Ang Pagpatak ng Kamalayang Malaya

Luha ay ang lumalabas na likido mula sa glandula ng luha. Dumadaloy itong pababa habang nasa ibabaw ng mata o buliga (buong mata), na nagdurulot ng pamamasa ng mata, at dumadaloy din sa talukap ng mata. Ayon kay Kumpareng Wiki ang naturang depinisyon na iyan. Subalit yan nga ba talaga ang tunay na depinisyon ng salitang “luha”? Maaring sa literal oo, pero hindi ba’t emosyon ang dahilan kung bakit tayo lumuluha? Emosyon na nagpapabago-bago na gaya ng panahon…

Maging ang pag-luha ay may kaniya-kaniya ding klasipikasyon. May luhang tinatawag nilang mababaw lamang, meron din naman yung luhang may malalim na pinanggagalingan. Merong galing sa labis na kagalakan at meron din namang dulot ng hinagpis at kapighatian. Maraming kaganapan din sa ating buhay ang maaring maging sanhi nito, break-up ng magsyota, pagkadapa dahil sa katangahan, pagkanakaw ng di pa nanababayarang cellphone, pagkasipa sa trabaho, pagkapanalo sa sweepstakes o dikaya nama’y pagka-wala ng mahal sa buhay. Bawat detalye, kurba at pangyayari ay may kontribusyon kung bakit tayo lumuluha.

May kaniya-kaniya mang klasipikasyon, dahilan at pinanghuhugutan ang ating pag-luha. Iisa lamang ang ibig sabihin nito, ang pag-luha ay karapatan ng bawat nilalang. Karapatan natin ito buhat ng tayo ay isilang sa mundo. Walang makaka-agaw, walang sino man ang maaring pumigil. Malaya tayong ilabas ang ating emosyon, kalungkutan man yan o kasiyahan. Malaya tayong ilabas ang ating mga saloobin na nagpapabigat ng ating nararamdaman. Malaya tayo, gaya ng mga ibon sa papawirin, gaya ng mga isda sa karagatan at gaya ng pagtakbo ng usa sa kakahuyan.

Luha man ay may sariling kamalayan at kalayaan.
Pagluhang may kamalayan, malayang pagluha,
banayad na aagos at mag-nining ning ng kusa.

103 thoughts on “Ang Pagpatak ng Kamalayang Malaya

      • Parehong disyerto… pero + / – ng isang oras. Hahaha… di ko sigurado. 😀

        Sumaglit lang… Nyahaha. Nagsusulat din kasi ako eh… Makikigulo lang sa pasiklaban. 😉

      • Ahh ganun ba. Nagkita na ba kayo ni Kuya Pong? hehehe..

        Sige, ayos yan.. para mabasa ko naman yung sa’yo. Hehehe

        Ingat lage at Godbless!

        Balik ka ulit!;)

    • Walang Anuman yun Kuya Jkul baby ko. Hahaha. Ikaw pa eh mas malakas ka pa sa signal ng Glowb. Nyahahaha..

      Pagpasensyahan mo na lamang ang aking gawa, pinilit ko naman talagang ilapit sa iyong tema, subalit yan lang talaga ang napiga ng jutak ko. hehehe..

      Magandang Gabi naman!

      Balik ka ha..

      • Magandang umaga, hindi ako babalik dahil ang aking puso ay dito nakatira sa bahay mo, huwag mo lamang paluhain, magtatagal ito.

        baby, baby..

      • baby… baby.. ohhh!! Justin Bieber kaw ba yan? Hehehe.

        Nakanaman Kuya Jkul baby ko. Hehehe. Pipilitin kong hindi pumatak ang luha ng pasakit mula sa iyong mga mata. Magtagal ka lamang sa piling ko, kahit kapali’t nito’y luha ng pagdurusa….

        Magandang Gabi!

  1. agilaya! wala na talaga.
    wala na akong lakas ng loob na ipost ang entry ko.
    magmumukha akong elementary sa mga likha niyo.

    kaasar!

    di ko pa binabasa pero anakngtokwa!
    waaaah!

    babalik ulit dito. medyo busy lang ng kunti. kunti lang naman. hakhak!

    apir!

  2. Ayos Chevy-loo. Nagsulat ka tungkol sa luha pero hindi nakakaiyak ang entry mo. Apir tayo dyan! Pero may hindi ka nasabi tungkol sa luha, bat maalat ang luha? Hekspleyn!

