ko. Kaya, titiisin ko na lamang ang matinding sikat ng araw mula sa paglalakad kesa ang palampasin ang pagkakataon na makapag bigay ng respeto sa iyo. Kahit dito man lang.
Pero hindi ko alam, hanggang ngayon eh ramdam ko parin ang bawat bigat ng tibok ng puso ko, hindi ko na rin mabilang kung naka ilang bungtong hininga ako habang tinitipa ko sa keyboard ang artikulong ito para sa’yo. Bumibigat at sumasakit din batok ko, hinahayblad na rin ata ako. Baka bukas mensahe naman tungkol sa akin ang mabasa ninyo. Prayers ko rin ha? 😀
Hindi man tayo nakapag batian ng personal o nagka daupang palad man lang. Gusto kong malaman mo na, ‘Kuya Tarbs maraming salamat sa pagiiwan mo ng marka sa buhay ko’. Alam ko korni, ‘di mo rin naman na mababasa ito eh, hindi mo na rin malalaman kung gaano karaming blogista ang nagluluksa ngayon dahil sa pagkawala mo.
Para sa’yo ‘to. Hindi ka namin makakalimutan. Hindi pa naman ito ang huli eh, saglit ka paring papasok sa mga isipan namin. Okay na rin sa paminsan minsang panaginip basta wak mo lang kaming babangungutin ha? 😀
Para sa taong minsa’y nagsabi sa aking ”Andito lang ako. Good luck sa iyo at sa anumang iyong pinagkakaabalahan… :D” andito lang din kami lagi para sa’yo Kuya. Maraming Salamat.
Kuya Tarbs!!!
Hanggang sa muli! =)
Ingat!
Ang una at huli naming mensahe sa isa’t isa. =(
abah, sa waKas cheboi! nagsulat ka ulit!
uu master. di kasi ako makatulog. hehehe. musta na master? kumakatas parin ba jutak mo?
uu, pero di na gaano. nabalabutan na ng kolesterol eh. pero okay pa rin naman kahit papaano. siguro kakailanganin ko na lang ang serbisyo ng malabanan o soliman para mapanumbalik ang dating katas.
uu tingin ko nga, kakailanganin mo ng matindi ang ser bisyo. hahaha..lapit na kaarawan mo, maligayang abdans na pagbati birthday sa iyo master..=p
ulol, malayo layo pa ang pebrero. haha! kelan ba tau magkikita kita ulit ha?
inaasahan ko sana ang buwan bago ang buwan ng pebrero…sana… basta…ipag pa sa DIYOS na lamang natin.. hehehe
hmmm… alam mo naman siguro ang mukhang aklat at celepono bilang ko diba? magparamdam ka na lang doon at tignan natin kung makakapagdaupang palad tayong muli sa araw na yun. pero ikinalulungkot ko na ibalita sa iyo na hindi ko na idinadapo ang mga labi ko sa alkohol. 😦
sige, sa pagbagsak ng mensaheng iyon minuto na lamang ang bibilangin bago tayo makapag daupang palad. hindi naman alak ang nagbibigay ng tono sa mga kanta at gitarang puwede nating tipahin diba? basta….