Alter Ego

Dear Chevybo,

Kamusta ka na? Matagal-tagal na din simula nung huli akong makabasa ng poste mo. Ano na nagyari sa’yo? Hindi ba’t ikaw ang may gusto nito? Ipinahiram ko pa nga ang aking utak, mga daliri at mata para lamang makapagsulat ka. Nasan na ang mga ideya? Ang mga nasimulan mong sulatin? Mananatili na lamang ba ang lahat ng iyon sa Wordpad? Ang emosyon na iyong pinanghuhugutan para makabuo ng isang poste? Naglaho na bang lahat? Ganun lang ba kabilis yon? Batid kong meron kang pinagdaanan nung nakaraan at pinagdadaanan sa kasalukuyan. Pero gumising ka, imulat mo ang iyong mga mata, hindi lang ikaw ang tao dito sa mundo at hindi lamang ikaw ang taong may problema. Maging sila man ay meron din, oo tama ka, may mga kaniya-kaniya din silang pinagdadaanan. Hindi ka naman dating ganiyan ah, masyado na bang mabigat? Masyado ka na bang constipated sa emosyon? Heto, heto ang aking mga daliri… at paulit-ulit ko itong ipapahiram sa’yo kung kailangan mo. Hindi ka pa nga nagsasalita iniaabot ko na eh. Ano pa bang kailangan mo? Ba’t bigla kang nawalan ng ganang magsulat? Naalala mo pa ba nung, estranghero ka pa lang dito sa mundong ‘to? Nakikibasa ng poste ng iba? Naiinggit sa palitan nila ng komento, gustong makisaw-saw pero hindi alam kung paano? Hanggang sa nagkaroon ng sariling kuta, pinakilala ang sarili at tinanggap ng iba. Naalala ko pa ang ngiti mo nun pagbukas mo ng account mo. Halos minu-minuto ata binibisita mo yung bahay mo, kung may bago bang komento o kung may bago bang poste ang mga kapwa mo bloggers na itinuring mo nang mga kaibigan. Kung saan maari kang makipag-unahan sa iba ng pag-iiwan ng puna para lamang maisigaw sa buong madlang people ang salitang “Base!”. Ang pakiramdam na para bang naka “homerun” ka’t nagtatalon sa tuwa. Mas itinuring mo pa ngang tunay na mundo ang blogosperyo kesa sa mundong kasalukuyan mo’ng ginagalawan. Dahil kahit sa virtual na mundong ito, nagkaroon ka ng mga tunay na kaibigan. Mga kaibigan na patuloy mo paring dinadalaw nang hindi nila namamalayan. Bakit nga ba? Eh maari ka namang mag-iwan ng puna.

Alam ko naman gusto mong bumalik eh, gusto mong muling makapagsulat, ibahagi ang mga ideya, buksan ang panibagong pahina ng iyong buhay, ilahad ang mga naging karanasan, muling makipag-harutan,makipag-palitan ng kuro-kuro, makipag-apir at tumambay sa kani-kanilang bahay. Isipin mo naman yung mga punang hindi mo pa nabigyan ng tugon sa mga poste mo. Mahiya ka naman, ni hindi ka pa nagpapasalamat sa kanilang pagbisita, sa pakikisimpatya nila sa iyong nararamdaman nung mga panahong nababalot ka ng kalungkutan at ang mga magagandang punang kanilang iniwan. Kaya bumalik ka na’t, muling ipagpatuloy ang iyong nasimulan. Huwag mong isama ang pagsusulat sa bilang ng mga bagay na iyong sinimulan at hindi na muling tinapos pa. Alam ko praning ka, pero wak kang hibang! Ano ngayon kung wala nang pumapasok na ideya sa utak mo? Kabawasan ba yon sa pagkatao mo? Mababawasan ba nun ang tinatanggap mong suweldo tuwing akinse’t katapusan? Matatanggal ba nun ang pagka-adik ni Noynoy sa sigarilyo? Kung mapapadali nito ang pag-dyebs mo tuwing umaga’t hapon matatanggap ko pa. Dahil kalusugan na ang pinag-uusapan diyan. Pero hindi eh, hindi sapat ang mga rason mo para tuluyang lisanin ang mundo ng blogosperyo. Dito malaya ka, dito kaya mong ilabas lahat, pati hinagpis na dala ng constipation maari mong ilabas dito. Dito ang mundong iyong kinabibilangan, nandito ang mga tunay na tao, ang mga tunay na kaibigan. Dito mo inumpisahang tumipa, tapusin mo hanggang sa rayumahin ka. Alam kong sinulatan mo si Kuya J.Kul, sa “Dear Kuya J.Kul” portion sa kaniyang kuta. At alam ko din ang malaki mong katanungan sa sulat mo. “Ang kung pa’no mo tatahakin ang daan pabalik”. Sana’y malaman mo na ang kasagutan sa tanong mong iyon at mahanap ang daan pabalik. At sa iyong pagbabalik ako’y maghihintay, muli kong ipapagamit sa iyo ang aking katawan, free of charge.. no tax! pakibilisan lang ang pag-iinarte ha…

