TikBoy

Ang liwanag ng buwan. Kasalukuyan naming binabagtas ang daan patungong Sto. Tomas, Pangasinan. Madilim na dilaw na parang may halong kulay asul ang dominanteng buwan na tila baga nagpapahiwatig ng pagdadalamhati sa hatid nitong liwanag. Maganda, malaking bolang bilog na dilaw sa kalangitan. Subalit kung pagmamasdang maige ay parang napakalungkot nito’t tumatangis na kasabay na hinahawi ng nagdaraang mga ulap.

“Ina… wadiya ak la!” [Ina… nandito na ako] sigaw ng isang malaking mama na may malaking boses na akala mo’y hinuhugot mula sa kailaliman ng lupa. “Wadiya’y Uncle Boy” [Nandito si Uncle Boy] ang lagi naming sinasabing mag-pipinsan sa tuwing maririnig na namin ang dumadagundong na boses niyang yun. Bless kaming lahat, lahat kaming mag pipinsan bumabati at nagbibigay galang. “Uncle Boy!” “Ui, si Uncle Boy” “Ni, wadiyay Uncle Boy!” [Oh, nandito si Uncle Boy], pati mga kapatid niya napapalabas ng kaniya-kaniyang bahay sa tuwing dumarating siya. Ganun siya ka dominante. Daig pa niyang Mayor sa tuwing dadalaw siya amin.

Bago yan bumisita sa amin, tatawag muna yan. “Oh, ni umpasyar ak dita’y Lunes, ditan ak mangugto” [Oh, papasyal ako diyan sa Lunes ha? Diyan ako manananghalian]. Ipagluluto siya ng mga nakababatang kapatid niyang lalaki sa tuwing malalaman nilang dadalaw ang kanilang panganay na kuya na si Uncle Boy sa bahay. Hindi naman ganun ka espesyal, simpleng kainan at kung minsan ay munting salu-salo. Subalit makikita at mararamdaman mo ang mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga tao doon. Hindi lamang ng mga kamag-anak subalit pati narin ng mga iba naming ka bario.

Hindi man namin siya madalas nanakakasama, subalit pinaparamdam naman niya na lagi siyang andiyan para sa amin. Siya lagi ang tinatawag kung nag kakaroon ng gusot sa pamilya, kung kailangang hingan ng payo at kung kailangan ang kaniyang mga koneksyon para maayos ang isang problema. Hindi siya mayaman, hindi rin siya ma-impluwensiyang tao subalit marunong siyang makipag-kaptwa tao. Hindi rin siya Diyos, pero kaya niyang balansehin ang mga bagay-bagay at pagsamahin ang dalawang kulay na pula at puti sa aming pamilya.

Kumbaga eh para siyang, si FPJ at gaya ni “Da King” may mga linya din siyang di namin makakalimutan. “Manaral kan maong” [mag-aral kang mabuti], “Akin? mangasawa ka la? Ag kani manga asawa ta untulong kani’d sara’y ateng mo. Ta sika’y baleg ya makatulong ed sikara. Neng neng mo paya’y irap na bilay ay” [Ba’t mag-aasawa ka na? Huwag ka munang mag asawa at ikaw ang tutulong sa mga magulang mo. At ikaw ang malaking makakatulong sa kanila. Tignan mo nga ‘tong hirap ng buhay], “Dengel mo ra’y ibabaga nen nanay tan si tatay mo ta pang-ka maungan mo tan” [Pakinggan mo ang sinasabi sa’yo ng nanay at tatay mo dahil ikakabuti mo yan], “Akin R**? Ay, antuta’y lasi??!! Anto’y nagagawam?!” [Bakit R**? Ano yan??!! Ano yang nangyayari sa’yo?!], “Agka mapaga siya’k su akauley! Niya, tawagan mo ta siya’k su mitungtong” [Huwang kang mag alala, ako’ng bahala. Ito, tawagan mo’t ako ang makikipag usap.] “Sika N** agka masyado’n nerbyoso. Akin siyak ey? Aliwa ak ya matakot nen saman.” [Ikaw N** ‘wag ka masyadong nerboyoso. Ba’t ako nuon, di naman ako matatakutin.], “Oh, neh, wala’y galaw nen Claude nabwas ya alas dos” [Oh, may laro si Claude bukas ng alas dos] at marami pang iba.

