Beinte Uno

Biruin mo yun, dalawampu’t isang taon na pala ang lumipas, dalawampu’t isang taong pagiging tao at dalawampu’t isang taong pamamalagi dito sa mundo. Sa tuwing sumasapit ang araw ng aking kapanganakan, parang wala lang, ordinaryong araw lamang para sa akin. Nakakatanggap ng mga mensahe, pabati mula sa mga malalapit na kaibigan at mga mahal sa buhay. Dahil ordirnaryong araw lamang para sa akin ang aking kaarawan. Hindi na ako nag-aabala pang paghandaan ito, kung anung meron sa araw na iyon, yun. Kung wala naman, ayos na rin basta’t nairaos ang buong maghapon.

Kagabi nagkaroon ng kaunting salo-salo dito sa opis. Kaarawan din kasi nang isa kong katrabaho na si NBSB(tampok siya sa aking posteng MU Online Philippines nuong nakaraang Abril 2010). Dahil a-nuwebe ng Hunyo ang araw ng kaniyang kapanganakan at ako nama’y a-diyes. Naisipan kong sabay na lamang naming ganapin ang pagseselebra ng aming kaarawan. Sulit na ang dalang pagkain matipid pa. Hahaha. Kung kaya namang lakarin ang isang lugar, ba’t kailangan pang mag-arkila ng tricycle. Ganun akong klase ng nilalang ng Diyos, praktikal ikanga.

Nakatanggap ako ng mga pabati mula sa aking mga katrabaho, akala ko parang ordinaryong araw lang din. Pero higit pa dun ang aking inaasahan, pinaghandaan din pala nang aking mga katrabahong babae ang aming kaunting pinagsaluhan kagabi.Gumawa sila ng graham at yung isang “green thing” daw tawag dun. Kulay green ito na mala-gelatin na may sahog at may grated cheese sa ibabaw. Pandagdag sa dala naming pancit palabok, rollcake na coated wit caramel at ilang 1.5L na Coke. Gumawa din sila ng iba’t-ibang kulay ng balloon(me partisipasyon din ako dun, isa din ako sa mga naglagay ng hangin sa loob ng balloon) at meron pang pahabang balloon silang ginawa na animo’y manunuod ng laban ng Lakers at Celtics. Go Celtics! Kaya yan, “No we never give up!” ika nga ni Paul Pierce.

Naging maayos, masaya at nakakabusog naman ang aming pinagsaluhan kagabi. Kinaumagahan tuloy parin ang pag-ulan ng mga pabati, meron pa ngang nagsulat ng “Happy Birthday” sa isang papel na idinikit sa salaming nagsisilbing pagitan ng bawat module dito sa opis. Transparent kasi yung salamin kaya nabasa ko yung mensahe. Nakakataba ng puso. 😀 Pauwe na ako nang nakatanggap ako ng tawag mula sa aking matalik na kaibigan na si John Paul at binati ako, nakareceived din ako ng text message mula kay Sanggang Dikit at sa iba ko pang mga kaibigan. Pero walang tatalao sa note na iniwan ni Tatay sa ibabaw ng tibi namen yun ang nagpa-extraordinaryo ng araw na ito! Akshuli, ako original nun, iniwanan ko rin kasi si Tatay ng note nung birthday niya tapos kunwari nagtulug-tulugan ako. Walang originality tsk! Hehehe. Binati rin ako ni kumag(bunso kong kapatid).

Bago matulog nagdasal ako sag’lit at nagpasalamat sa panibagong taon na ibinigay sa akin ng Dakilang Lumikha, humingi ng gabay at kapatawaran, humiling na rin para sakin at para sa aking pamilya. Mula pagka-gising kaninang hapon hanggang kaninang mag aalas-diyes ng gabi me narereive parin akong mga text messages para bumati. Yung pinsan kong babae na si Ate Candy, tumawag, nakausap ko rin sina Ate Ikhay at Ate Claws. Yung ibang mga kaibigan namin ipinaabot yung pabati kay Sanggang Dikit at merong mga hindi ko inaasahang babati sa’kin na bumati. “expect the unexpected” ika nga. At me humabol pa kaninang mga bandang alas onse habang naka break ako, dibale pasok parin naman yun. Hehehe..

Ang kaarawan ay hindi nakukuha sa dami ng bisita’t bonggang handaan. Bagkus, ang malaman mong marami ang nagmamahal at hindi nakakalimo’t… higit pa ito sa pakiramdam ng may litson sa iyong harapan at hamon sa hapag-kainan.

Sa lahat ng bumati at babati pa lamang! Maraming Salamat! Aylabyu all!