    • Vajal, basically, tears are salty because people are salty! That might sound like a
      silly answer, but it is the true answer. All cells in the body have a certain
      amount of salt in them (called osmolarity). The liquids surrounding the cell
      have the same amount of salt (called isotonic). If the liquid had more salt,
      water would rush out of the cells the cell would shrivel up. If the liquid had
      less salt, like pure water, the water would rush into the cell and the cell
      would pop. So you see, it is imporant that body fluids have just the right
      amount of salt, including tears!
      source

      pampam lng hnd nasagot c cheverloo eh naunahan ko xa mag research… 😆 ganda ng entry. swak. 😉

    • @Vajarl – Hello Badge! hahaha. Buti naman at napadpad kang muli dito sa aking bahay-cubo. Nyahahaha. Hindi ko kasi, mailalapit ng mabuti sa tema ni Kuya Jkul kung gagawin kong madamdamin ang entry kong ito. Yung sa’yo asan na?

      Yung tanung mo nisagot na ni Ate Sows, pero gusto ko parin ibigay sagot ko. Dahil ito’y humahalo sa sipon. Kaya maalat! hahaha

      @Ate Sows – Maraming Salamat at kayo na ang sumagot sa tanong ni Badgee! Hindi na ako nahirapan sa pag rere-search.Hahaha. Alam ko me entry rin kayo, babasahin ko rin yun at mag-iiwan ng komento. Kaso medyo busy-busyhan dito sa opis. Balik ka teh ha..? hehehe

      Ingat at Godbless!

      • Nako Chevy-loo di ako sasali eh. Haha. Inaasar ko si Lolo. Behlaaat,

        @Sows huwaaaaw. nag research! Ako tamad ako. Iniwan ko sya as a question at di na naghanap ng sagot. haha.

      • Naku rin Badgee! Alam mo, magagalak ako kapag nakabasa ako ng poste mong purong tagalog na patungkol sa kamalayang malaya. Hahaha.

        Nga pala nibasa mo na ba yung sagot ko dun sa tanong mo?

        @Ate Sows – ako rin teh ha, add kita bilang isa sa mga hawsmate-kaibigan ko. Maraming Salamat!

        Ingat lage at Godbless!

      • @Chevy-loo EWWWW hambabuy natikman ko pa naman luha ko may siponsters pala! Kaderdurr. Haha

        @Sows ha? Ano yun? Saan? Inosente ako! Nooooo! Haha. :p

      • Nyahaha. Ngayon alam mo na kung bakit maalat-alat ang Luha Badgee??!! hahaha. Susubukan mo ba muling tikman ang luha mo?

        Maraming Salamat sa Muling Pagdaan!

        Ingat at Godbless!

  3. hi. chevy, musta? tungkol sa luha ang iyong lahok. ang luha na may ibat ibang kahulugan at pinag muhal. maaari kang lumuha ng dahil sa lungkot, pait, gulat at saya.

    basta laging tanda pagkatapos ng luha ay may panibagong pag-asa. wag kalimutang ngumiti at mag pasalamat.

    huh! ang gulo ko. nakigulo lang ako. salamat sa espasyo at pag sali sa paligsahan.

    • Hi Ate Echos!

      Ok lang ako teh, ikaw ba? Hehehe. Akshuli hindi lamang sa luha naka pokus ang poste kong ito. Ginamit ko lamang itong medium para maiparating ko ang aking ideya at mailapit sa tema ni Kuya Jkul. Maari ring i-apply ito sa pagsusulat ng entry, pag-gawa ng desisyon o mga hakbang na gagawin sa hinaharap.

      Pero tama ka teh, sa bawat pag-luha ay may naghihintay na pag-asa; wak kalimutang ngumiti at magpasalamat. Hehehe

      Gulo din no? hahaha. Sige makirambol tayo!

      Ingat at Godbless!

      Balik-balik!

  4. O, nga bat maalat ang luha? maresearch nga yan maya:-)

    kailangan mong lumuha sa bawat emosyon mo para hindi ka malunod at makahinga ka ng maluwag ito marahil ang pumipigil sa daluyan ng hangin para makahinga kaya dapat maluha ka 🙂

    Alam kong madami daming luha ang pumatak sayo nitong mga nakakaraan at sa bawat luha na at pighati mo pasalamat ka sa luha na yan dahil sa tulong nya na makahinga ka:-)

    • Hello Ate Ko!

      Buti naman at nadalaw kang muli dito sa aking bahay-cubo. Hehehe. Hindi na purong luha yun teh, me halo na yun. Nyahahaha. Natikman mo na rin ba? hahahah. Adik lang.

      Tama ka Ate, nakaktulong talaga ang pag-luha lalo na sa mga taong me mabigat na dinaramdam. Kung maari ko nga lang sanang idag-dag yung mga komento niyo. Dun sa entry ko eh. Gagawin ko, hahaha. Kaso kaniya-kaniyang piga ng katas ng utak ito, problema nga lang.. kinapos yung aken. hehehe..