P.S. Wak mong kakalimutan ang pasalubong ko ha, kung san ka man naroroon. Ingat!

Ang iyong kaibigan,
Chevy Doran Cubo

13 thoughts on “Alter Ego

  1. minsan talaga sa buhay, may mga bagay na gustong gusto ka na hindi mo maiiwasang iwan. pero ang mahalaga doon, kahit na umalis ka pa, babalik ka pa din at haharapin ito muli at ipagpapatuloy – tulad ng pagsusulat.

    sabi nga, kung talagang ito ang passion mo, kahit anong iwas mo, ang tadhana ang magbabalik sa’yo kahit na anong iwas mo.

    just don’t hurry yourself, find inspiration, like your friends and readers.

    mararamdaman mo na lang, para ka na lang humihingan ng hangin kapag nagsusulat ka, ganun ka natural.

    at sa haba ng sinabi ko, isa lang naman ang gusto kong sabihin: Welcome back! 🙂

  2. ingat alter ego este chevy,
    take your time,
    just do it (sabi ng nike yan) sa perfect time, because you know when you want to write and the most importantly the need to write.

    iba kasi ang gusto sa kailangan
    ang gusto – pwede kang mabuhay kahit wala ito
    ang kailangan – hindi ka mabubuhay kung wala ito (economics lesson to class)

    writing/blogging is a way and form of life, you have to breathe, laugh, cry, love

    take it easy, one step at a time
    maghihintay kami

    kung nagmamadali ka man magtricycle ka para makarating ka agad ha,

    –kuya pong

  3. kamusta chevy?

    ang virtual na mundo ay laging naghihintay.

    kung marami ka pang inaasikaso at mga mas mahahahalagang priority sa totoong daigdig,isipin mo na lamang na yun ang kailangan mong unahin.

    kami,ang iyong nga tagasubaybay at kaibigan,laging maghihintay kung ready ka na ulit.

    magandang araw,chevy!

  4. ui kuya chevy. gusto kitang hila-hilain ngayon din. gusto ko sanang magpanagalatok baka saklaing maconvince kita kaso hindi nga ako marunong magsalita nun. kunti lang talaga.

    bumalik ka dito. please. hakhak!

    miss ka na ng blogosperyo.

    pero kung busy ka talaga. okay. unahin mo yan. mas importante ang real world kesa sa virtual world. yun lungs naman. yehey!

  5. kumusta po!

    sana maakit uli ang inyong mga daliri sa pagtipa ng mga salitang aakit sa tulad kong mahilig makialam kahit walang karapatan.

    ayon sa inyong sariling pananaw..
    “patuloy na tatahakin ang daan patungo sa liwanag, mag-iiwan ng marka at matututo. Ganyan ang tunay na pinoy! Kaya’t wag kang sumuko sa hamon ng buhay kaibigan”.