Pero walang tatalo sa, “Ina anda pa ta’y singkuwenta yo ay ta iyarum ko’d pamasahe’k pasempet” [Ina, penge nga ng singkuwenta niyo’t idarag-dag ko sa aking pamasahe pauwe] “N** anda pa ta’y sanlasus mo ay ta ipamasahek pasempet” [N** akin na nga yang isang daan mo’t pamasahe ko pauwe] “Ni, unla ak ditan, ipawil yo’y pamasahe’k balet ah?” [Oh, pupunta ako diyan, pero balik niyo pamasahe ko ha?] “Niyan kaka-pasahe ak ya im marap diya ay” [Itong pamasahe lang ang dala kong pumunta rito] “Ay, anggapo’y pamasahe’k” [Wala akong pamasahe]. Hahaha! walang tatalo sa linyang yan.

Kailan kaya namin muling maririnig ang mala Dr. Love mong boses, ang mga sermon mong minsa’y nagpaiyak samin at nagpatawa, mga pagtawa mo, ang pagkanta mo ng walang kamatayang My Way at Engelbert Humperdinck songs. Wala nang tatawag para mangamusta at mag a-update ng mga schedule ng laro ni Claude. Wala nang mang hihingi ng pamasahe kahit na araw-araw ka namang naka UNLICALL, ibang klase. Ngayon palang namimiss ka na namin. Hindi ko mapigilang maiyak habang sinusulat ko ito, hanggang dito ba naman? Aaalahanin namin lahat ng mga sinabi mo, mga pangaral. Nasaan ka man, darating ang araw isa samin ipagmamalaki mo na nagkaroon ng dugong “CUBO”. Hindi ka namin malilimutan, mahal na mahal ka namin, Uncle Boy.

****Huminto ang aming sinasakyan, bumaba kami at kami’y sinalubong ng iba naming mga kamag-anak.

Advertisement

10 thoughts on “TikBoy

  1. Itong blog mo, pinaghihimlayan mo ng mga taong mahalaga sa buhay mo.

    Dati si Tita (nakalimutan ko na name), ngayon si Tito Boy (hindi Abunda) hahahaha.

    ‘Yan ang kahalagahan ng tao sa buhay ng pamilya. Merong gumigiya sa mga bagong talbos.

    OT: Ang ganda ng kulay ng blog mo. Malamig sa mata.

    • Maraming Salamat Kuya Bebe ko! Uu, napansin ko rin na naging himlayan na nga ito ng mga mahal ko sa buhay. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang pagbabalik ko. Kala ko kasi, wala nang prinsipe ng drama. =)

      Maraming Salamat. Naisipan ko kasing palitan na theme ng blog ko para mai-ba naman. Sobrang mukha na kasing pinag lumaan eh. hehehe. Ingat lage Kuya!

  2. Chevs balik-blogging ka na pala.

    Gusto ko yung sinabi mo…si Tito Boy parang si FPJ…at magaling na singer pa na mala Sinatra at Engelbert.

    Talagang mami-miss mo siya…lalo na sa mga pangaral at gabay niya sa iyo at sa inyong pamilya.

    Tama ang sabi ni Jkul…maganda ang pintura ng iyong bahay. God Bless!

    • Uu nga po ‘lo. Kaso di ko sukat akalain na magiging gan’to ang pagbabalik ko. Mamimiss ko talaga siya, namin.

      Maraming Salamat po. Dami na nga hong nagbago dito eh. May “follow” at “like” na rin. Di ko nga alam kung ano yung “follow” na yun eh. May Idea ho ba kayo kung ano yung numero bago ang pangalan sa upper right corner ng screen kapag naka-logged sa wordpress? Ingat po! God Bless

      • Yung numero bago sa pangalan ay isang paraan ng WP na sabihin sa atin na may mga nag-like at nag-reply na sa ating comment sa ibang blogger. Ok naman ang mga ito para makita agad ang nag-like at maka-sagot din agad sa ka-blogger.

        God Bless Chevs!

  3. ayan! bumalik ka na.

    ang pinakamalaking impluwensya kung ano tayo ngayon ay yong mga kapamilya na handang umalalay at namulatan natin habang pinapanday natin mga sarili natin.

    • uu nga ‘teh. mukhang nagbalik lang ako. akshuli mga nakaw na sandali lang ito. hehehe.

      tama, isa siya sa mga nag-panday ng aking buhay. malaki ang naging impluwensiya niya hindi lang sa akin subalit sa iba pa naming kaanak. Ingat lage Teh! =)

  4. nauna pa ang email kong makaalam kesa sakin ..
    nung nakausap kita ok ka naman na, so imissyou nalang ulit
    (pabalat bunga lang, public kasi to e)

    condolence chev, partido ba yan nino ? mama o papa?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s