Uno

Dukot sa bulsa, labas ng lighter, sindi ng sigarilyo. Si Tonyo, ordinaryong mag-aaral sa kolehiyo, laking probinsiya, nakipag-sapalaran sa Maynila para matisod ang magandang kinabukasan. Kasalukuyang nag-aaral si Tonyo sa PUP (Polytechnic University of the Philippines), estyudante sa umaga, empleyado sa gabi. Hindi sapat ang pinapadala ng kaniyang mga magulang para matustusan ang kaniyang pag-aaral. Kung kaya’t namasukan siya bilang service crew sa isang restaurant malapit sa boarding house kung saan siya pansamantalang nanunuluyan.

Sa tatlong taong pamamalagi ni Tonyo sa Maynila, marami na siyang nakilala, naging kaibigan, ang iba’y naging kaaway. Marami narin siyang naging karanasan, trobol, babae, bisyo, nadukutan o di kaya nama’y napag-tritripan. Sa kabila ng mga iyan, hindi naman niya napabayaan ang kaniyang pag-aaral. Ni minsan ay hindi siya lumagapak sa klase, ngunit kung minsan din nale-late dahil sa trabaho o di kaya’y absent. Sa katanuyan isa siya sa mga pinagpipilian na makatanggap ng “Graduation with Distinction” sa kaniyang nalalapit na pagtatapos sa susunod na taon. Ginagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya, lahat ng sakripisyo upang hindi biguin ang kaniyang mga magulang at nang dumating naman ang araw na maipagmamalaki din siya ng mga ito at masabing “Anak namin yan!”.

Isang gabi habang nag-lalakad pauwi si Tonyo galing sa trabaho. Napansin niyang parang may sumusunod sa kaniya. Binilisan niya ang paglalakad, walang anu-ano’y biglang may tumapik sa kaniyang balikat at sinabing “Holdap to!, akin nang pag-ibig mo!” saba’y tawa.

Ana: Bilis mo maglakad ah!Hanep puwede ka na sa marathon! Hahaha! (hingal)

Tonyo: Gagu! Tinakot mo ‘ko! Ang lakas din ng trip mo eh no?!

Ana: Hahah. Kinabahan ka no? Hiningal ako dun ah, nagutom tuloy ako.. Tara kain tayo!

Tonyo: Sige tara! libre mo? (sabay ngisi)

Ana: Ulul! ‘kaw ‘tong me trabaho ako pa manlilibre, ‘kaw ah!

Tonyo: Ay! me assignment pa pala ako, kita na lang tayo bukas ah?! (sabay tawa)

Ana: Alam mo, ikaw lang ang tanging lalaking kilala ko na sintigas ng bato sa sobrang kuripot! ‘lika na nga ako na taya.

Tonyo: Yahooo! Bibigay ka rin eh, pakipot ka pa. Hahaha.

Ana: Gagu!

Matalik na magkaibigan sina Tonyo at Ana. Buhat ng lumipat si Tonyo sa boarding house kung ‘san nanu-nuluyan si Ana, ay naging magkaibigan na sila. Daig pa nila ang mga bata, para silang mga aso’t pusa kung mag-asaran, at kung minsan nama’y daig pa ang mag-siyota kung magharutan.’Di tulad ni Tonyo, mas maginhawa ang naging pamumuhay ni Ana. Hindi niya iniisip ang pambayad ng kaniyang renta, tuition o mga ibang bayarin sa eskuwela. Kaya madalas sa tuwing lumalabas ang dalawa si Ana ang laging taya pagdating sa kainan. Minsan din kapag kapos si Tonyo at sasapit na ang araw ng pagbabayad ng renta, si Ana na rin ang nagbabayad ng renta ni Tonyo. Madalas din silang mag-kausap sa cellphone, sa text, daig pa nila ang nag-cacall center. Madalas ding dumaan si Ana sa resto kung saan nagtratrabaho si Tonyo, at minsan nama’y sumusundo si Tonyo kay Ana pagkatapos ng eskuwela. Kaya hindi maiwasan na mag-isip ang mga tao sa paligid nila, lalo na ang iba nilang mga kaibigan na may relasyon ang dalawa.

Minsang nagtext si Ana kay Tonyo at nagya-yaya itong uminom.

(text ni)Ana: Tara shot tayo!

(text ni)Tonyo: Hoy! Adik! problema mo?!