      Ingat lage at Godbless!

      Hanggang sa Muli!

  5. yehey chevs
    kungarats sa entry mo naman!

    masarap lumuha, yung totoong luha,

    Mabuhay ka! Be blessed!

    at masarap lumuha kung may tagapunas nito.

    • Yehey Kuya Pong! Nandito ka na ulit! Tuloy-tuloy lang ikaw ah… hehehe
      Kungrats kasi, nakagawa din ng entry sa wakas. hehehe

      Ou, masarap talaga i-luha ang matatawag na tunay. Kusa ang pag-agos, kusa ang pag-ning ning.

      Namatay ba ako Kuya? hmmmnn.. hehehe..

      Uyyy, si Kuya me naalala, inlab ka ba ngayon Kuya? hahaha

      Ingat ka lage at Godbless!

      Balik kang Muli!

  6. hmmm, sa palagay ko di ko na kayang magsulat pagkatapos kung mabasa ang lahat ng entry…haha, baka di na original ang lalabas..pero susubukan ko parin hanggang 28.

    • Hello Ate Ani!

      Yan din ang nai-isip ko nuong una. Pero nangibabaw parin ang masidhing damdamin na magkaroon ng partisipasyon sa pasikalaban nang naging una kong karanasa ko dito sa buladas. Hehehe

      Mag-hihintay kame para sa poste mong iyon Ate! at sana naman, mai-sigaw ko rin ang “Base!” sa kuta mo. Nyahaha..

      Ingat at Godbless!

      Balik-balik!

    • shaks! si Jason.. ayun oh! Nyahaha..

      Matalinghaga ba? Hmmmnn. Puro pinulot ko lang yan ng walang nakakaalam. Nyahaha. Pare-parehong salita lang naman ginagamit ko. Hehehe..

      Mapait ang luha? hmmnn, hahaha. Sipon kasi madalas ko matikman. Nyahaha

      Ingat! Maraming Salamat sa Dalaw!

      Be blessed!

      • hehehe sa totoo lang pag naiyak ako, dumadaaan ang luha sa ilong tapos sa bibig. kaya siguro maalat alat.. pero maalat talaga ang luha.. may something. hahanap hanapin. ahahaha joke.

        😀

  7. sa isang kapuluan na napaliligiran ng tubig-alat…

    napakahirap maunawaan ang kahalagahan ng pagpatak ng luha…

    (tama ba?… nasa disyerto ka rin?) …

    hmn…

    gayunpaman…

    ang pagluha… ay isang option…

    ang pagkilos… yun ay isa pang option…

    … mn… magandang post…

    • Ang kahalagan ng luha ang pinanggagalingan nito. Anu nga ba talaga ang best option?

      Hindi, Ravz.. nandito ako sa ating bayang sinilangan. Ang Pilipinas, hehehe..

      Maraming Salamat sa pagdaan!

      Ingat at Godbless!

    • Nakaman daw yun!

      Maraming Salamat Geylii!

      Balik ka ulet ha! Wak lang yung puro, base ng base, dapat me koment! hahaha
      *awts* – bumalik kasi. hahah

      Ingat at Godbless!

  8. galing chevy!
    hmm bsta ako mdalas lumuluha pag nanunuod ng mga soap opera ko! ahahhah
    gling ng kontest iba iba ang tema ng mga cnulat! 😉

    ikw ano mdlas ang dahlan ng iyong pagluha?

    • Huwaw naman, Scattered naman daw ako sa sinbi mo Kaye! heheh
      Madalas din ako paluhain ng mga Koren Movies na pinapanuod ko, yung mga tragic/sad love stories… Tapos yung Maalaala Mo Kaya. Hahaha.. Sabay na tumutulo luha namin ni Tatay. Nyahaha..

      Maraming Salamat! Balik ka ulit!

      Ingat at GOdbless!

      • waah! adik ka Kaye! pati tuloy ako napaisip! Nyahaha. Onga noh? Anu kaya itsura natin.? hahaha.

        Imagin’in mo, kunwari naka-upo tayong tatlo sa sofa, nakaharap sa tibi. Tapos biglang me tumawag ng atensyon natin. Sabay lingon tayong tatlo, na umiiyak at tumutulo ang sipon dahil sa pinapanuod nating segment ng Maalaala Mo Kaya.

        Nyahaha. Ang kulit lang!

        Have a blessed Week end Guys!

