Sakbong…

May mga tao talagang nagkukulong sa mundong naka-sanayan na, sa mga bagay na naka-gawian na nilang gawin at natatakot nang sumubok nang pagbabago. Mahirap man silang intindihin minsan, kelangan nating maunawaan na lahat ng kaganapan ay may dahilan. May dahilan kung bakit sila nagkukulong sa kanilang mundo at kung bakit ganuon na lamang ang pananaw nila sa buhay. Maaring dala ng sariling karanasan, nasaksihan sa paligid, kaibigan o kapamilya o di kaya nama’y dala nang impluwensiya nang mga kaibigang may mapait na karanasan sa iba’t-ibang aspeto nang pagiging ganap na tao.

Dahil diyan, sila na mismo ang nagkukulong sa kanilang mga sarili at sila na mismo ang nagse-set ng barrier sa maraming bagay. Natatakot silang subukan ang mga bagay-bagay dahil natatakot silang masaktan o di kaya’y matalo sa laro ng buhay. (Kung sa tingin ninyo buhay pag-ibig ang tinutukoy ko, nagkakamali ka. Hindi lamang puro pag-ibig ang pinag-uusapan dito, kundi ang kabuoan nang pagiging isang ganap na tao) Natatakot silang lumabas, humakbang palayo mula sa kuwadradong linyang nagkukulong sa kanilang pagkatao. Dahil iniisip nila na baka sa kanilang paglabas ay katakot-takot na pasakit at pagdurusa ang kanilang maramdaman. Bakit? dahil nakabalot sila sa supot ng pag-aalinlangan.

Naalala ko pa yung sinabi sakin nang una kong karanasan “Wala kang mararating kung hindi ka lalakad.” na dinugtungan nang aking matalik na kaibigan “hindi ka hahatulan ng mundo sa nasa loob mo, at kung mangyari yun, sow wat?.=), basta totoo tau lagi..” Taaaaammmaaaaa..! ika nga ni Anne Curtis at tama nga naman talaga sila. Dahil wala naman silang ibang hangad kundi ang ikakabuti mo, bakit ulit? dahil kaibigan mo sila.

Hindi naman natin sila masisisi kung bakit ganuon na lamang sila kung mag-isip, kung bakit ganun na lamang nila pangunahan ang mga bagay na di pa nang yayari o mangyayari pa lamang. Hindi naman kasi tayo pare-pareho ng personalidad, hindi naman kasi tayo ang makakaramdam ng sakit sa bandang huli at hindi tayo ang nakakaramdam ng takot. Takot na sumisira sa ating diskarte. Naguguluhan ka na ba kung anu ba talaga ang pinu-punto ko? Gusto ko lamang maging makatarungan ang posteng ito sa bawat mambabasa.

Ang ganang akin lamang, hindi naman natin kontrolado ang bawat pangyayari sa ating buhay, lalo na ang mga taong ating nakikilala sa araw-araw. Dahil ang totoo, lahat naman ng tao sasaktan tayo, kailangan lamang nating humanap ng isang karapat-dapat para sa ating mga pasakit. Kaya kung may dumating na pagkakataon sa ating buhay, subukan nating pakinggan ang ating mga puso at subukang intindihin ang bawat tinitibok nito. Kung hindi man magbunga ng maganda sa bandang huli, huwag mong pag-sisihan. Masasabihan ka naman ng “at least you’ve tried =)”

Ipagpatuloy ang buhay, gawin ang mga nakagawian na. Gumawa ka man ng mga pagbabago, siguraduhin mong makakatulong ito para sa ikauunlad ng iyong pagkatao.


[Gusto ko lamang magkaroon ng pansalamantalang pormal na pamamaalam. Lagi na lamang kasi akong nawawala ng walang pasabi. At least ngayon, me pasabi na. hehehe. Nahihiya na kasi ako meron parin naman ako ng ganun, kala niyo sa mga komentong hindi ko natutugunan. Sa mga nagkomento sa mga poste ko’ng emo. Maraming Salamat ng marami? hahaha. Hindi ko alam kung hanggang kailan, pero sana sag’let lang itong pag iinarteng nararamdaman ko. Hindi naman pag iinarte talaga eh, pag iinarte lang. hahaha. Sa mga naging kaibigan ko, naging mabuting kaigiban, naging matalik na kaibigan, naging boypren, gelpren, nakaharutan, nakalandian at sa lahat ng mga nakapalitan ko ng makukulit ng komento. Maraming Salamat sa inyo, madami akong natutunan sa inyo,lalo na sa mga poste niyo at mga payo, maraming salamat. Hindi na ako magbabanggit pa ng pangalan, kung natamaan ka ikaw yun! Tama ikaw! Aylabyu! hahaha. At sa mga hindi naman, Maraming Salamat parin, sa pagbisita at pag-babasa ng mga paskil sa aking munting Bahay-Cubo. Gusto ko sa aking pagbabalik ‘di na ako mabansagang “Prinsipe ng Drama” o ng mga “Emo”. Gusto ko ibang chebiii ang masaksihan niyo, hindi yung puro na lang emo. Senyong lahat, Maraming Salamat! Mag-iingat lage at Patnubayan nawa tayo lahat ng Maykapal! /wink]

20 thoughts on “Sakbong…

      • Maraming Salamat Ate.. nakakatuwa naman, bago ako mag out sa shift ko, me nakapag koment! na pers blood mo Ate! hehehe. Baka hindi na ako maka reply sa susunod. Binisita ko lang, I miss you too Ate Salbe! I miss you all!

        Ingat kayo lage at Godbless!

        P.S. At least me pormal na pamamaalam na ngayon. /wink. Ingat ka Ate!

  1. kung pormal kang aalis,paalam kaibigan.

    hangad naming lahat ang kapayapaan at saya sa mga bagong daan na tatahakin mo.

    hindi madaling maging ama.mas mahirap ang responsibilidad na naghihintay sayo.ikaw ang magiging tanggulan ng iyong mag ina.joke lang.hahaha!

    ingat men…pag pormal kang nagbalik…kalabitin mo na lang ako.alam mo kung saan ako matatagpuan.

  2. Naku Chevs ang tagal kong hinintay itong bagong poste…pero isa palang pamamaalam. Sana isang pagmumuni-muni lang ang iyong gagawin at patuloy na makamit ang pagmamahal at kapayapaan(sabi rin ni Duking) sa iyong puso. Naandito lang kami at maghihintay at nanalangin sa iyong pagbabalik.

    Ingat lagi & God Bless!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s