(text ni)Ana: Wala, kung ayaw mo di wag!

(text ni)
Tonyo: Sige, sige, relax ka lang diyan ok? Pagkatapos ng shift ko uwe na ‘ko kagad.

Hindi na nakatanggap ng reply si Tonyo pagkatapos nun. Natapos ang trabaho’t umuwi na siya kagad. Pumasok siya sa kuwarto ni Ana at nadatnan na niya itong umiinom mag-isa ng “always open. The Bar!” na strawberry flavor. Nilapag nito ang bag sa sahig at umupo sa tabi ni Ana. Habang nakasandal sa double-deck na kama sa loob ng kuwarto, napansin niya ang isang basyo ng bote ng alak na nakatumba sa sahig. Alam na niya na marami nang nainom ang kaibigan. Kaya kinuha nito ang basong tangan-tangan ni Ana’t binuhusan ng alak ang baso hangang sa makalahati ito, sabay tagay.

Tonyo: Ba’t ka naglalasing me problema ba?

Ana: Ba’t ba ang manhid-manhid niya? Hindi ba niya alam na mahal na mahal ko siya? (palasing na sabi ni Ana)

Tonyo: Ano ba pinagsasabi mo?! Binasted ka no? Hahaha (pangsusutil ni Tonyo)

Ana: Gagu! Pare, panget ba ako? (palasing na sabi ni Ana habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Tonyo)

Tonyo: Hmmmn,ewan. Napagtitiyagaan pa naman kita kahit papano. (sabay tawa) Alam mo, itulog mo na yan. Masyadu nang marami nainom mo. Bukas mawawala din yan.

Ana: Ang gagu mo talaga kausap! Umalis ka na nga! Shooo!

Niligpit na ni Tonyo ang mga bote, nilgay sa mesa ang baso at inihiga na sa kama si Ana. Paalis na si Tonyo ng bigla itong hinawakan ni Ana sa kamay.

Ana: San ka pupunta? Aalis ka na? (malungkot at malamyang boses)

Tonyo: Oo, pina-paalis mo na ‘ko diba? Bukas na lang tayo magkita. Bangag ka kasi, mahirap na baka kung anu pa maisipan ko reypin pa kita. (sabay tawa)

Ana: Gagu…. dito ka lang. Dito ka na matulog, samahan mo ako… (malamyang pakiusap niya)

Tonyo: Are you blurred?! alam mo namang hindi puwede yun! Edi binungangaan nanaman ako ni Ate Linda niyan. Sige na. Itulog mo na yan.. Check na lang kita bukas ng umaga bago ako pumasok. Tulog na ha!

Ramdam ni Tonyo na me pinagdadaanan ang kaniyang kaibigan, ramdam niya ang lungkot sa boses at sa mga mata nito. Aktong bibitiw na si Tonyo nang biglang humigpit ang paghawak ni Ana sa kamay nito.

Ana: Dito ka lang…. please….. (pagmamaka-awa niya)

Halata sa boses at kinikilos ni Ana na lasing ito at wala na ring nagawa si Tonyo kundi ang samahan ang kaibigan.

Tonyo: Ok, sige na nga. Bahala na diyan! O’ siya, sige na, dito lang ako.

Ana: Halika dito…. tabihan mo ‘ko…. (pakiusap na me halong antok)

Tonyo: mmmmm! Sige na, umusod ka dun..

Tonyo: Konti pa, wala akong mapuwestuhan oh, laki laki kasi ng puwet eh! (sabay tapik sa puwet ni Ana)

Nakatihayang humiga si Tonyo sa tabi ni Ana, habang si Ana naman ay nakatalikod sa kaniya habang yakap-yakap ang maliit na unan’g kulay pink na regalo ni Tonyo nung birthday niya.

Madilim at tahimik ang silid, nararamadaman ni Tonyo ang antok ngunit kahit anung pilit niya’y hindi siya makatulog. Dalawampung minuto na ang nakalipas ngunit gising parin ito, hanggang sa..

Ana: Tonyo, nilalamig ako….

Tonyo: Gusto mo patayin ko yung electric fan?