Para sa lahat ng may kaarawan ngayon’g buwan ng Hunyo! Happy Birthday to us! Rakenroll! \m/

52 thoughts on “Beinte Uno

  1. TOL!!!

    Una sa lahat hindi ko pa binabasa yung post mo! Haha! Kahapon lang ako nagbalik sa munso ng buladas.

    Anyway, Happy 21st birthday! Sana ako ang nauang mag-greet. Hehe… Base ba ako?

    Miss you ‘tol! Labyu pare! Ingat lague. 😀

    • Uy! Tol! Sa wakas!

      Bago ang lahat, Maligayang Pagbabalik! at nainggit naman daw ako dun sa bahay mo! ambangis kasi! Gustong-gusto ko talaga yung font style Kuya, tapos nasa yellow paper pa. Oha! sosyal! at ang cute ng piktyur! O’yan, ako na me maagang pa bertdey gip sa’yo. Hahaha

      Maraming Salamat! at Ou, base ka! at Dahil diyan! Sa’yo ang unang tagay! Shot! hehehe.

      Miss you too TOl! Labyu too pare! Shaks!

      Ingat ka din lage at Godbless!

      Balik ka ha… 😀

      • Tagay pa!!! Asan na? Asan? LOL

        Sinong Kuya? Magka-edaran lang tayo… hehe. Kaya ko pinalitan yung theme kasi dami nagrereklamo eh. Haha! Ayun oh… salamat at na-appreciate mo. Yay! Cute daw yung picture eh… mukhang ewan nga lang.

        Ay teka, Happy birthday pala… ulit. At Maligayang kaarawan again. Hehe… Ingat lague tol! Labyu ulit Pare! Ahaha! 😉

      • Ahaha! Oh, eto pa. Shot! Kampay! ay, wala na palang yelo. Sag’let at bibili lang ako kay Aling Loleng. Oh, tuloy lang ang shot niyo diyan ha. Basta wak gagawing kanin ang pulutan. Hahaha.

        Ay ganun ba, magkasing-edad lang pala tayo. Nyahahaa. Sorry naman daw Tol.

        Thank you ulit! at Maraming Salamat again! Labyu ulit din Pare! Ingat! hehehe

  2. maligayang kaarawan kuya chevy.

    ang simpleng pabati lang na ula sa mga kaibigan ko at mahal ko sa buhay eh sapat nang regalo sa akin. kahit text lang talaga namang tuwang-tuwa na ako. at isang taon ko ring hindi buburahin ang mga pabati. hakhak! nakakatuwa lang kasi naaalala nila. hakhak!

    bat tatay ko hindi niya ako binabati ng mga notes. gusto ko rin nga ganun. hakhak! kasi sa tawag lang siya. kadaya.

    • Maraming Salamat Eloi!

      Tama, nakakataba ng puso yung ganun. Yung alam mo yun, naalala ka nila, tapos me mga hindi mo pa inaasahan na babati. Kanina nga, dumaan ako sa comp shop bago ako pumasok sa trabaho. Me mga nag post sa wall ko ng mga pabati. Shaks! ang saya! hehehe

      Bakit san ba si Erpats?

      Ingat ka lage at Godbless!

      • dati nasa ibang bansa ngayon naman nasa ibang lugar. trabaho mode eh. hakhak! kaya ganun. hakhak!

        gusto ko rin talaga yang note na yan. matry nga! hakhak!

      • Ganun ba, unawain mo na lamang. Pero puwede mo rin naman i-request. Pahayawan mo nang ‘onti. Hehehe. Alam naman niya siguro yung address niyo. Hehehe

        Try mo magpadala, porshore may balik-sulat yun!

  3. Happy Birthday ChevyBok..,

    .. 21 ka na.., binata na!!

    sa susunod na birthday.. hindi naman natin kailangan ng gift o ano man.. basta masaya sa araw na yun sa piling ng mga mahal sa buhay solve na.

    utang muna yung treat pag uwi ko.. ayan ..dami mo na utang.. =)

    • Maraming Salamat LeeMiBok!

      Dalaga na! hahaha

      Ou tama ka Bok, wala naman yan sa handa o mga natatanggap na regalo. Basta importante hindi sila nakalimot at lagi silang andiyan. Naks!

      Kaya nga, la pa ako nai-pundar baon na ako sa utang. Hahahaa

      Ingat ka lage Bok at Godbless!

      Balik ka ulit ha…

  4. wow. debut mo pala. happy birthday! 🙂

    isa lang masasbi ko, go magic! hahahaha. (lakers ako kasi tinalo ng celtics ang cavs at magic, amp. hahaha)

    anyways, be blessed. All the best! 🙂

    • Maraming Salamat Manang!