  9. minsan kahit anong pigil natin kapag puno na kusang aagos yan…

    may mga luhang minsan hinahanap mo, luhang dulot ng kagalakan…

    minsan kahit ayaw natin may mga taong pinagbubuhusan ntin ng luha na di naman karapat dapat…

    ano bang sinasabi ko chevyboo hahaha! bsta kapag lumuha tayo may dahilan yan di pwedeng naluha ka lang… 😆

    pero may isang luha akong kinamumuhian… “crocodile tears”
    luhang mapanlinlang 😀

    🙂

    • Tama ka Ate, kahit na anung pigil natin. Maging tayo man, hindi natin mapipigilan yan. Kusang aagos ang luha at bubuhos ang emosyon.

      Teka.. inlababo ka ba Ate? Hehehe. Sa pagkakasambit mo ng ikatlong talata eh, parang meroong nangyaring. Hmmmnn, dibale na nga.. Hehehe

      Tama, mapanlinlang na luha. Pero tao lamang tayo, maari tayong malinlang ng nakikita natin sa panlabas lamang.

      “Ang Pait at Sakit ay mga sangkap upang tuluyang mabuo ang ating pagkatao”

      Salamat sa pagbisita, balik kang muli!

  10. iyak sige iyak na lang ako. hakhak!

    pero bat ganun gusto ko umiyak walang lumalabas na luha.
    takte! robot ata ako ah! hakhak!

    cyborg! beep beep beep! hakhak!

    • Cyborg ka Eloi? Hmmmnn, ayos yan. Gagana ang kinuha mong kurso sa sarili mo.
      Hehehe. Joke lang.

      Bakit naman gustong umiyak ng isang Eloi? Hmmmnn..

      Me pagsasabihan na ba ikaw ng sikat mong linya na.. “aylabyu todo todo walang preno”. Hahaha..

      Ingat at GOdbless!

  11. hello chevy!!! (kaway)

    madami ngang dahilan kung bakit tayo lumuluha sempre isang paraan na rin ito sa paglabas ng ating mga nararamdamang emosyon mapa ligaya man or kasawian….kahit anu man ang dahilan ang pagdaloy nito ay syang magpapatatag sa atin.

    padaan po… makikilink na rin 🙂

    • Hello Kuya Arnie! *kaway-kaway*

      Nagagalak ako’t nabisita mo ako sa aking bahay-cubo. Hehehe.

      Tama ka Kuya, kahit ano pa man ang maging dahilan nang ating pagluha. Sa bandang huli ay, may maganda parin naman itong hatid.

      Nai-add na rin po kita Kuya!

      Ingat at Godbless!

      Balik-baliK! 😉

    • Tama ka diyan Haring “Du”!

      At may luhang hatid ang pagkasundot ng mata ng kalaro sa basketball. Hahaha

      Maraming Salamat!

      Isang karangalan na makarinig ng ganiyan mula sa isang IDOL! haha

      Ingat at GOdbless!

    • Hello Kuya Pong!

      Wala Kuya ko eh, tsaka yung IM na gamit namin dito. Eh pang opis at work related lang. Eto ngang pag-lalagi sa buladas ay puslit lang. Pinagpapasalamat ko na lamang at hindi nila bina-block ang wordpress.com. Hehehe.

      Ok lang po ako Kuya, Ikaw ba?

      Kapag nakapag-net ako sa labas. I-add kita sa contact list ko sa YM.

      Ingat at Be blessed Kuya!

      Happy weekend!

  12. ako sanay na akong lumuha.. pero hindi ko magawang ngumawa.. yung tipong hindi mo namamalayan na tumutulo na pala ang namumuong emosyon dyan sa mata mo. tapos doon mo mapagtatanto na nasasaktan ka pala.

    • Hayaan mo lang na dumaloy ang luha ng kusa at nang kusa ding mawala ang sakit sa pag agos nito.

      Nagagalak naman ako’t nakadalaw ka dito sa aking bahay-cubo!

      Ingat at GOdbless!

      Balik-balik!

  13. ngunit ang luha ko ay kalimitang dulot ng kapighatian.. 😦 sobrang nakakarelate ako sa post mo.. 😥 i love it!

    ok lang ba sa yo na i-add kita sa blog roll ko?

    • Maraming Salamat!

      Pero sana, hindi lang panay kapighatian ang dahilan ng pag-luha. Ang saklap naman nun kapag nagkataon. Hehehe.

      Ako rin, dagdag kita bilang isa sa mga hawsmate-kaibigan ko!

      balik ka ulit!

      Ingat at Godbless!

    • Belated Happy Father’s Day kay Tatay Kuya Jkul baby ko! Wak mo naman nang ipamalita na ikaw ang peyborit ni Tatay.