Ana: Hindi…. yakapin mo ako…

Tonyo: Ha??! O…. o- -sige…

Tumagilid si Tonyo ng higa paharap sa likod ni Ana, at niyakap niya ito. Humawak ng mahigpit si Ana sa kamay ni Tonyo. Hindi maintindihan ni Tonyo ang kaniyang nararamdaman, pakiramdam niya’y parang ito ang unang beses siyang sisiping sa isang babae. Mabilis ang tibok ng puso ni Tonyo, ganun din ang dalaga. Pati pag-hinga ng dalawa ay biglang lumalim. Isang boses ang bumasag sa katahimikan ng silid..

Ana: Tonyo….

Tonyo: mmmmm… (pa-antok na sabi)

Ana: Mahal mo ba ako?

Tonyo: Huh?? san mo naman pinag-kukuha yang mga tanong mo?!

Ana: Basta, sagutin mo na lang….

Tonyo: Siempre naman….. – – – Hindi (sabay tawa)

Ana: Ang tino mo talaga kausap kahit kelan, seryoso na kasi…. ano?

Tonyo: Siempre naman, kaibigan kita eh…

Tonyo:
Bakit ba? anong meron dun?

Ana:
Wala lang, big lang pumasok sa isip ko..

Tonyo:
Asus… kunwari pa ‘to! Aminin mo na kasi, me crush ka sa’ken noh? (sabay tawa) Siguro minsan, pinag-nanasahan mo ko? Hahaha

Ana: Ulul! Gagu! ‘di noh! kapal ng peslak neto!

Tonyo:
HAHAHA! Uyyyyy… hahahaha!

…………..

Ana:
Madalas kasi ako tanungin ng mga kaklase ko kung boyfriend ba kita, madalas kasi nila tayo makitang magkasama..

Natahimik si Tonyo nang marinig niya iyon kay Ana. Alam niya na me gustong ipahiwatig si Ana sa mga tanong niya. Hindi siya manhid para hindi niya iyon maramdaman, subalit nililigaw lamang ni Tonyo ang usapan sa pamamagitan ng mga pabiro niyang sagot. Alam niya sa loob-loob niya na may lihim din siyang nararamdaman para kay Ana. Subalit pilit niya itong tinatago’t nilalabanan. Dahil alam niyang hindi iyon makakabuti sa kung anung meron sila sa kasalukuyan.

Ana:
Huy!

Tonyo:
Oh…?

Ana: Natahimik ka diyan?

Tonyo:
Ahhh.. hehehe. wala… yaan mo yung mga yun, inggit lang sila kasi guwapo yung bespren mo.. (sabay tawa)

Tonyo:
Tara tulog na tayo… maaga pa pasok ko bukas..

Natigil ang usapan nang dalawa, mas lalong humigpit ang yakap ni Tonyo at sumubsob sa likuran ni Ana. Kinabukasan gumising si Ana, napansin niyang wala na si Tonyo sa tabi niya.

Ana:
Bastos talaga yun! ‘di man lang nag-paalam (bulong niya sa kaniyang sarili)

Marahang bumaba si Ana sa kama dahil me hangover pa siya sa ininom niyang alak kagabi. Habang pababa sa kama si Ana, me nakapa siyang isang maliit na papel sa ilalim ng unan na hinigaan ni Tonyo. Isang maikling liham para sa kaniya.

“Pasensya ka na kung hindi na kita ginising bago ako umalis. Himbing kasi ng tulog mo, naka-nganga ka pa. hahaha. Tungkol dun sa tanong mo kagabi, alam mo na kung anu sagot dun. Sa tinagal-tagal ba naman nating magkasama eh imposibleng hindi mo maramdaman yun. Huwag ka nang mag-lalasing ulet ha? Hindi mo bagay, hehehe. Basta lagi lang akong nandito ha, kaw pa! eh labs kita! Naka naman daw yun oh! O’ siya sige na, wala nang espasyo eh. Hindi dahil pinili kong maging kaibigan mo, ibig sabihin nun hindi na kita mahal. Pinili ko lang kung san tayo mas tatagal. Mahal kita sa paraang alam ko, at patuloy kitang mamahalin sa paraang tanging ako lamang ang nakakaalam…– Tonyo”

Pumatak ang mga luhang may ngiti. Nabasa ang papel, kumalat ang tinta subalit ang nilalaman nito… kailanma’y hindi mawawala….

46 thoughts on “Uno

  1. Huh? Anyare? Sila ba o hindi? Mga lalake talaga ang labo kausap. Bakit kasi pinipigilan ang damdamin? Sinasayang nila ang pag-ibig (hahahah linya lagi yan ni Kuhrach).