      Wala na, tinambakan sila ng Celtics! hahaha. Sayang si Howard tsaka si boi stepping up (Jebron)! tsk! 😀

      Ingat ka lage! Godbless you and your family as well.

  5. Dalawampu’t isang taos-pusong pagbati sa pagdiriwang ng iyong kaarawan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ipagpatuloy ang pagiging huwaran at masigasig na manunulat sa blogosperyo! Mabuhay ka, kaibigan!

    • Dalawampu’t Isang taos-pusong Pasasalamat naman sa’yo Kuya at sa iba pang mga bumati sa’ken!

      Masigasig na manunulat na lang, wak na yung huwaran. Tumatayo balahibo ko eh. Dapat maging mabuting modelo. Anu ako Globo? nyahaha. Joke lang Kuya.

      Maraming Salamat Ulit!

      Ingat at Godbless!

  6. uyy belated chevy! debu mo nah!ahahaha.. tama ka jan, wla naman sa dami ng handa ang ikksaya sayong kaarawan pero ung dami ng makakaalala nito. ang sarp ng filing ng mapupuno ng bati ang inbox mo sa cp db?ehehehe..

    fav q yang cake na caramel.namimiz q ng kainin yan:(

    • Annyeong Haseyo Kaye Abad! hahaha

      Maraming Salamat sa Pabati! Kaya nga, ganap na dalaga na! hahaha

      Ou, nakakataba ng puso. Kulang na nga lang atakihin ako ng hypertension hahaha! Biglang nanakit batok ko neh. Nyahaha.

      Ai, sarap papakin yung mga nasa gilid-gilid nung styro nun. Hahaha

      Ingat lagi at Godbless!

    • Korek ka diyan parekoy, isa ka ba sakanila? hehehe

      Maraming Salamat sa pabati! Iba talaga kapag TFC. Buhay kapag madaling araw. Kaya madalas makabase si Kuya Pong! hahaha

      Ingat ka lage at Godbless!

      Balik ka ulet ha!

  7. Amimetney pale! Mente-ulo nga na mala! Nyet! Alu han-na nanen?? Maket wanang alak?? Hunyo nga mala iminanak nol nehehe. Nana main-nin-nihan mo inong mentahe ngo nahaha!

    • Ma-aming Alamat Nol! Buni aman a’ na-a-nalaw a’ nito’ a’ a-ing a-anan. Wanang alak pa-e eh. Niubos na amin. Paensya a’ na. Wala ‘ya a’! Inailapan o’ a-o i-o a’ oment mo! E-o o-ey ang! Miss aman i-a eh!

      Inat pale! Godbless!

  8. 12 ngaun , kahapon 11, nun isang araw 10
    HAPPY BIRTHDAY !!
    *clean throat* ehem ehem

    HAPPY BIRTHDAY TO YOU
    HAPPY BIRTHDAY TO YOU
    HAPPY BIRTHDAY
    HAPPY BIRTHDAY
    HAPPY BIRTHDAY TO YOU!

    kasi d ko lam number mo, ayan tuloy . late ako
    (mga dahilan. haha)
    happy birthday po aa?ü

    XoXo

  9. Nagpahuli talaga ako dahil alam kong kung makikisabay ako ng pagbati,hindi mo ako papansinin baby. Nakanaman. Ang tindi na naman nito.

    Maligayang kaarawan baby ko. Wala ng papantay pa diyan.

    Please handle with care

    • Nakanaks naman daw yun Kuya Jkul baby ko! nyahahaha..

      Maraming Salamat! hmmmnn, sige na nga tatanggapin ko na ‘yang excuse mo. Hehehe

      Ingat ka lagi at Godbless!

  10. Belated Hapi Bertdey Chevs! Pasensiya ka na mabagal na maglakad ang Lolo, ngayon lang nakarating dito. Ayun paksiw na litson na lang pala ang inabot ko. Kahit pala doblehin ang idad mo eh di pa aabutin ang idad ko. Mahaba pa pala ang biyahe mo. Ingat lagi & God Bless!

    • Maraming Salamat po Lo! Ok lang po yun, ang importante nakahabol po kayo sa pagbati. Hayaan niyo’t magpapagawa ako ng leche flan nang may kapakners naman ang paksiw na litson niyo. Hehehehe.

      Kaya nga po Lo, mediyo mahaba habang biyahe pa ang mararanasan ko. Pero kahit na triple pa ng edad ko ang edad niyo, kayo parin naman ang pinaka-cool na Lolo para sa’ken. Naks!

      Ingat po kayo lage at GOdbless!

      Maraming Salamat po ulet sa pabati!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s