My DAD’s 29 Forever!

Dalampung taon mo nang itinataguyod at sinusuportahan ang ating pamilya. Dalawampung taon buhat ng ako’y isilang ng mahal kong ina na iyong asawa. Dalawampung taon na kitang tinatawag na “tatay”. Dalawampung taon na din kitang minamahal. Sabi nila madami daw tayong pagkakahawig, hindi lamang sa mukha kundi pati na rin sa tono ng boses, pagka-maawain, paraan ng pagpapatawa, pagiging nerbyoso, pagka-matatakutin sa multo at pati mga tigyawat sa mukha ay namana ko sa iyo. Subalit may namana ako sa’yo na pilit kong binabago, yun ay ang pagiging barumbado at pagiging mainitin ang ulo. Lalo na kapag nakakagawa ako ng kamalian at mga pagsuway ko sa mga utos mo nuong bata pa ako. Ilang beses ko na bang natikman ang mga palo mo, ang bawat pagsalo ng puwet ko sa mabibigat mong palad at kung minsan pa’y ang abaniko mong sinturon. Ilang beses ko na bang narinig ang mala FPJ mong boses na para bang me plemang nakabara sa lalamunan mo sa tuwing nagagalit ka. Pati ang paraan ng kaniyang panduduro eh kuhang-kuha mo. Alam ko idol mo siya, me balak ka bang mag artista? Ilang beses mo na din ba akong gustong palayasin dahil sa sobrang tigas ng ulo ko nuon. Maraming beses din nuong kabataan ko, matagal-tagal ding kinalyo itong puwetan ko sa haplos ng pagmamahal niyong dalawa ni mama, matagal-tagal ding naging musika ng tenga ko ang mga sermon mo sa tuwing ako’y iyong kinagagalitan at matagal-tagal na din mula nuong maramdaman at marinig ko ang mga iyon.

Sa kabila nang mga iyon, hindi ako nagtanim ng kahit na ano mang sama ng loob sa’yo nuon at hindi din nabawasan ang aking pagmamahal sa iyo. May mga oras nuong kabataan ko na nagtatampo ako sa’yo, minsan masama ang tingin lalo na sa tuwing ayaw mo akong payagang mangaroling dahil baka kung anong mangyari sakin at baka makagat pa ako ng aso, sa tuwing ayaw mo akong payagang maligo sa ilog na aking sinuway ng di mo nalalaman, nyahaha! at sa tuwing ayaw mo akong payagang sumama sa mga kalaro ko para magpalipad ng saranggola dahil baka makagat ako ng ahas sa parang. Naalala ko nuong ginawa’n mo ako ng saranggolang papel nuon na tinupi lamang yung magkabilang gilid at tiyaka tinalian ng sinulid para magmukhang saranggola. Tuwang-tuwa ako nuon at nagtatakbo para paliparin yung so called saranggola ko. Nauto mo ako nuon, gayunpaman ipinagpapasalamat ko na rin ang mga iyon dahil hindi ako nahihiyang ipakita ang mga tuhod ko nitong pagtanda ko na, at higit sa lahat ipinagpapasalamat ko na ikaw ang naging tatay ko.

Marami mang pagkakataong nasaksihan ko ang pagdilim ng kalangitan sa mukha mo, madaming beses ko rin namang nasilayan ang muling pagsikat ng araw pagkatapos ng malakas na bagyo. Ang iyong mga pag-ngiti at ang amin namang pagtawa sa mga simpleng diyoks mong pamatay. Ang malambot na puso mo sa mga taong nangangailangan lalo na sa iyong mga kapamilya. Ang pag-aabang mo sa iyong mga kinagigiliwang teleserye sa ABS-CBN at pagpapaiyak sa iyo ng bawat istorya ng “maala-ala mo kaya”. Saksi ako sa lahat ng iyon, hindi lamang sa iyong pag-ngiti’t pagtawa, pagkuno’t ng nuo at ang iyong pagluha kundi ang pagtitiyaga at pagpupursige mo para magampanan ang iyong titulo… ang pagiging isa at tunay na “Ama”. Kaya nga ipinagpapasalamat ko sa Diyos na ikaw ang naging tatay ko, maraming salamat sa pagtataguyod sa ating pamilya, maraming salamat sa pagmamahal at pag-aalaga, maraming salamat sa paghahanda ng babaunin ko sa trabaho kapag wala si mama, maraming salamat sa paglalaba ng mga damit natin at sa pag-gising sa akin kapag alas kuwatro na ng hapon, maraming salamat sa mga pangaral at iyong pagdidisiplina dahil kung hindi baka kung san na ako pinulot ngayon. Maraming Salamat ‘Tay! at kahit hindi ko man madalas na nasasabi sa’yo dahil nahihiya ako, ewan ko ba kay mama naman hindi… MAHAL NA MAHAL KITA ‘Tay! at kahit na bigyan pang muli ako ng pagkakataong papiliin kung sino ang gusto kong maging ama, paulit-ulit kong isisigaw ang pangalan mo. Dahil ikaw lang ang gusto kong maging tatay at wala nang iba, at walang sinu mang maaring pumalit sa’yo dito sa puso ko ‘Tay! Happy Birthday! Aylabyu ‘Tay! Muwaaaaah! Nyahahaha!