    • Hello Ate Salbe!

      Ewan, hindi ko alam. Hehehe. Nag-abroad na ata si Lalaki. Hahaha. Me kaniya-kaniya kasi silang dahilan Ate. Maraming Salamat sa pagdalaw Ingat at Godbless!

  2. hahaha, second base. nakarelate ako lalo na yun linyang “Hindi dahil pinili kong maging kaibigan mo, ibig sabihin nun hindi na kita mahal. Pinili ko lang kung san tayo mas tatagal.” Ganyan na ganyan ang sinabi ng bestfriend ko skin dati. sapul ako doon. mahal ko yung bhez kong yun. Ngayon were bestfriends. Baliktad lang ang nangyari ang bhez kong babae ang nagsabi sakin noon.

      • ayeee..kumadre baka pwede na si Chevy tutal kinukuha na rin nya akong ninong…wahahahaha

        magandang umaga sa inyo!!!

      • haha! kumpadre, baka naman may iba ka ng kumare jan kay chevy at makasuhan pa tayo ..clear ba background nyan ? (interesado talaga e) hahaha ! wag ganun hahaha

      • isang tanong lang ha! baka may tumutol pa .. *shotgun wedding to* hahaha !
        ngaun na natin simulan hanggat wala pa si chevy baka kasi yan mismo ang tumutol eh . haha !

      • hahahaha ! nakakatawa to, abalang abala ako tapos un bibiktimahin natin walang ka-alam alam hahah !
        kukumpletuhin muna natin ang entourage tapos saka natin ipaalam kay chevy sabihin natin may eyebol lang magsuot sya ng barong hahaha

      • sige, sige survey ko muna sa mga bloggers kung sino ang may pinaka mataas na income para naman sulit un kukunin naming ninong at ninang haha !

      • hahaha! sasabihin ko nga sana sayo kumpadre kanina na gawa na tayo ng page dito eh . hahaha . tagal kasi nun may ari nito e hahaha

  3. Hindi dahil pinili kong maging kaibigan mo, ibig sabihin nun hindi na kita mahal. Pinili ko lang kung san tayo mas tatagal. Mahal kita sa paraang alam ko, at patuloy kitang mamahalin sa paraang tanging ako lamang ang nakakaalam…– tamaaaaa! (may tono un, un sa radyo hahaha !)

    nun sinabi nya un sakin natawa ko . kasi tama sya .. oo nga naman , (sasali pa ko d naman ako si ana) hahah ! gusto ko din ng bestfrend! libre yakap hahahaha !

    galing galing ng bata a^^ kahanga-hanga isa pa dali! un parang pang pocketbook naman un babae mahirap lang pero makinis ang balat, may mapupulang labi at parang nililok ang korte ng muka at katawan hahahah !

    an saya neto nakakakilig haha

    • Anong tono naman yun kapatid? Hahaha. Ay ganun, me nagsabe din sa’yo nun. Match talaga kayo ni Kyut! hahaha. Puwede ka pang sumali sa “puwede pa kami portion” samahan mo si Ana. Hehehe.

      Mukhang kilig na kilig ka ah. hahaha. Uyyyy. Hindi ko alam eh, try ko ulet.. Alam mo bang 6 na araw na naka pondo yung unang paragraph. Tinapos ko yung buong istorya magmula nang umupo ako dito sa harapan ng monitor ng ala sais hanggang alas onse. Hehehe. Pero salamat parin at na-apreciate mo.

      Balik ka ulet! Ingat at Godbless!

      • naman ! lagi naman ako nagccheck kung may bagong post ang mga nasa link ko 🙂
        hahaha .. wag ka ng gumaya ka kuya jkul adeek! hahaha

        pede bang ako nalang si ana ? gusto ko ksi ng best friend tapos yakap din ako. hahahah . tapos lasing kunwari hahaha 😀 pero gusto ko ako nililibre, kasi ako un mahirap e

    • Hello Nikka!

      Kamusta na? Ako ok lang, ganun parin. Hehehe. Buti naman at nadaan ka dito ulet. Hahaha. Oo nga eh, puma-paketbuk! hahaha. Ba’t ka napa-haaaaaaaays?? Ingat ka lage at GOdbless!