      Pakibawasan naman ng kamote yung pakbet sa susunod, napapadalas ang utot ko eh. 😀

      Maraming Salamat!

      Ingat at Godbless!

      • Ok po. Konti lang naman ang nilalagay ko ah, kasi alam kong hindi mo masyado gusto ‘yon. Marami pa rin ba? Sige….mag-aaral na talaga akong magluto.

        Bakit ba ang adik ko pagdating sayo baby? Please handle with care

    • Ganun ba Kuya Bert? Hmmmnn, malamang nga siguro dahil maulan na ngayong mga panahong ito.

      Belated Happy Father’s Day ke Erpats!

      Ingat at GOdbless!

      Balik-balik!

    • Sorry.. sorry po.. madalang na kasi akong mag log in dito sa WordPress eh. Pasyal pasyal lang. Na- appoved ko na po at na add na rin kita!ehe.

      Ingat at Godbless!

  14. hi po~thanks sa pagdaan saking munting bahay~~
    aktwali di ko po talga istorya yun yun lng po ai aking nasaksihan ngaun sa ating bansa..sorry naman po kung nadala ikaw sa story pati ako nga rin po eh habang ginawa ko po iyon eh sumasakit dibdib ko hehee..

    anyways, galing din po ng inyong entry simple pero may dating..luha~ako madalas maluha pag nanonood ng mga Korean dramas hehe,,parang alang kabuluhan po ano hee…

    Salamat po sa uulitin~~

    • Hello!

      Oo nga, pati ako nadala sa istorya mo. Hehehe. Galing galing mo naman gumawa ng ganun. Hmmmnn, masubukan nga, madalas kasi kay Kumapreng Yin lang ako nakakabasa ng ganiyan eh. Hahaha..

      Maraming Salamat sa puna at sa pagbisita!

      Lahat ng luha ay makabuluhan….

      Balik ka ulit!

      Ingat at Godbless!

      • Hi~Slamat ulit sa pagbisita saking bahay~
        Hmmm may pinaghuhugutan lang ako sa ngaun kaya ako nakakagawa ng ganung poste nyahaha,,kasi naman yung isa kong blog para lng akong baliw dun kaya gumwa ako kuno ng seryoso mode pero wag ka fiction din pala hehee…

        Mabisita nga ung blog ni Yin n sinasabi mo naintrga tuloy ako hehee..

        nga pala 28 na ako khehehe tanda na noh,,,
        lagay ko link mo sa blogroll ko ha…tnx

  15. wow naman..inspired ka ata chevy..
    Godbless..
    manalo matalo atleast nakasali ka sa patimpalak ni lolo.. isang malaking karangalan na yun..hahaha..
    di ba chevy?
    di ba lo??

    • Hindi naman, ito ay aking kontribusyon sa aking pagiging ganap na tao. Hehehe.

      Tama! Hindi mo na kailanganin pang maghangad ng papremyo, ang ma-apreciate ng mga mambabasa ang iyong likha ay isa ng malaking karangalan at ang makasali sa patimpalak ni Kuya Jkul siempre. hehehe

      Oks ba Kuya Jkul baby ko? hahaha

      Belated Happy Father’s Day ke Erpats Niks!

      Ingat at Godbless!

  16. padaan po..
    great article!
    tama.. malaya tayong lumuha.. ewan ko ba bakit may iba rin ang nagsasabi na kapag umiyak ang mga lalaki eh, bading na ito.. hindi kaya..

    • Oo nga, hindi naman sukatan ng pagkalalaki ang pag-luha. Kay nagkakamali ang taong nag-iisip ng ganun. *dipensa ng isang iyakin* hehehe.

      Maraming Salamat sa pagdaan!

      Me tanong ako, binisita ko kasi bahay mo.. Negosyante ka ba Kuya? Heheheh

  17. padaan…

    kahapon bumaha ng luha kase kala namen di na mabubuksan ung mga blogs namen…. 😦

    buti ok na ngayun…yey!

    magand umaga chevy!!

    apir!

  18. Pre wadyaak la! Abasa ak ed uran, walay tuwalyam??

    Kape! Kape!

    Parang yung sa cartoons pare yung luha ng bida pag may napatakan eh nagmimilagro, kalakip ng luha ang mga pinakamakapangyarihan sa mga emosyon natin. Aketel ak pre, pasensya lad komento’k. Ambetel!

  19. kaibigan,,, kailan ka huling lumuha? hehehe. Dahil kay Jkul, ang lalalim at ang talinghaga nating magsalita ngayon,, hehehe.

    Nakidaan. Naki comment. Nakipag exchange link….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s