POSTED:June 1, 2010 @ 1:06AM Local Time (Phil)

57 thoughts on “My DAD’s 29 Forever!

  1. Hello Bok..

    Happy Birthday Tatay,
    Maswerte kang nakasama mo si Tatay,
    maswerte ka rin kahit halos nagkaron ng kalyo ang pwet mo sa bawat palo at haplos nya ng pagmamahal.. hehe.. sige nga patingin ng pwet!!..=)
    Maswerte ka kesa sa’kin sa ganung bagay. Dahil may personal touch si Tatay mo idaan man nya yun sa pamamalo…agoys!!

    Happy Birthday ulet ‘Tay, mmmwah!!

    **miss na kita Bok..=)
    cge na nga pakiss na rin sa’yo..tsup!!

    • Hi Bok..

      Hindi ko alam kung pa’no tutugon sa komento mo. Tama ka masuwerte nga ako, subalit masuwerte ka rin naman. Dahil meron kang mga tunay na kaibigan at pamilyang nagmamahal sa’yo. Isa pa, naging matatag ka’t matapang. Hehehe

      Maraming Salamat Bok!

      **namiss din kita Bok..ehe.
      sarap naman nung kiss, me laway pang onti. hahaha

      Ingat lage at Godlbess!

      Maraming Salamat sa muling pagdaan!

      • dumadaan ako lagi dito kahit noong araw.. hehe.. buti gising ka na..

        ano kamusta?.. napansin ko si Yin sa ibabang koment parang sumabit yata sa linya yung .. ahmmm. ako ba yun?.. bwahaha.. feeling ako nga..=)

        pakitranslate naman!!

      • Naks naman, natats naman ako dun Bok, dahil diyan. Meron kang mamasa-masang kiss. muwaaaaaaaaah! hehehe

        Ok lang naman, kahit medyo masakit ang bunbunan. hehehe. Sige itratranslate ko sa’yo kahit masakit ang ulo ko.

        Sabi niya: Hindi na ako nagkomento tungkol dun kay Shy, nakuwento ni lee mi sa’ken na nabasa niya yung poste mong yun, kaso wala ako sa katinuan (atapis) nung mismong araw na yun.

        Hehehe. Ikaw nga yun Bok, hehehe. Ang lakas mo tlaga kahit kanino. hehehe

        Ingat ka lagi! Godbless

    • oo Ate! nagbalik na ako, inumpog kasi ako ni Kuya Jkul. hehehe

      Maraming Salamat sa pagbati!

      Kung alam lang sana ni Tatay to, tiyak kong matutuwa yun.

      Maraming Salamat sa muling pagdaan!

      Ingat at Godbless!

  2. Mapalad ka dahil may haligi ng tahananang sumusuporta sayo kapag nais mong tumakas sa usaping ama-anak na relasyon.
    Ganyan lamang ang mga ama kunyari bida pero alam mong kapag nasaktan ka, mas nasasaktan sila.
    Maligayang Kaarawan Tatay.

    Tatay ko siy di ba?

    • Maraming Salamat baby, este Kuya Jkul pala. Nyahahaha. Ou, nga.. tayo kasing mga lalaki mahinang magpakita nang tunay nating nararamdaman. Kaya minsan hindi tayo naiintindihan. Ou, Kuya Tatay natin siya. hehehe

      Maraming Salamat sa muling pagdaan, Ingat lage at Godbless!

    • Maraming Salamat Kuya sa iyong pagdaan!

      at Maraming Salamat din sa pagbati mo sa Tatay ko!

      Ingat ka lage at Godbless!

      Sana’y makabalik kang muli! 😀

  3. Happy birthday, Tatay!!!

    Dahil 29 lang ang tatay mo, e di magkasing-edad lang pala kami wahahha

    Malamang ipinagmamayabang ka rin ng Tatay mo sa mga kakilala’t mga kabarkada niya!

    Maligayang bati sa inyong mag-ama!!!

    • Hello Kuya Taribong!

      Ou, para sa’ken 29 habambuhay si Tatay. Me T-shirt kasi ako dati, na me tatak na “My Dad’s 29 Forever!”. Kapanahunan ng dalmatian nun. Yung movie, tagal na din. Naalala ko lang.

      Naks naman, sigurado naman ako na ganun din ang iyong Tatay sa kaniyang mga kaulayaw. hehehe

      Maraming Salamat sa Muling pagbisita at pagbati!

      Balik kang muli!

      Ingat at Godbless!

    • Hello Kuya Pong!

      Pang-ilang burger na ba yan, dami ko na utang ah. Hehehe.

      Kiss na lang kuya puwede ba? nyahahaha..

      Maraming Salamat sa pabati at mulng pagdaan Kuya!

      Balik kang muli!

      Ingat lage at Godbless!

      P.S. Ang diet ingatan. hehehe

      • salamat sa pagremind sa diet, hindi ko iyon makaklimutan lalo na ngayon na may tagaremind ako.

        nareceived ko na yung mga messages mo sa saturday nalang ako reply ha, arabic kasi mga computers dito sa shop.

        pumasok pala sila sa spam.

