Inay Ko Po!

Siyam na buwan mo akong dinala sa iyong sinapupunan. Matiyaga kang gumigising sa gabi para timplahan ako ng gatas at ipaghele para tumahan ang aking pag-iyak. Sa’yo ko unang natutunan kung pa’no isulat ang aking pangalan, kung pa’no linisan ang aking sarili nang mag-isa, kung pa’no hugasan ang puwet ko nang mag-isa, kung pa’no disiplinahin ang aking sarili lalo na sa paghawak ng pera, at higit sa lahat.. ikaw ang nagpakilala sa’kin sa ating Dakilang Lumikha. Bata pa lamang ay ipinamulat mo na sa’ken kung pa’no pahalagahan ang mga bagay dito sa mundo, maliit man o malaki. Bata pa lamang ay ipinaalam mo na sa’ken na hindi basta-basta ang mabuhay dito sa mundong ibabaw, na laging mayroon’g bukas na dapat paglaanan dahil hindi lamang tayo ngayon’g araw mabubuhay. Bata pa lamang nakita ko na kung pa’no ka tumawa at kung pa’no ka ka mag-evolve bilang isang halimaw. Sa totoo lang mas natatakot ako sa’yo kesa kay tatay kapag nagagalit ka. Mas malakas ka kasi pumalo kesa sakanya. Madalas mo’ng pamalo sa’ken yung leather na sinturon ko o di kaya’y yung abanikong sinturon ni tatay nuon. Naalala ko pa nung minsang pinalo mo ako ng sinturon, na’mali ka ng palo sa sobrang init ng ulo mo’t tinamaan ang aking likod. Bumakat yung sinturon sa bandang baywang ko, at nung napansin mo tinanong mo ako kung masakit ba. Ramdam ko sa pagtatatanong mo’ng iyon na para bang ikaw yung nasaktan at hindi ako. Aaminin ko pasaway naman talaga ako, madalas kong suwayin ang mga bilin at ipinaguutos mo.

Subalit sa kabila nun, ikaw parin ang naghahanda ng aking agahan at ng babaunin ko sa eskuwelahan, nagbibigay ng baon na aking tinitipid at naghahanda ng merienda kapag labasan ng hapon. Hanggang sa pagtanda ko’t nadagdagan na tayo dahil nagkaroon na ako ng mga kapatid, hindi ka parin nagbago. (hindi mo na nga lang ako pinapalo ngayon, gayun din si tatay hehe).Nawalan ng trabaho si tatay, namasukan ka bilang kasama sa canteen ni Auntie Mila para may mai-uulam tayo, nag-ikot ikot ka para mag-buy and sell ng kung anu-ano para may pambaon ako kinabukasan, at higit sa lahat tumanggap ka ng labahin para lamang mairaos ang pang araw-araw nating pangangailangan. Ang laki ng sakripisyo mo para lamang tayo mabuhay. Lahat kaya mo’ng gawin para sa pamilya natin. Kaya nga elibs na elibs ako sa’yo eh. Kaya ngayong ako naman ang nagtratrabaho (pero nagtratrabaho ka parin kahit may karamdaman), gusto kong makabawi sa mga ginawa mong sakripisyo. Gusto ko ako naman ang magsakripisyo para sa ating pamilya. Gusto kong suklian ang pag-aalaga, pag-gabay at ang pagmamahal mo samin. Hindi ka man naiintindihan ng iba, hindi ka dapat magpaliwanag dahil wala ka namang dapat ipaliwanag. Wala silang alam kung pa’no mo pilit na itinaguyod ang ating pamilya. Kahit lagi ko man itong sinasabe sa’yo, sasabihin ko parin ito ng paulit-ulit at ipagsisigawan MAHAL NA MAHAL KITA ‘MA!.

Para sa’kin walang pinipiling araw o buwan ang pagbibigay pugay natin para sa ating mga magulang. Kung gugustuhin lang natin, puwede namang araw-araw eh Mother’s Day o Father’s Day. Walang tamang oras at walang tamang panahon. Hangga’t may nakikita tayong pagkakataon, ipadama natin, ipakita natin na sila ay mahalaga. Huwag na nating hintayin pang dumating ang araw na pagsisihan natin ang mga araw na sinayang natin, at balikan ang mga araw na iyon bilang isang alaala na lamang.

Pa Sa Lahat Ng Mga Nanay Sa Buong Universe! HAPPY MOTHER’S DAY!

20 thoughts on “Inay Ko Po!

    • iba talaga ang pagmamahal ni nanay..9 na buwan tayongn walang mukha sa kanyang sinapupunan, tapos lalabas tayo sa mundong to na minsan nakakaligtaan natin silang igalang.. ona palasagot din ako minsan..hehehe

      pero di ko nakakaligtaan MAHAL NA MAHAL KO si MUDANG..

      Happy maders dey sa nanay mo, isang pagbati galing sa disyerto 🙂

  1. Totoo ang iyong sinabi at pagpapasalamat sa lahat ng pagmamahal ng iyong Ina. Mahalin sila ng 24/7. Tanda ko nung tinuli ako, si Nanay ang naglanggas mula sa nilagang dahon ng bayabas.

  2. Maishare lang.

    Pyesta sa aming nayon noon, inutusan ako ng aking nanay na kumuha sa aming kaingin ng kamote, dinala ko naman ang itak ng aking ama para makuha ko ang laman ng kamote, sa paghuhukay ko, ang natamaan ay ang aking kaliwang palad, muntik nang mapigtal ang aking hinlalaki dahil sa malaking hiwa.
    Ang natatandaan ko na lamang, binuhat ako ng aking nanay hanggang sa aking kwarto, nawalan ako ng malay pero pagkamulat ko, ang balisa kong ina ang aking namulatan.

    Kitang kita ang kaniyang pag-alala.

    Hindi ko matandaan kung ano ang ginawa niya para maampat ang dugo. Hindi ko alam.

    • kawawa ka naman Lo.. muntik na palang maging si Jkul putol.. at da BEST lagi si Nanay magrescue.. parang may magic ang bawat pag aalaga..

      Pa-kiss kay Nanay mo.. ni Bok.. at maraming butterfly kisses kay Nanay ko..=)

  3. Chubs Pare!

    Gayundin ang pagbati ko sa iyong mahal na Ina!

    Kapag ang mga post tungkol sa pagmamahal na anak sa Ina… Nakokonsensya ako ng lubos. Lately lang kasi ako bumabawi ng pagmamahal sa Mame ko.

    Gayumpaman, it’s never too late.

    PS: Di pa ako nakapag-bukas ng e-mail. Tsek ko mamya sa bahay.

    I lab yu Pare! Haha! Ingat lague.

  4. happy mothers day sa mommy mo,men!!!

    pakisabi,mahal na mahal mo sya.and do it every chance you get!

    yan na lang ang bayad mo sa akin kapag natutuwa ka sa mga doodles.ayos ba?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s