Bakit may mga taong mas pinipiling mabuhay sa kasinungalingan kesa harapin ang katotohanan? Bakit mas pinipili nilang maglakad sa dilim kahit alam nilang anumang oras ay maari silang matisod at masaktan? Bakit sa kabila ng malaking katotohanan sa kanilang isipan ay niloloko parin nila ang kanilang mga sarili at pinipilit ang isang bagay na “puwede” kahit hindi naman talaga? Bakit nga ba? Ikaw may sagot ka ba?
Minsan tuloy naisip ko na baka sa dilim ay mahahanap ang isang liwanag, liwanag na kahit na ang haring araw ay hindi kayang ibigay. O ‘di kaya nama’y kalayaan na kahit ang kalapating sumsimbolo nito’y di mapapantayan. Mga bagay na akala nati’y makikita lamang natin kapag naiilawan ang ating mga mata, mga bagay na akala nati’y sa liwanag lamang natin makikita. Gaya ng ngiti, tuwa at kasiyahan.
Subalit bakit nga ba ganon? Alam naman na nilang mali, pero bakit parin nila ginagawa? Kelan nga ba naging mali ang tama at kelan din naman naging tama ang mali? Anggulo!!! nakakasakit ng ulo! Pero sa kabila ng lawak ng katanungang ito’y may mga tao parin namang naiintindihan sila. Handang umunawa at sakyan ang kasalukuyang sitwasyon. Sadiya nga bang tanggap na ito ng lipunan o parte na rin ng ating kultura?
Sabi nila kapag nadapa ka’t nagkamali, bumagon ka at itama ang lahat. Pagkakamali daw ang humuhubog sa pagktao ng isang nilalang. Sa pagkakamali mo rin daw makikita ang kasagutang tama. Ibig sabihin ba nito’y kailangang magkamali ka muna bago mo lubusang maunawaan sa kung ano ang tama at sa kung ano ba talaga ang mali? Kaya nga ba maraming taong nagkakamali?
Nasubukan ko na ring magkamali, hindi lang minsan, hindi lang sampung beses. Kukulangin ang pinagsamang bilang ng daliri mo sa kamay at paa para bilangin ang pagkakamaling nagawa ko simula nang ako’y nabubuhay. Kahit pagpatong patungin mo pa ang bilang nito ng sampung ulit, kulang pa rin. Sa di mabilang na pagkakamaling nagawa ko sa aking buhay. May natutunan ba ako? Hindi ko alam, hindi ko masasabi, maaring meron, maari ring sabihin kong wala. Minsan pa nga’y nakakagawa parin ako ng mga parehas na pagkakamali, hanggang sa umulit nang umulit ng umulit nang umulit.
Ewan ko ba, kung bakit ganon’? Hindi naman ako tanga, o di ko naman masabing tanga ako, tanga nga ba talaga ako? Madalas kasi akong magpadala sa aking nararamdaman kaya minsan nasisira ang diskarte, gumuguho ang istraktura ng isang bagay na naplano na at nakakagawa ng isang desisyong hindi pinag isipan. Bakit kaya ganon no? Alam mo na ngang mali, sige ka parin. Alam mo na ang kahahantungan ng mga ginagawa mo, pero bakit mo parin pinagpapatuloy?
Haaaaay. Ikaw, oo ikaw nga, nakagawa ka naman na siguro ng pagkakamali ano? Nakailan ka na? Naka ilang tama ka na rin sa tingin mo? Mabibilang mo ba? Masasabi mo rin bang natuto ka sa bawat pagkakamaling iyong nagawa? Nakagawa ba ito ng mabuti sa iyong buhay? O isa ka rin samin na naghahanap ng sagot sa maraming katanungang, mali?
bangon lang chevy… yun ang susi.. 😀 kung anu man ang mga maling nagawa natin nung nakaraan.. hindi iyon ang magdidikta ng ating kinabukasan…
ang magdidikta duon, ay kung ano ang pinili nating daan, matapos ng mga pagkakamaling iyon, kung babangon ka ba?… o lalong magpapakalugmok?…
nice post…
lol. kala ko sa FB ka na lang nagsusulat!
andun yung comment ko eh.
hehe. maraming salamat naman at nadadalaw mu parin itong kuta ko. haha
nabasa ku na yung komento mo’t natugunan ku na rin. Hehe. Ingat lagi.
naka mobile lang ako.
@yvarro:ayun oh! naka naman daw sa komento.=)
Maraming Salamat kaibigan sa iyong komentong may kaakibat na payo.
Ingat ka lage!Godbless…
minsan kasi mas may thrill gumawa ng mga bagay na salungat sa pananaw ng iba. 😀
tamaaa. tapos sa bandang huli masasabi mu na lang sa sarili mu. tama pala sila. Hahaha. Adik lang.
Tenks mooryth! Balik ka ha?=)
hello chevy. long time. hehe.
meron akong napakalaking pagkakamali sa buhay ko na hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko, pero dahil din doon sa pagkakamali na iyon ang dami kong natutunan, namulat ako sa maraming bagay at nagsilbi din siyang aral para hindi ko na ulitin ang ganoong bagay.
wala lang, makadaldal lang. 🙂
magandang araw.
ps: nahihiya ako sa FB eh. hahaha. 🙂
hi manang!
Natuwa naman daw ako sa komento mo. Oo nga, ang tagal din. Blocked na kasi WP sa opis kaya ganun.
Bawat pagkakamali talaga me aral na balik no?eh yung paulit ulit na pagkakamaili nasubukan mu na?
Salamat sa pagdaan!balik ulet!=)
May mga bagay lng na dumarating sa maling pagkakataon.. Bali baliktarin mo man ang mundo mali pa rin..
uu nga ganun talaga..at minsan din kahit pilit mong iwasan para bang ito’y nanunukso at ika’y sinusundan.. hahaha.
Maraming Salamat sa pagdaan Ame. Ingat!