        Be blessed waling chevy!

        take care!

  4. Natakot ako bigla sa tatay mo. Mala FPJ pala ang boses. Nakooow. Haha.

    Napansin ko lang ang mga huling entries mo ay dedicated palagi sa isang tao. Nakaktuwa naman.

    Haberdei sa ama mong barumbado! Oops. Haha. Pede ba maki tatay na ren ako? Or daddy? Para makahingi ako pambile ng psp. Hehe.

    • Hello Vaj! Magandang Umaga! hehehe.

      Kakamiss yung batian natin *parang sagwa*. Hahaha

      Ou, sila naman kasi yung mga inspirasyon ko. eh. Hehehehe.

      Tatay na lang Vaj, di afford yung Daddy eh. Nyahahaha

      Maraming Salamat sa pagbati sa Tatay ko at sa muling pagdaan!

      Ingat lage at Godbless!

    • Hello Ate Anne!

      Ganun ba Ate, :(, wak ka na malungkot. Mukha naman akong matanda eh. Puwede mo din akong maging Tatay, maari ba yun. Adopted brother na adopted Tatay na din? hehehe. Gusto ko lang masaya ka.

      Maraming Salamat sa Pagbati at muling pagbisita Ate!

      Ingat lage at Godbless!

  5. happy birthday…

    ang bata pal;a forever ng tatay mo…

    welcome back utol chevy!

    namiss ko ang madamdamin mong pgsusulat.at may music pa…ayos!

    • Uyyy.. Haring “Du”!

      Ou naman, lagi ko ngang pinagdadasal sana hindi na sila tumanda ni mama. Hehehe.

      Welkam bak tumi! yahoo..

      Naks me ganun Haring “du” na miss ko mga GIFs mo! yun ang mas ayos! nyhahaha

      Maraming Salamat sa muling pagdaan Haring “Du” at sa pabati!

      Ingat lage at Godbless!

    • Ok lang Kuya, ikaw kamusta ka na?

      Walang handa eh, pero tingi ko uminom yun kasama mga kaibigan niya. hehehe

      Sa susunod na lang kuya kapag tumama na ako! hehehe

      Ingat at Godlbess!

  6. Pre ga ta uninom ti la di uncle, hahaha. Antoy brand to ah? Insan pigar-pigar hehe.

    Agak la nankomento’d samay kinen Shy, inistorya nen lee mi’d siyak ya abasa to man ya poste’m et atapis ak ed saman ya agew.

    Abasak met may maalaalamukasi ya poste’m, angitilak ak met na dakat ko.

    • wahahaha. ikaw naman torpe kay daddy. hakhak!
      happy birthday kay papa mo!
      at kung si daddy mo umeFPJ, si papa ko bumobong revilla.
      wahaha. nibigyan mo tuloy ako ng ideya sa ipoposte ko. hakhak.

      happy father’s day an rin sa tatay mo! hakhak! adbans na yan!

      ngapala. ayos si kuya yin ah. makatalos ak met pangalatok.
      hahahaha!

    • @Yin – Ga sirin ta un-shot tila nen Tatay, paneng neng kad siak ah Anggano antutan pre, GSM labat ayos la. Hehehe.

      Ay oh, ayos labat man pre. Ni abasa to may imbagam, in-patranslate to ed siak lanti. Hehehe

      Pasensya ka la manaya ta natan ak labat akapantilak na tugon. Abasak la may, komento’m ed samay maala-ala porsyon. Maganu ta itdan ko’y tugon. Salamat Pre ah! Ingat tan Godbless!

      @Eloi – Maraming Salamat Eloi! Naku kung si Ramon Revilla yung idol ni erpats mo, gandang tandem yun kung nagkataon *IYO ANG TONDO, KANYA ANG CAVITE* hehehe. Alam mo yan na movie nila?

      Happy Father’s Day din sa Erpats mo, at sa Erpats niyong lahat!

      Ingat! (jumajohnlloyd ba Elli?)

    • Maraming Salamat po Lo! Ou nga po, parang ganun na rin po. hehehe

      Advance Happy Father’s Day din po sa inyo Lo!

      Ingat po kayo lagi at Godbless! Balik po kayo! 😉

  7. grabe sobrang mahal mo si tatay mo, may blog entry ka pa for him.. nakanaks. swak ang bday nya malapit sa father’s day! waw talaga.

    😀

    nakaktouch

    T_T

    • Waw Maraming Salamat sa pagdaan dito sa aking bahay-cubo Kumpareng Jason Hamster. Hehehe.

      Naks naman, nakakatouch talaga. Advance Happy Father’s Day sa Erpats mo!

      Balik ka ulit!

      Ingat!

    • Hello Kuya J.Kul!

      Hmmmn, maari bang pakipaliwanag sa akin ang tema Kuya. Sorry ha, nabo-bobo na talaga ako. Hahaha..

      Nang maumpisahan na ang pag-ugoy ng duyan Kuya Jkul baby ko.. hehehe

      Maraming Salamat!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s