  4. habang nakahiga katabi si anna,napansin nya ang poster ni robin padilla sa dingding ng bahay.tinitigan nya ang poster.laking gulat n’ya ng biglang nagsalita si robin:

    ‘bago umaksiyon,proteksiyon!’

    nagulantang.winisig ang ulo.nanaginip ba sya?

    muli nyang tinignan ang poster.kumindat si robin.

    nice story.nice post!

  5. taraaay! hahaha. 🙂

    pwede ka ng story teller. malinaw ang pagkakakwento. nakangiti ako habang binabasa ang akda mo at nakangiti pa din ako hanggang ngayon. Naisip ko tuloy na inlab ka. hahaha. 🙂

    mali yung ganun. wala dapat gitna, kayo o hindi kayo.yun lang. haha. kung kaibigan, kaibigan lang. wala lang, hehe.

    nice post. 🙂

    • Hello Manang!

      Naks! Parang si Maricel Soriano lang ah *taray* Hehehe. Puwede na ba? malinaw ba? ewan ko, ganiyan ba talaga gumawa ng isang..hmmnnn, kuwento? pa’no ba yung malabo? hahaha. Mabuti naman at napangiti ka ng istorya nila Tonyo at Ana. Hahaha. Hmmmnn, piksyon lang yan. Pinaghalo-halong kuwento ng mga kaibigan. Tapos dinagdagan na lang ng emosyon ng sumulat. Hahaha.

      Ganun ba yun, eh sa me ganun talaga eh. Dibale magkaibigan paren naman sila.

      Maraming Salamat Manang!

      balik ka ulet! Ingat at GOdbless!

  6. Ganyan talaga si Tonyo! Naging klasmeyt ko yan sa PUP sta. Mesa at katrabaho sa wendy’s centerpoint. LOL

    Sino ba puede mang-holdap sa akin ng pag-ibig ko? Hihintayin kita sa madilim na kanto.

    Chubs Pare, musta na? May reply pala ako sa sulatroniko mo. Pasensya na laging late. :]

  7. May kilig naman ang kuwento mo Chevs. Bigla tuloy nanumbalik yung panahon na istudyante ako. Taman yung sinabi nila ang ganda ng banat mo sa storytelling…sana may susunod pa.

    Ingat lagi & God Bless!

  8. ang ganda nito chevy. ang sweet nilang magsagutan.. pero tama naman kasi.. mas ok kung magkaibigan ibig sabihin mas matagal.. mas konti ang komplikasyon..

    you want to keep your girl for a long time without any complications, befriend with her. treasure her. 🙂

  9. parang nakarelate ako dito sa labs story mo…ayeeeeh..

    pero ibang kwento nman ung saken pero bespren ko din sya…hahahaha

    may post ako kung ano pipiliin mo kung Love or Friendship…and i did similar to what Tonyo’s did to Ana…. 🙂

  10. Hindi talaga tumigas ang titi ni bff? Naku naman. Nagpaparamdam na nga yong girl eh.

    Naku naman.

    May sakit lang.

    Naku naman.

    Tama, kahit anong gawin mong pagpipilit kung hindi ukol walang bukol.

    Kung pinagana ang libog diyan, tiyak may nasarapan sa tagpo pero mabuti na lang si tonyo, torpeng bff..hindi..lalakeng totoo.

    Nagsalsal na lang? Ewan.

  11. aww..,

    okay..

    akala mo binola lang kita sa mukha mo ng mga panahong yun?
    kahit mas pinili mo sa Tonyo, hindi ako katulad nya noh..
    di ako natatakot kung di man magwork yung tayo, at least nag try..,
    akala mo ba di kita namimiss sa mga gabing katulad ngayon?.. adik!!

    adik na reply..

    magulo ako eh..
    kung akala mong di kita miss.. adik ka rin!!

    😦

  12. hmmmm, na-enjoy kong basahin..hahaha

    naku naman, lahat naman yata pinag-daanan yang friendship vs. love na situation…
    at madalas friendship ang pipiliin..may tamang panahon ang lahat, pag hindi pa wag na wag subukang pasukin..mahirap ang komplikasyon.

  13. me tama ung sinabi ng lalaki na hanggang kaibigan nalang sila.
    di dahil kaibigang matalik at kilala naten ang tao ay sapat ng batayan upang isiping angkop sila para sa ibang bahagi ng ating buhay.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s