  6. Para sa inyong lahat,

    Maraming Salamat, *singhot-singhot at maluha-luha* sa mga komento at pakikidalamhati sa mga pinagdaanan ko nuong nakalipas. Hindi ko alam pero ang laki ng naging epekto nuon. Bigla na lamang akong nawalan ng gana at natuon ang atensyon ko sa ibang bagay. Pero napag-isip isip ko rin na wala namang mangyayari kong patitigilin ko ang pag-ikot ng mundo ko dahil sa mga nangyari nitong nakaraan. at maraming salamat dahil ginising niyong muli ang katawang-lupa. Kahit medyo tuyo’t parin ang utak ko, nakabalik naman ako. Maraming Salamat sa inyo. at Namiss ko kayong lahat. Isa-isa ko kayong babalikan. HUmandao kayo! Buwahahahaha!

    Aylabyu all! muwah! 😉

    • Mag po porterti na kasi, kaya hindi ko na kayo iisa-isahin sa ngayon. Pero humanda parin kayo bukas! hahaha. Kelangan ko na kasing umuwe at harapin ang realidad, siempre para may maibigahi ulet ako. Hehehe. Yan ang aking natutunan, tunay mang matatawag ang mundong ito… sabalit may mga katotohanan at resposibilidad na hindi mo maaring iwasan sa mundong kasalukuyan mong ginagalawan…

      Mahal Ko Kayo…. *gayahin ang pag-wagay-way ng kamay ni Sandara Park at ang sikat na sikat na Asian pose* nyahahaha 😀

  7. Pre antoy itsura? Samtak agka la umpawil kanyan agak diya makakakar, abasak so poste nen asipet, si J. Kuli, agka maingal ya tinawag kon asipet si masiken ah, hahaha.

    Katoman kanyan nipalig ak na dagem diyad abong mo. Agka unsasawa pre, nu labay moy mansulat sige labat, no anggapoy mambasa sige labat, mansusulat tayo para sarili tayo aga untan? No walay mambasa et makaliket ed abasa to komplimento la man. Singa siak maliket ak ya anggan panon et nambasa kad abong ko antes kan angialagey na gawam. Wala niy nambasa pinawil to anggad gapu, angangko labay toy makadokdok kanyan nananos. Awey no walay nala to. Hahaha. Ampan alireg labat.

    Abalbaleg ya dayew kud sarilik ya wala ray manggagabay na ilulutdak ya anggan diad sarilik et singa anggapoy kabaliksan, pikakaaro kasi so pakakanaen tayo, insan sikada met.

    Agka unsasawa, nen ginmapo ak anggapoy pibabalik sulat ak la sulat, ginmapo ak ed Blogspot anggapoy umpapasyar ed abong ko ta agak met unaakar nen saman, balet wadman ni ra man ya insulat ko, papawilpawilen ko no maminsan ta insulat ko ra man para sarilik, ag tayo kasi natipon so amin ya kanunotan tayo lalo ra may ankekelag, katoy sirbi na blog, walay labay mon pawilen ed bilay mo nagawaan mo ta walay angi-ukitan mo. Awa?

    Diyad imbayag ko lan mangilulutda ray kanunotan ko amayamay met lay akabat ko, no anggapoy nisulat ko akar-akar ak met labat mitatakiling ed abong na makan-abong umpan walay nadokdok ko, tan sympre miistoryaan met la.

    Undalan ya undalan so ngiras, balet anggapoy kana to tan. No mas maksil so teger mon mansulat umpawil kan umpawil. No padisir mo et singa anggapoy kabaliksan da ray isusulat mo paulyan mo basta ipaway moy liknaan mo. Diyad ibayag makagawa kay sarilim ya istilo ya anggad natural mo la.

    Alusi awa? Hehe.

    Aro tan respeto nanlapud Yin, pre.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s